Ang Boyfriend Kong Artista (20 page)

BOOK: Ang Boyfriend Kong Artista
12.75Mb size Format: txt, pdf, ePub

FR: XXXXXXXXXXXXXXXXX

Bryan, How are you? This is your mom, I'll talk to you later. K?

Di ko nireplyan. Bakit pa. Alam niyo namang sigurong, siya yung gusto na magstay ako dito, right? Gusto ko sa States lang ako. Pero siya, gusto niya, dito ako. Tangna. Para daw makabawi ako sa kasalanan ko...
hindi ko naman
sinasadya yun ha?

"B-bryan."
Nakatingin siya sakin, nagpapaawa. Problema nito?

"Oh, problema mo?"

"Eh. Kasi... W-wala akong extra uniform. Hehe. Pati underwear..."
Bigla siyang namula. Ako rin naman ha! Papahirapan na naman ako nito?

"So anong gusto mong gawin ko? Bigay ko sayo uniform ko? Pati... u-underw--"

"Gagu ka! Pakitawag na nga lang si Andie. Meron siyang extra e."

"Tss. Sige."

"Thank you."
Nagulat ako. Syempre, nagthankyou e. Bihira yun ha? Nakasmile siya sakin. Napasmile tuloy ako.

Don't get me wrong. Pero, ewan. Magaan lang talaga loob ko sa kanya. Siguro, kasi, naalala ko sakanya si...
Bettina.

"Okay lang yun. Pero tandaan mo, babayaran mo pa ako. May utang ka sa akin."
Bigla naman siyang sumimangot.

"Eeeeeh. Wag na. Hehe. Ambait mo talaga Bryan! Wag na, libreng pagtulong mo na sa akin yun.

Friends naman tayo diba? Hehe..."

"Ano ka, swerte? Hindi pwede."

"Anong gagawin ko para makabawi ako sa ginawa mo?"

"Uhm..."
Oo nga noh? Anong papagawa ko sa kanya para mabayaran niya sa akin yung utang na loob niya?

"I'll think about it."
Nagwink ako sa kanya tapos lumabas na.

Eya. Eya. Eya. Babawi ka sa akin. Tandaan mo yan.
Papahirapan kita
.

13.

Eya's Pov

Umalis na si Bryan nun. Ugh. NAKAKAINIS! Ano na naman kaya iniisip nung mokong na yun? Nako, Lord! Baka

mamaya pahirapan talaga ako nito!

"Bes! Nangyari sayo?"

"Ay Butiki!"
Nakakagulat naman `tong babaeng `to. Parang kabute. Susulpot na lang bigla. Kinabahan ako ha.

"Where? Wala naman ah?"
Binatukan ko siya.

"Tangengot! Salamat naman at andito ka na. Ang tagal ha!"

"Kapal ha. Pumunta pa akong locker room para dito sa uniform mo nàto. Tss."
Binigay niya sa akin yung palda. Yehey!

"Thanks Bes! Bihis lang ako ha?"
Pumasok na ako sa Cr at nagpalit. Buti na lang magkasize lang kami ni Bes.

Pagkatapos kong magpalit, dumiretso na kami sa classroom. 5 minutes na lang kasi at magbebell na.

"Buti na lang at nakahabol tayo."

"Oo nga e. Bes wait ha? May bibigay lang ako kay Yoma."
Um-oo naman ako at umupo na. Pagkaupo ko, maraming nakatingin ng masama sa akin. Srsly?

"Uy."

"AY PALAKA!"
Nagulat ako kasi may sumundot sa tagiliran ko. Pagkatingin ko, si Bryan lang pala.

"Hoy. Hindi ako palaka!"

"Ganun? Mukha kang palaka e."
Bigla ba naman akong binatukan.

"Yabang mo. Ikaw nga yun e. Palakang nagkaroon. HAHAHA!"

"Wag ka ngang maingay!"
Tumawa lang siya. Ugh.

"Basta, mas mukha kang palaka."

"Anong ako? Alam ko hindi ako maganda, pero hindi naman ako mukhang palaka noh!"

"Maganda ka kaya."

Bigla akong natahimik. Natulala? Ewan. Nagulat kasi ako e. Tumalikod na lang ako.

"Hey Bryan! Andyan ka na pala. Eya? Nangyari sayo?"
Si Andie pala, nakaupo na.

"Wala Bes. Ayan na si Sir."
Tinuon ko na lang yung atensyon ko sa teacher. Kahit ba mukhang asungot yun.

Naiilang ako, ugh. Dahil ba sinabihan niya ako ng maganda?

"Okay, Since kilala niyo na naman yung isa't-isa. E pwede na akong magdiscuss?"

"Wag muna Sir!"

"Oo nga!"

"Next week na Sir!"

"HAHAHAHA!"
Nangyari dito kay Sir Lopez? Nababaliw?

"E-ehem. Nevermind. Ang ididiscuss ko lang naman sainyo e yung rules and guidelines sa classroom

e. So, ilabas niyo yug handbook niyo and turn to page 3."

Dakdak pa ng dakdak si Sir Lopez pero wala akong naintindihan. Di ako makaconcentrate. Ugh! Bakit ba?!

"Maganda ka kaya."

"Maganda ka kaya."

"Maganda ka kaya."

"UGH NAKAKAINIS!"
Nagulat ako kasi napatayo pala ako. Uh-oh.

"HAHAHAHAHAHAHA!"
Nakakahiya. Ugh. Tumawa yung mga classmates ko. Leshe.

"May problema ba, Ms. Alvarez? Kanina ka pa tuliro ha? Diba nagpaclinic ka na? Binuhat ka pa daw

ni Mr. Lim papunta dun ha."

"Uh... Wala po. Hehe."

"Sige, sit down. 2 hours na lang at uwian niyo na. Wag kang magmadali, Ms. Alvarez. Parang may

lakad ka ata e."
Umupo na lang ako. May mga tumawa pa pero di ko na lang pinansin.

"Bes! Binuhat ka ni Bryan?"
Bulong ni Andie. Pero nakasimangot siya.

"Ha? Ay, Oo. Tss wala yun."
Nagsmile naman si Andie nun. Siguro ayaw niya din kay Bryan. Ugh. Tumawa naman bigla yung nasa likod ko. Mahina lang pero rinig mo, boses ba naman nun e. Hindi ko na lang pinansin, baka mamaya magkaroon ng World War dito e.

After two hours, uwian na!
Pero may hinihintay kaming marinig.

"Goodbye Class."

"Goodbye Sir! Thank you for teaching us today. See you tomorrow!"
LALALALALA! Uwian naaaaaaaa!

Other books

Closer: A Novella by Dannika Dark
Fall From Grace by Tim Weaver
It's a Wonderful Knife by Christine Wenger
Holding On by Marcia Willett
Whirlwind by Robin DeJarnett
Jamrach's Menagerie by Carol Birch
Show Me by O'Brien, Elle