Ang Boyfriend Kong Artista

BOOK: Ang Boyfriend Kong Artista
3.79Mb size Format: txt, pdf, ePub

ANG
BOYFRIEND
KONG ARTISTA.

[C] Ellaine Larena aka Ella/ella.ella.ella/modernongmariaclara

All Rights Reserved. 2010-2011. None of this should be redistributed without my consent.

Plagiarism
is for
losers
.

----------------------------------------

Tanga daw ako.

Nagpaloko daw kasi ako sa !@#$ kong EX. Tapos trinaydor pa ako ng isa sa bestfriend ko.

Hindi ko man lang daw
nahalata
.

Tanga daw ako.

Kinamuhian ko ang isang lalaking, hindi ko naman kilala.

Nagpahalik pa ako sa
kanya
.

Okay. Anong point ko?

Tanga na nga ako. Uto-uto
pa
.

TAPOS, MALAMAN-LAMAN KO.

Magkakaroon ako ng Boyfriend na isang
Artista
?

Naguguluhan ka na ba?

EDI BASAHIN
MO
.

PS:
Sana lang hindi mabasa ni Bryan Lim 'to. Baka mamaya, pahirapan niya ako. Lagot
na
.

1.

Eya's POV

Alam niyo ba yung salitang,
"Tadhana?"

Natural alam niyo yun e halos lahat ng love stories nagaganap dahil sa Tadhana. Kumbaga, talagang si Kupido na ang gumawa ng paraan para magtagpo ang landas niyo.

Pero,
hindi naman lahat ng tinadhana e magkakatuluyan.
Tignan mo ako. Sabi nila, tinadhana daw kami.

Pero bakit ganun, Iniwan niya pa rin ako?
Iniwan pa rin ako ng gag*ng Roderick na yun
. Pinagpalit ako sa kaaway ko. Saklap noh?

Naalala ko tuloy nung nakaraang linggo, Tinext ako ni Roderick na magkita daw kami sa Starbucks malapit samin.

Alam niyo bang 6 months na kami nung araw na yun? So yun, nag-ayos pa talaga ako nun. Dala ko pa yung regalo ko sa kanya which is yung gusto niyang cap. Nung papunta na ko dun, alam niyo kung anong nadatnan ko?

Si Erick at si Allison.
Magkaholding-hands
.

Hindi ko kaya alam yung gagawin ko nung time na yun. Nabitawan ko yung regalo ko sa kanya pati rin yung cellphone ko. Syempre na-shock ako e. Sino bang hindi? Nakita nila ako at binitawan nila yung kamay nila. Ano kayang feeling kung,
Malaman mong mas malandi pa sayo yung boyfriend mo?

Ayokong umiyak. Ayokong ipakita sa kanyang naapektuhan ako. Gusto ko siyang sigawan, awayin, paluin. Pero

mapride akong tao e. Kaya nilakasan ko ang loob ko at sinabi sa kanya,
"Uy, Anòto? HAHA. Joke bàto?

Tatawa na ba ako?"
Medyo mang-iyak-iyak nako nun, pero alam niyo ba nakatungo lang siya. Hindi ako pinapansin. Sakit sa ego. Sakit sa puso. Para matapos nàto, Sinabi ko,
"Anong palabas `to? Kayo na ba? Kung
kayo na, Congrats. Naghanap ka na ng pamalit ko. Mas maganda at sexy. Enjoy mo yan. Ay, Oo nga

pala. BREAK NA TAYO. Sige, aalis nako. May gagawin pa ako e. Bye."

Tumakbo ako nun papalabas ng Starbucks. Narinig ko ngang sinisigaw ni Erick yung pangalan ko e. Pero hindi ako lumingon. Kasi, pag lumingon ako.
Talo ako.

Alam niyo, hindi naman kasi ako maganda. Simple lang, may itsura. Si Erick. Gwapo, Sobrang sikat sa Campus.

Varsity pa. Kaya nga nagulat ako nang niligawan niya ko e. Akala ko, bet lang. Pero sabi niya sineryoso niya daw ako.

Siya kaya yung unang minahal ko. Actually, Siya first/s ko. First boyfriend, first kiss, first love. Pero ano yung kanina?

Hindi man lang siya nag-explain?

Hindi ko alam kung saan ako napadpad. Nalaman kong pabalik na ako sa may street namin nung nakita ko yung

abandoned house malapit samin. Pero nagulat ako nang may narinig akong tumutugtog sa may house na yun.

OH MY GOD. Kinilabutan akooooooo. O.O

Pero, ang nakapagtataka, nakakatama sa puso yung tugtog. Alam niyo yun, kahit melody lang. Nakakawarm ng puso.

Hindi ko napigilan, pumasok ako ng bahay (bukas yung gate) at sinundan kung saan man nanggaling yung tunog na

yun. Andito na ko sa labas ng bahay, Palapit na palapit na ko ng biglang tumigil yung tugtog. Okay, That's weird.

BAKA NGA MULTO! Mommy!

Dahan-dahan na kong bumaba ng stairs ng bahay ng biglang may humila sakin.

"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA! WAG NIYO PO AKONG PATAYIN! HUHUHU!"
Sigaw na ko

ng sigaw, di ko makita yung mukha nung tao kasi hawak bibig ko e. Ouch.

"WAG KA NGANG MAINGAY! ANONG GINAGAWA MO BA DITO? AT SINO KA?"

Binaba na ko ng misteryosong taong `to, Inayos ko yung bangs ko tapos humarap sa kanya. SHET.
ANG GWAPO
.

O.O Manners, Eya. Di ka pa ba natuto?

"AKO? EKASIALAMMONARINIGKOLANGNAMANYUNGMELODYE--"
Hindi ko natuloy yung sinabi ko,

kasi bigla niya akong hinalikan. Teka,
HINALIKAN AKO NITONG GWAPONG `TO?

2.

Eya's POV

Hinalikan niya ako.

Hinalikan niya ako.

Hinalikan niya ako.

Hinalikan niya, AKO?

"TANGNAMOBATMOAKOHINALIKAN?"
Sambit ko dun sa mamang stranger na gwapo, e kasi, hinalikan nga ako e. AMP.

Tumawa yung mamang stranger, tas nilapit niya yung mukha niya sakin,
HAHALIKAN NA NAMAN BA KO

NITONG MOKONG NÀTO?

Tinakpan ko yung bibig ko, pero tinanggal niya rin yung kamay ko na nakashield sa bibig ko. PAKSHET. Manyak

`tong lalaking `to! HEEEEEEEELP!

Pumikit na lang ako.

Bigla niyang pinitik yung ilong ko atsaka tumawa na ng tumawa. Baliw? Napapahiya ako ha.

"HOY. BAKIT KA BA TUMATAWA DYAN? MANYAK!"

"HAHAHAHA. AKO? MANYAK? BAKA IKAW! MAY NALALAMAN KA PANG PAPIKIT-PIKIT DYAN E.

HAHAHAHA!"

Alam niyo, masasapak kòtong lalaking `to.

"BAKIT MO PALA AKO HINALIKAN? HA!"
Naalala ko tuloy! AMP. Pinagpapalo ko siya sa sobrang inis nang biglang pumasok siya sa may pinto ng isang kwarto. Aba, PINAGLOCKAN AKO!

"HOY BAKIT MO NGA KASI AKO HINALIKAN?!"
Di pa rin ako pinagbubuksan ng pinto. FVCK. Bipolar bàtong stranger nàto?

Napaupo na lang ako dun sa may gilid, Hawak yung lips ko. Di ko alam kung bakit sobra akong affected sa halik nung stranger na yun. Siguro kasi,
naalala ko yung first kiss ko. With Erick.

Flashback

1st Monthsary namin nun
, Napagpasyahan namin ni Erick na pumunta sa MOA para magcelebrate. Sa may

seaside kami nun. Wala lang, pahangin, foodtrip. Nang bigla niya kong niyakap.

"Baby ko, Alam mo, di ko pàto nasasabi sayo, pero, masaya ako kasi andito ka sa tabi ko. Mahal

na mahal kita. Mahal mo rin ba ako?"
Tinignan niya ako. Yung tingin ng isang tao na mahal ka talaga.

Tinignan ko siya tapos hinawakan yung pisngi niya,
"Mahal na mahal rin kita, Baby ko. Wag tayong

maghihiwalay ha?"

Hinawakan niya yung pisngi ko. Niyapos ko naman siya. Nilapit ko na yung mukha ko sa kanya at ayun, nagkiss

kami.
My first kiss
. Sobrang halaga. Pero sinira lang nung taong yun.

End of Flashback

Bigla kong narinig yung pinto na bumukas. Medyo nagulat siya.
"Uh, Miss. Umiiyak ka? Sht. Wag kang

umiyak! Hinalikan lang kita kasi ang ingay mo e."
Umiiyak na pala ako. Hindi ko napigilan, napayakap ako sakanya.

Other books

Siege by Jack Hight
With Cruel Intent by Larsen, Dennis
Riot Act by Zoe Sharp
Strapped Down by Nina G. Jones
As Shadows Fade by Colleen Gleason
Hiding in the Mirror by Lawrence M. Krauss
Hunter by Huggins, James Byron
How to Ditch Your Fairy by Justine Larbalestier