Read She's Dating the Gangster Online

Authors: Bianca Bernardino

She's Dating the Gangster (9 page)

BOOK: She's Dating the Gangster
11.7Mb size Format: txt, pdf, ePub
ads

Umupo ako sa may sala. Napansin siguro ako ni Sara na nakatulala kaya tinabihan niya ako

“Athena, umamin ka nga sa akin.. Naaapektuhan ka sa mga chismis sa school diba?”

“Siguro kanina.. Pero hinde na ngayon.”

“THANK GOD! Akala ko kasi dinibdib mo yung ganung klaseng balita eh.”

“Sabi kasi sakin ni Kenji, wag ko daw pansinin, wag daw ako magpapaapekto.. Yun ang ginagawa ko..

Kasi sabi niya.. Poprotektahan niya daw ako.”

Nagsmile si Sara sa akin, “JUNG MAL?!? OMG! Si Kenji ba talaga nagsabi nun? I mean.. COME ON!!”

[jung mal = really]

“Eung. Kahit ako hinde makapaniwala. And guess what.?” *eung = yes+

“Tell me na!! ayoko na ng guess guess pa!”

“Nagpa hair cut na siya.. And not only that, he dyed his hair pa. Color black!”

“NO WAY?? He did that? Oh well. People do change. Anong itsura niya? Is it bagay?”

“Yeah. Bagay. Ang gwapo niya tingnan.. Hinde ko ma-explain yung nafeel ko eh..”

Hinde ko talaga ma-explain, kasi.. Ewan. Ang gwapo niya eh. Strange masyado kasi ganun pala siya dati. I felt happy nung nagpagupit siya.

“Athena.. Do you like him?”

“Huh?” do I like him?

“Do you like him? You know.. Like..”

“Uhh.. I don’t know.. Maybe?”

“Ok. You like him. And I’m happy for you. PLEASE! Fight for him.” after she finished her sentence

umalis na siya.

Fight for him.. How? I don’t even know how. Gusto ko siyang makasama.. Gusto ko siguraduhin yung

feelings ko for him. Siya kaya..

Does he like me..?

Chapter FOURTEEN

Kenji’s POV

Nahatid ko na si Athena sa bahay nila. Masaya ako kasi nagustuhan niya yung surprise ko sa kanya. Amp!

Nahirapan pa akong humanap ng tiyempo nun kay Sara ha! Inintay kong mag cr si Athena at malasing si Sara.

*Flashback*

“Hoy ikaw! Hehehe..”

Napatingin kaming tatlo nila Kerb kay Sara

“Sino samin?” sabay sabay naming tinanong.

“Etong si blondie!” tapos tinuro niya ako. Tumawa yung dalang mokong.

“Paps! Weng weng na tong si Sara! Blondie daw oh!” tumawa na naman si Kerb.

“Bwiset ka. Wag ka na humirit!” tumingin ako kay Sara, “Oh bakit?”

Ngumiti lang siya sa akin. Anak ng nagpakyut pa daw!

“Wala lang. Gusto ko lang sana malaman kung bakit nakakatiis sayo si Athena, eh ayaw niya sa ganyang itsura.” nagsmile na naman siya kay Jigs, “Mga parang Jigs yung gusto niya.. Ay hinde.. May sinasabi siya eh.. Sino yun.. Lu..Lu…” nagiisip pa rin siya habang hinahampas niya yung balikat ni Jigs

“ARAY KO NAMAN! Tama na hampas! Lucas! Lucas yung lalaking yun!”

“KOREK! YUN NGA! MISMO! NADALI MO!” humarap siya sa akin “Para na ba akong si Jigs? Nasobrahan

pagsasama ko sa kanya eh. AYUN NGA. Si Lucas, yun! Ganun mga type niya.”

Si Lucas.. Kaya pala kanina, ganun na lang siya makangiti sa tapat nung lalaking yun. Anak ng.

“TUMAHIMIK KA NA NGA! ANG DALDAL MO EH!” sabi naman ni Jigs

Lucas pala.. Ganung mga itsura ang gusto niya, sige. Susurpresahin ko siya bukas. Para naman tuwing magkasama kami hinde na niya ako awayin ng awayin. Babaguhin ko na itsura ko para sa kanya. Ibabalik ko na yung dating Kenji.

*end of flashback*

Halos inisip ko yun buong maghapon! Kung gagawin ko ba talaga oh hinde. Siyempre kelangan, para

kahit papaano mapasaya ko si Athena, at dapat kahit konti mapansin ni Bee na nag-iimprove yung

relasyon namin ni Athena, hinde porket nakita niya kaming nag-kiss sa 310 sapat na yun. Although

napansin ko na medyo nairita siya, oh baka akala ko lang yun. Eh kahit ano.

Nagpunta ako sa kwarto ko at tiningnan ko kung naka online na si Athena, aba online na nga siya.

Ginagaya na niya ata akong walang patayan ng computer eh. Pahinga lang ng computer ko ay tuwing

blackout oh kung may magpapatay man dito. Tss. Subukan lang nilang makialam sa gamit ko.

I-me-message ko pa lang sana siya ng biglang may nag pop na window.

Princess Athena says: Thank you.. for this day.

Thank you? Aba. Marunong pala siyang mag-thank you ha!

I am Sushi says: tss. wala yun. gawa mo?

Princess Athena says: ka-chat ka.

I am Sushi says: yun lang?

Princess Athena says: oo. bakit?

I am Sushi says: ok. gusto mo tumawag ako?

Princess Athena says: sige..

SIGE?! Anong nakain niya at pumayag ata siyang tawagan ko siya? Dati halos gawin niya ang lahat para lang hinde niya ako makausap eh, tapos ngayon pumapayag na siya? Huwaw!

Princess Athena says: huy kenji! ngayon ka na ba tatawag?

Ano ba to, masyado naman akong nadala sa pag SIGE niya. Nakalimutan ko tuloy na ngayon ako

tatawag.

Inangat ko yung telepono at di-nial yung number niya. 2 rings pa lang at..

“Hello?”

“Bilis mo ha! Na-miss mo ba ako kaagad?”

“Tss.” TSS??? Pag tinatanong ko kung namimiss niya ako, ang madalas niyang sabihin, ‘ANG KAPAL

TALAGA NG MUKHA MO!!!’ ngayon ‘tss’ lang?? Anak ng. na-miss niya talaga ako??

“Bakit ‘tss’? Oo o hinde lang eh.”

“Pwede na. hehe. Gawa mo? Boring dito eh! Si Sara, kausap si Jigs sa labas.”

“Nandyan si Jigs? Baka naman nanliligaw na si babes kay Sara? Napapadalas pagtatalo nila eh.”

“Maybe. Ay! Oo nga pala, bakit hinde mo sinabi na kambal pala si Jigs at Grace??”

“Hinde ka naman nagtanong eh. Ngayon mo lang ba nalaman? Ibang klaseng kambal noh? Hinde kasi

sila lumaki ng magkasama eh, si Jigs nasa mom niya, si Grace naman sa Dad. Hinde sila broken family eh..Pero hinder in kasal! Basta magulo! Hinati silang dalawa kaya ganun. Pero nasa iisang bahay na sila ngayon. Basta yun na yon.”

“Oo nga magulo. Teka, Kumain ka na ba?”

“Hinde pa, bakit? Ikaw?”

“Hinde pa rin. Kumain ka na muna, tapos tawag ka na lang ulit.”

“Oh sige. Kumain ka na rin. Tatawag ako, intayin mo ok?”

“Okay.”

Binaba na namin yung phone, ayan, isang example ng pinaguusapan namin. Kung tutuusin matino na

yun kumpara mo sa dati. Puro sigawan baban ng telepono at barahan. Ewan ko nga ba kung bakit ang

tino ng usapan namin ngayon, may nakain nga siguro to. Oh baka natuwa masyado sa itsura ko ngayon.

Isang malaking himala na yung sinabi niyang ‘tawag ka na lang ulit’ kasi pag nagbye ako, hinde na niya ako kakausapin, o kaya tutulugan niya ako.

Gaya ng usapan namin, kumain kami at pagkatapos tinawagan ko na siya. Nagusap kami for 3 hours. Oo matagal. Kinakausap niya ko habang gumagawa siya ng homework. Kausap niya rin ako habang

nanonood ng tv, hanggang sa antukin kai pareho. Hinde ko alam pero naging habit na namin ang

magusap sa phone, yun nga lang mabangis kami dati. Eto medyo tame na kami. Which is a good thing.. I think.

KINABUKASAN

“Athena?” nagdoorbell ako ng dalawang beses. After ko mag doorbell lumabas na yung yaya nila.

“Ay. Wala na sila Sara pati Athena pumasok na.”

“Ah sige, salamat.” tumalikod na ko at nagsimulang mag lakad.

‘Kahit kelan hinde marunong mangintay yun.’ sabi ko sa sarili ko.

Ang hirap pag matalino ka, kelangan pumasok ka ng maaga para ewan ko. Para saan nga ba? Sabi lang

nila sa akin kelangan palagi silang pumapasok at hinde na lalate.

Ano bang malay ko. Hinde ko naman pinipilit yung sarili ko maging honor student. Papahirapan ko lang sarili ko pag ganun. Hah. Matalino naman ako eh, pinilit.

Sa may gate ng school, nakita kong magkasama si Athena at Lucas. AMP! AKALA KO PA NAMAN OK NA.

Nagpalitan sila ng smiles, tapos nag wave na si Athena kay Lucas. Babay ata yun. Tumalikod si Lucas at nag sindi ng yosi tapos dumiretso papunta sa village ni Abigail.

Napapadalas ata pagsasabay nila sa umaga ah. Hinde na maganda yun.

Masyadong naging mabilis ang araw. since Friday ngayon, meron kaming activity period. Makikita ko na yung mga babaeng nanakit kay Athena, pag babayaran nila yung ginawa nilang pananakit sa kanya.

“Punta lang kami ni Sara sa skyline, bibili lang siya ng food, ikaw may gusto ka ba?”

“Ha?”

“May gusto ka bang ipabili? Pupunta kami ni Sara sa skyline.”

“Wala..” nag smile lang siya sa akin tapos umalis na sila ni Sara.

Ngayon tinatanong niya kung may ipapabili ako.. Teka ano na bang nangyari sa mundo ngayon? Kanina

nung natapos yung lunch break nagalit siya sa akin kasi hinde hinde raw ako sumama sa kanila mag

lunch, akala ko naghahanap lang siya ng away tulad ng ginagawa niya sa akin dati. Pero nung sumigaw na ako tumahimik na siya. Tapos hinde na niya ako pinansin! Nagtampo ata. Nung nagsorry ako,

tinanggap niya kaagad yung sorry ko.. Ok lang ba siya? PMS na naman ata siya.

“Babes tara na!” inakbayan ako ni Jigs. Pagdating namin sa auditorium nandun na lahat ng member ng Barney and Friends.

“Ikaw, ikaw, ikaw, ikaw at ikaw.” pinag tututuro ni Kirby yung limang babae. “Lumapit kayo.”

Tumayo yung limang babae at lumapit kay Kerb.

“Paps, sila yun.” tinuro niya ulit sila. Sila pala yung nanakit kay Athena.

“Kayong lima! Anong karapatan niyong saktan si Athena? Nanay niya ba kayo? Close ba kayo?!”

“SINAKTAN NILA SI ATHENA?!?! AMP!!” humarap si Jigs sa limang babae “PATAY KAYO SA AKIN PAG

LABAS NATIN NG SCHOOL!”

“Siya may palano nun Kenji!” tinuro niya yung matabang babae sa tabi niya

“Anong ako?! Siya yun Jigs!”

“Bakit ako?! Diba kayo yung galit kay Athena?!”

“IKAW KAYA YUN!”

“IKAW KAYA!”

Nagturuan na silang lima. Nakakabwiset naman tong mga pesteng to, “MANAHIMIK NGA KAYO!!!”

tumahimik na sila. “Sa ginawa niyong pananakit sa girlfriend ko, magbabayad kayo.”

“OO! P*TA MAG BABAYAD TALAGA KAYO!”

“SORRY NA KENJI, JIGS, KIRBY! HINDE NA KAMI UULIT!” sabay sabay nilang sinabi.

“Hinde naman namin kayo sasaktan eh, gusto lang namin mangyari ay lumuhod kayo sa tapat ni

Athena pag dating niya dito tapos mag sorry kayo. Kung ayaw niyo naman pwede na kayong mag drop-

out sa school na to.”

“MAG SOSORRY KAMI! PROMISE! GAGAWIN NAMIN YUNG SINASABI NIYO.” sabay sabay ulit nilang

sinabi.

Pagdating nila Athena sa auditorium agad agad siyang tinawag ni Jigs tapos inakbayan siya nito.

‘Jigs, hinde kasali sa plano yang pag-akbay mo.’ sabi ko sa sarili ko.

Tiningnan ko ng masama si Jigs tapos napangiti siya at agad niyang tinanggal yung pagka akbay niya kay Athena. Pagtungo ko ng ulo ko agad agad lumuhod yung limang babae sa tapat ni Athena, sa harapan ng Barney and Friends.

“SORRY ATHENA! HINDE NA MAUULIT YUNG NANGYARI! PATAWARIN MO KAMI!” sabay sabay nilang

sinabi.

“Pfft. Sabi niyo hinde bababa level niyo sa isang gold digger na katulad ko?”

“Sorry kung nasabihan ka naming gold digger, hinde na ma uulit..”

“Hinde mababa level mo, kami yung mababa ang level. Sorry talaga..”

“Sige tumayo na kayo. Ok lang naman eh.”

Pagkatapos nun, dinismiss na ni Kerb yung grupo. Ang bilis pala talagang magpatawad ni Athena, kahit ako ang bilis niyang napatawad eh.. Ganun ba talaga siya ka-bait?

Sabay sabay kaming bumaba nila Athena.

“Oh bukas ha? Sa bahay namin. Semi-formal lang pala!” tinuro niya si Jigs, “Babes, invited si Grace ok??

Baka mamaya hinde mo isama eh, lagot ka sakin!”

“Oo na! bwiset.” nagpout si Jigs at nagfold ng arms. natawa na lang kami kay Jigs. Isip bata talaga to kahit kelan!

“Hoy. Sumabay ka kela Sara at Grace pauwi. Mag-dodota pa kami.”

Nagnod siya tapos sinabing, “Sige. Ingat.”

“Bye babes!” kumaway si Jigs kay Athena, sabi ng wag tatawaging babes si Athena eh! “Bye Sara! Sana madapa ka!” tumingin naman siya kay Grace, “Ikaw umuwi ka na! baboo!”

Kumaway na silang tatlo sa amin. Sigurado akong hinde didiresto sa bahay yung mga babaeng yun.

Nangyari na tong ganito eh! Nagdota kami, sila tumambay, anong nangyari? CHISMISAN. Kaya lang

pinagtataka ko bakit hinde kaagad nalaman nila Sara at Athena yung kela Jigs, eh ang tagal na rin nilang nag sasama. Labo.

Saturday, September 16, 2006.

At the party.

Ang tagal naman nila! Akala mo napakalayo ng bahay namin eh! Usapan 7:00 dapat nandito na eh.

Anong oras na!? 7:30!!! Si Athena kaya nasundo ni Kerb? Pinaundo ko kasi siya sa kanya kas hinde ko siya masusudo eh. Hassle naman kung pag lalakarin ko pa siya papunta dito.

7:45 pm na at wala parin sila. Nung patalikod na ko, napansin ko na yung kotse ni Kerb at Jigs. Napark na sila ng kotse. Nakita ko na si Kerb, Jigs, Sara pati Grace..

Lumapit na sila sa akin

“Sorry paps! Tagal kasi nila Jigs eh!”

“Anong ako?? Eto oh!!! Etong babaeng to! Pati yan!!” tinuro niya si Sara at Grace.

“Teka, bakit wala si Athena?” kanina ko pa napapansin na kulang sila eh, asan kaya yun?

“Ha? Hinde makakapunta eh.. Umalis sila ni Kuya Nathan.”

“Loko yun ah! Bakit hinde nagsasabi!!! Lintek! Tara na nga!!” nauna na akong pumasok ng bahay.

Nakakaasar talaga yung babaeng yun! Pinaasa ako eh! Akala ko pa naman din pupunta siya! Hinde pala!

Peste! Sana sinabi niya sa akin ng maga para hinde ko na lang siya inintay!!! Gusto ko pa naman din makita siyang naka dress!!! Tapos hinde pala pupunta!! Bwiset!

Nakaupo na kami sa may table namin. Hinde ko alam pero lagi akong napapacheck sa relo ko. 8:10pm

na. Mahaba pa naman ang oras eh.

“Babes, ayun na siya..”

Napatingin kaming lahat sa direksyon na tinuturo ni Jigs.

Si Athena, nakadress siya. Tumayo ako at nilapitan siya.

“Bakit ngayon ka lang?!”

“Sorry, bumili pa ko ng sandals! Sorry talaga!” nawala yung inis ko sa kanya nung narinig ko yung

excuse niya. mababaw pero napasaya ako.

“Tara puntahan natin sila mommy.” nagnod lang siya tapos sumunod siya sa akin.

Pumasok kami sa loob ng bahay, para puntahan sila mommy sa may dining room.

“Ma, Dad, Ate, si Athena.” tumingin ako kay Athena, “Family ko.”

Nagsmile si Athena tapos nag bow sa kanila. “Good evening po.”

Nagsmile silang lahat sa kanya.

“Ay, everyone, meet Athena. She’s Kenji’s girlfriend.” pareho kaming nagulat sa ginawa ni Mommy.

Amp! Kelangan ba niyang pamalita sa mga bisita na girlfriend ko si Athena???

Binati nila si Athena at pinuri. Maganda daw siya at mukhang mabait at matalino. Haha! Kung alam lang nilang.. tama sila.

“Sige na Ma. Kain lng kami.”

“Okay!”

Bumalik na kami ni athena sa may garden at pumunta sa may buffet table.

Mga 8:30 dumating na si Bee..kasama si Lucas.

Athena’s POV

6:00 pm na, nagready na ko para sa party ng sister ni Kenji, nakapag pa-ayos na rin ako ng buhok sa parlor at nagpalagay ng konting make-up. Nung naka suot na yung dress, hinanap ko yung sandals ko

pero hinde ko mahanap. Sabi ko na nga ba. Eto yung something na mali ngayong araw!

Sinamahan ako ni Kuya Nathan sa mall para bumili ng sandals, habang naka suot yung dress at naka ayos ung buhok at may make-up, medyo pinagtinginan lang naman ako sa mall! Akala siguro nila may

shooting. Tss.

Sinabi ko kela Sara na sabihin kay Kenji na malalate ako, dahil nga sa sandals na yan! 8:10 na ko

nakarating sa bahay nila Kenji, buti na lang at sinabi sa akin ni Sara yung address kung hinde, lagot na.

Nakita ko na silang kumakain, daya! Hinde nila ako hinintay!! Gutom na gutom na ko eh. Hinde ako halos kumain para marami akong makain dito.. Patay gutom ba? hehe

Napansin kong tumayo si Kenji at lumapit sa akin.

Siyempre sinermonan niya ako! Pero konti lang. Pumasok ulit kami sa loob ng bahay para puntahan

parents niya. Sa may dining room, nakita kong madaming tao, pinakilala niya ako sa family niya. Pero etong mom niya, pinakilala ako sa buong tao dun, as ‘girlfriend’ ni Kenji. Ano ba to! Kelangan bang buong tao sa bf malaman na girlfriend ako ni Kenji? Pagkatapos nung maganda introduction na yun,

BOOK: She's Dating the Gangster
11.7Mb size Format: txt, pdf, ePub
ads

Other books

The Dog Master by W. Bruce Cameron
The Unfortunate Son by Constance Leeds
Marshmallows for Breakfast by Dorothy Koomson
The Far West by Patricia C. Wrede
At His Mercy by Tawny Taylor
Believe or Die by M.J. Harris
Insiders by Olivia Goldsmith
Wild Seed by Octavia E. Butler
Frozen Tides by Morgan Rhodes