Read She's Dating the Gangster Online

Authors: Bianca Bernardino

She's Dating the Gangster (12 page)

BOOK: She's Dating the Gangster
12.13Mb size Format: txt, pdf, ePub
ads

suddenly let go of my hand.

‘What if I saw him asking Abigail that question.’ I thought to myself.

Nanghina ako. I don’t know what to do.. What to say. I was dumbfounded.

Masakit kasi narinig kong pinili niya si Abigail, but assuming lang naman ako nun eh. If I were in his place, si Abigail din pipiliin ko dahil nga sa pinag samahan, but that doesn’t mean na hinde ko gusto yung partner ko ngayon. But nung nakita niyang kasayaw ko si Lucas, wait we were more like hugging each other that time. Then he even saw me handing my hand to Lucas while saying ‘run away with me’ I bet he was pissed off.

Naisip ko na mas grabe nga yung ginawa ko, I was only assuming, but he saw everything. >_<

Kaya gusto ko talagang bumawi. At ayoko yung placard thingy!!!

I don’t know why but I made a placard. I wrote what he said to me on the phone. Take note.. Nasa

illustration board pa! 1/2 ILLUSTRATION BOARD. I’m totally insane. I’ve gone mad. >_<

Friday, September 22, 2006

This is the day. Pumasok ako sa school na may dalang illustration board. Everyone’s wondering kung para saan yun. Even si Sara!! OMG! I can’t believe this! Ang sinasabi ko na lang sa kanila is project ko yun. Wala yung ‘thug lords’ dahil nagpapahinga sila para sa game mamaya. Exempted sila sa class. So unfair. >_<

How come the school gives them special treatment? Malamang. 3 consecutive years na silang champion eh. Pfft.

Si Sara lang kasama ko mag lunch kasi si Grace may kelangan pang ayusin sa gym para sa game mamaya.

Student council kasi eh kaya masipag >_<

Pagtapos ng lunch break may isa pa kaming class bago mag game. Pero dinismiss kami ng maaga ng

teacher para masimulan daw namin yung game, if I know gusto niya lang rin manood ng game.

Daladala ko yung placard kung saan ako mag punta, at eto na yung time na gagamitin ko siya. OMG!

Kenji delos Reyes patay ka sakin pag ako napahiya!! >_<

Sa may 4th row na kami nakaupo since andami ng tao nung dumating kami.

Nagstart na yung game pero hinde ko pa rin nilalabas yung placard, ayoko! Mapapahiya ako! Ipapakita ko na lang pag lamang na kami.. 1st quarter pa lang naman e.. 7-12. 7 kami, 12 yung kalaban! Bakit ang laki ata ng lamang?!?!

“Grace bakit parang mahina team natin?”

“Magintay ka lang…. GO KENJI!!!!!” omg! Pati siya nag checheer sa gangster na yun!

Kami ni Sara nanonood lang, napansin namin na madaming gwapo sa varsity ng basketball, yun nga lang puro lower batch. Pero mas gwapo parin yung thug lords. Oh well. Pioneer daw eh.

Natapos na yung second quarter, 30-33 lamang na kami ng 3 points. Si Kenji panay tingin sa akin, pero hinde siya nakasmile.. Nakatingin lang talaga siya sa akin tapos biglang iiwas.

I feel so bad. Hinde siya nag ssmile sa akin kahit pilit. Hinde niya pa kasi alam na gumawa ako ng placard eh.

I checked my phone and I have received a message

From: CROO CROO

Tss. Kht magcheer ayaw. Nakakawalang gana tuloy..

Pano naman kasi ako magchecheer eh ang sungit nya sa akin! Tuwing titingin siya hinde nag ssmile,

hinde nag wawave. Anong gagawin ko?? Drat. Nagstart na yung 3rd quarter. Ok fine.

Unti unti kong tinanggal yung naka cover na plastic at cartolina sa illustraton board. Dahan dahan kong inangat yung placard, napatingin sa akin sila Sara at Grace

“Wow! Hinde naman niya masyadong pinaghandaan tong game diba??”

“NAKO HINDE!!!” tapos nagtawanan yung dalawa.

“MAGCHEER KA NAMAN SA BOYFRIEND MO!” nag pout ako. Mag cheer?? Psh.

Pinass ni Jigs yung bola kay Kenji tapos shinoot niya, at pumasok!

“GO KENJI!!!!!!!!!!” sumigaw ako habang hawak yung placard.

Napatingin siya sa akin tapos nakita niya yung placard tapos nag smile siya. AS IN SMILE. Tapos nag peace sign. Tss. Nagtampo pala siya kaya hinde ngumingiti!

Nung nakita ng mga tao yung placard ko lahat sila nag sigawan ng ‘GO SEXYLOVE’. talking about fame.

Psh. 1 minute left at lamang kami ng 19 points. Wow.

Nung natapos yung one minute biglang nagulat ako nung nagpatugtog sila.. Guess what?

SEXY LOVE.

Sakto pa sa chorus. Remix yung pinatugtog nila. Of course, what do you expect? Nanalo school namin.

Magic na lang makakapag pabago sa score kung matatalo kami. Biglang nagsayawan si Jigs at Kirby tapos sumunod na yung ibang varsity. Waaah. So many hot players.. >_<

Bumaba kami nila Sara at Grace para puntahan sila Kenji. Hinila ako ni Kirby at Jigs at sinasayawan nila ako. Oh no!! pinapasayaw rin nila ko >_< please not sexy love!

Lumapit sakin si Kenji tapos naka smile siya

“Hug?” tapos naka open na yung arms na, ready na siya sa hug. I pulled Sara tapos tinulak ko siya kay Kenji. Siya tuloy na hug ni Kenji.. Ng pawis! EW.

Nagtawanan kami nila Jigs dahil sa reaction ni Sara, halatang nandidiri siya sa pawis ni Kenji.

“Hintayin mo ko, maliligo lang ako tapos aalis tayo.” nag wink siya tapos biglang nag smile. Nagpunta na siya sa locker room para makapag shower. After 15 minutes lumabas na siya.

He’s walking towards me with a smile. He stopped right in front of me. And gave me a smile. Jesus. He’s just sooooo handsome. >_<

Inabot niya sa akin yung kamay niya

“Do you wanna run away with me?”

Do I wanna run away with him?

Chapter SEVENTEEN

Nagpout ako then I crossed my arms, “Bakit mo ko inaasar? Akala ko ba peace na tayo?” then I turned my back at him.

Hinawakan niya yung shoulders ko tapos inikot niya ako papaharap sa kanya.

“Uulitin ko.” then he smiled, “do you wanna run away with me?”

I smiled at him, “Ayoko nga! ‘Coz I’m going to run away with Lucas.” I stuck out my tongue, turned around, then started walking away from him. I was already 4 meters away from him when I stopped. I turned around to look at him once more, “But you can date me.” I tilted my head, smiled then offered my hand to him.

He smiled then walked towards me and held my hand then we started walking.

“Stupid. We’re already dating.”

I don’t know why..pero ang saya nung feeling.. Although no ones here na to see our ‘holding hands’ I’m still happy.

Naglakad lang kami, siya hawak kamay ko, ako hawak kamay niya. As if parang tunay na ‘kami’.

“UY IBA NA YAN HA!!” biglang bumitaw kaming dalawa. OMG why do they keep on doing that?

Susulpot na lang bigla bigla eh! Jesus.

Pag tingin namin sa may likuran namin nandun sila Sara Jigs at Kirby. Naka ngiti silang tatlo samin, si Jigs nag V sign kay Kenji, si Kirby naman nag “check sign” or gun IDK! ..kasi parang shinoot niya si Kenji, tapos ganun din ginawa ni Kenji.

“Sige, mauna na kami.” he placed his hand across my shoulder.

Naglakad kami papunta sa may parking lot, dala niya pala car niya. Psh.

“Saan mo gusto pumunta?” he asked.

“I don’t know.. Anywhere?”

“Ganito na lang, anong gusto mong kainin?”

“Ice cream.” tapos I smiled

“Ice cream?! Kaya hinde ka tumataba eh! Ayoko! Hinde ka kakain ng ice cream! Kumain ka nga ng

masustansyang pagkain!” ano ba to!! Tatanungin niya ko kung anong gusto kong kainin tapos nung

nagsabi ako ayaw niya bigla!

“Sige, anong kakainin natin?”

“Burger.”

“BURGER?! Anong masustansya sa burger?? Sabihin mo nga sa akin!”

“Pero… gusto ko kumain ng burger ngayon eh..”

“Tss. Pero yung gusto kong kainin ayaw mo.. Psh. Tara, gusto ko ng parmesan fish fillet..” Naisip ko na naman yun.

“Tara Conti’s tayo!” sabay naming sinabi.

Sa Conti’s kami kumain, pareho pa kami ng inorder. Psh. Naiisip niya rin pala yun kanina pa.

Nagkwentuhan kami ng konti, tungkol dun sa placard na ginawa ko. Akala daw niya hinde ko gagawin

yun, kaya medyo nadisappoint daw siya, pero nung narinig niya daw yung boses ko na sinigaw yung

name niya, ginanahan na siya mag laro, lalo na raw nun nakita niya ung placard. Psh. Dapat lang. naging sobrang supportive na gf ako noh.

Nagpunta kami ng ruins para bumili ng mga dvd. Pagpasok na pagpasok namin sa ruins lahat ng babae

nag tinginan samin. Of course. Kasama ko si Kenji kaya sila nagkakaganyan.

“Siya ba yung bagong girlfriend ni Kenji?”

“Siguro, kasi iba na buhok ni Kenji eh.. Tapos pareho pa silang naka salamin!”

“Akala ko ba panget yung pinalit niya kay Athena??” Pinalit sa akin?? May ibang dinedate si Kenji?

Patay sakin tong lalaking to!

Siniko ko si Kenji, tapos napatingin siya sa akin pero hinde ako tumingin sa kanya. Kunwari walang nangyari.

“Hinde! Siya ata yung Athena!”

“Athena na naman??” AH SI ABIGAIL PALA. Nakalagpas na kami sa kanila pero naririnig pa rin namin

yung mga sinasabi nila. Iba talaga tong lalaking to. Kahit saan kami mag punta mukhang kilala siya ng mga tao. Tss. Parang celebrity eh. Pero para sa akin, isa lang siyang gangster.. Moody na gangster.

Tumingin na kami ng mga dvd, akalain niyong pinagkaguluhan rin siya ng mga tindera? May nag offer

pang 30 pesos na lang daw ung presyo para kay Kenji. Pffft. Kelangan pala lagi ko siyang kasama para makamura ako eh! Bumili kami ng 10 dvd tapos umalis na.

“Gusto mo bang panoorin itong lahat?” napatingin ako sa kanya, “Oh bakit?”

“Are you crazy? Ang dami kaya niyan! Baka bukas pa tayo matapos noh!”

Nagsmile siya sa akin, “Edi sa bahay ka magstay.”

“AYOKO NGA! Nababaliw ka na ba??”

“Bakit ganyan ka makapag react? Diba nakatulog ka na sa bahay?”

Oo nga naman.. Pero nung time na yun kasi umuulan ng malakas pati may sakit naman siya! Hinde niya ko mapapasok sa kwarto.. Eh ngayon mas malakas pa siya sa bato noh! Pwedeng pwede niyang pasukin

yung kwarto ko ng di oras!!

“Potek! Alam ko iniisip mo. Yayayain natin sila Kerb, Jigs, Sara at Grace. Hinde kita papasukin sa kwarto mo!” wow. Parang nababasa niya isip ko ha.. Mind reader?? Psychic?? Bigtime!

“Next time na lang.. pagod na rin ako eh..” nagpout si Kenji, “Sige na nga. Isang movie lang ha? ako pipili ng papanoorin natin.”

Nagsmile siya sa akin, “Fine..”

So pagdating namin sa bahay nila sa room na niya kami dumeretso. Tss. I envy his room. May sarili

siyang banyo sa loob ng room niya.. meron din naman ako pero.. kahit na! Guy siya eh! Boohoo! Mas

malaki pa yung room niya kesa sakin eh! Kung malaki na to, gaano pa kaya kalaki yung kwarto niya sa bahay nila? Lucky boy. >.<

“Teka, shower lang ako. Napawisan ako kanina eh. Dyan ka lang! wag mo akong papasukin sa loob ng

banyo, ok?” nag grin siya.

“Para namang gusto ko makita yang payatot mong katawan!!” pumasok na siya sa loob ng banyo. Psh.

Arte talaga! Napawisan lang eh! Ako nga simula umaga pa tong suot ko eh anong oras na?! 6:32 pm!

“PAGAMIT NG COMPUTER!”

“OK!” sigaw niya habang nasa loob siya ng banyo.

Umupo na ko sa computer chair niya then I turned on the monitor. Wow. Hinde niya wallpaper yung

picture nila ni Abigail.. Kinalikot ko yung computer ni Kenji, since ang boring. Pumunta ako sa ‘my pictures’ as expected, meron siyang folder ni Abigail. Tiningnan ko yun, puro pics niya.. Hinde yung stalker type.. Puro naka smile siya.. Tapos sa loob nun meron pang folder. ‘JB’ puro pics nila.. Gimmick, date, tambay.. meron pa silang pic na sabay na nag yo-yosi.. Yung pics pa nila halatang luma na kasi abago ng pabago.. Kumpera sa pinagsamahan nila.. Wala tong binatbat. Joke lang kakalabasan nito.

Binuksan ko yung ‘emails’ na document file..

28.09.2002

Kenji,

Umm.. Wala lang.. first email ko to sayo.. c: miss na kita.. Grabe hinde pa rin ako makapaniwala…parang kelan lang hehehe..sobrang special sakin tong araw na to.. September 28, 2002. Tandaan mo yan ha!

Pag yan kinalimutan mo patay ka sa akin!! Nyway,I love you sooo much! I’m so lucky now that you’re mine.. =) I hope that you won’t change. Kahit hinde ka sweet ok lang eh, mahal pa rin kita! Yown! Kinilig!

Daya! Bakit ikaw Bee tawag mo sa akin?? Sige, Ji na lang tatawag ko sayo! Hihi! Ayan 9:35 pm na!

tatawag ka na in 3..2..1.. Riiiing!!

I love you Kenji delos Reyes!

-Bee

28.09.2003

Ji!!! HAPPY 1ST ANNIVERSARY! Parang kelan lang naging tayo tapos ngayon 1 year na tayo. Alam mo na hihi! Wala lang! thank you nga pala sa gift mo sakin ha! Sana nagustuhan mo rin yung gift ko sayo.. Hihi c: sige na ji, tulog na ko.. Gusto ko lng mag email sayo eh hihihi! Hinde kasi to uso eh kaya papausuhin natin to! love you Ji ko! Muah!

-honeyBEE

28.09.2004

JI! HAPPY ANNIVERSARY!!! 2 years na tayo! Weee! I’m soooo happy! 3rd email ko na rin to sayo.. Sana tumagal pa tayo! 12:02 am na! huhu :c may pasok pa tayo bukas :c nyway, see you later ji ko! I wanna grow old with you.. =) Love u! muah!

-honeyBEE

28.09.2005

Happy Anniversary!!! 3 years na! yey! Strong pa rin tayo.. Hehe! Sana palaging ganito.. Hinde

nagaaway…palaging masaya. Hehehe! Ang swerte ko na nga sayo eh! Hihi tingnan mo ang saya saya ko

sayo. I love you so much Ji! Hinde kita iiwan.. I’ll see you later ok???

Love u!

-Athena Abigail

I’m nosy.. I know. Lumbas bigla si Kenji sa bathoom kaya bigla kong in-exit yun files na naka-open. Baka mag wala siya bigla bumalik ung Kenji at biglang mawala si Sexylove.

Tumayo ako sa kinauupuan ko tapos biglang pag harap ko, si Kenji.. OMG! Walang suot na shirt!

Nagpapatuyo ng buhok si Kenji, tapos napatingin sa akin. I covered my eyes tapos tumalikod ako bigla sa kanya. Ang awkward ng situation namin! Pwede naman kasi mag shirt diba?

Pero napansin kong hinde siya ganun ka payat.. may abs siya >.< biceps.. omgsh. i should've stared.

KIDDING.

“Pwede ka ng tumingin.” tinanggal ko yung kamay ko sa mga mata ko tapos dahan dahang humarap sa

kanya. Naka shirt na siya tapos aka upo sa may sofa. Umupo ako sa tabi niya at binigay yung dvd na gusto kong panoorin. Hinde na siya umangal kasi gaya ng pinagusapan namin, ako pipili ng movie.

Pinasok niya yung cd sa dvd player at nagsimula na kaming manood.

A millionaire’s first love yung pinanood namin. Hinde ko mapigilang umiyak. Halos basa na yung panyo ko kasi ayaw tumigil ng luha ko sa kakatulo. Omg! Ayokong humarap kay Kenji kasi baka pagtawanan

niya lang ako.

Na-feel ko yung kamay ni Kenji, hinawakan niya kamay ko tapos inusog ako papalapit sa kanya, “Dito ka nga, ang layo mo eh..” malayo?! Halos isang ruler nga lang yng layo ko sa kanya eh!

Nasa may part na kami ng natutulog na yung girl sa bahay nung guy. Tapos cinelebrate nila yung

birthday nung girl kasi hinde nila alam baka bigla na lang mamatay yung girl.. Binigyan nung guy yung girl ng message pills. Wala pang nag bibigay sakin ng ganun! Not even Sara >_<

Napasandal ako kay Kenji, feeling ko pag nangyari sa amin un hinde ko kakayanin. I hate it when people leave. Inakbayan ako ni Kenji tapos tinatap niya yung shoulder ko, “Gusto mo ng tubig?” I shook my head.

Natapos na yung movie pag tingin sa akin ni Kenji biglang nanlaki yung mata niya tapos he looked away.

“Ok ka lang ba?” I nodded.

Napansin kong madilim na. tapos yung ilaw lang namin ay yung tv. Hinde ako pwedeng mag isa dito!

“Teka lang, kukuha lang ako ng tubig.” tumayo na siya pero hinawakan ko yung kamay niya.

“KenJi yah.. Ka ji ma..” nakatingin lang siya sa akin. *Ka ji ma = don’t go/don’t leave+

Hinawakan niya yung kamay ko, “Tara, hatid na kita..” pinatay na naming yung tv at dvd player tapos lumabas na ng bahay.

Habang nag lalakad kami hinde ko mapigilang mag-isip.. mahal niya pa talaga si Athena.. yung Athena niya.. at walang makakapalit sa lugar niya. Kelangan yung nararamdaman ko para sa kanya kalimutan ko na rin. Madami pa naman dyan eh, mas gwapo at mas mayaman pa sa kanya! Yung tatratuhin akong

mabait. Hinde ko naman sinisisi si Kenji kung bakit ko siya nagustuhan eh.. Kasi kahit ako hinde ko alam yung dahilan kung bakit ko siya nagustuhan.. kung ano sa mga flaws niya yung nagustuhan ko.. gaya nga ng sabi ni Sara, pretty boy yung type ko.. bakit bigla akong nagkagusto si isang bad boy? Tss. Bad boy..

gangster yan eh.

Simula ngayon, dapat kalimutan ko na si Kenji at yung nararamdaman ko para sa kanya. Simula bukas

dapat may mahanap na akong lalaking pwede kong i-date! Tama! HWAITING! [fighting]

Nakarating na kami sa bahay namin. Siguro eto na rin yung last time na magsasama kami ng solo..

“Kenji, mag aral ka ha? exam na natin sa Wednesday-Friday.. kelangan matataas grades mo kung

hinde..”

“Kung hinde ano?”

Nagpout ako, “kung hinde.. hinde na ako makikipag date sayo!” ano ba namang threat yan!

Nagsmile siya, “Ganun? Tss. Eh pano pag matataas nakuha ko?”

“Edi may surprise ka sa akin! Sige na. umuwi ka na..” medyo tinulak ko siya para mag start na siyang mag lakad tspo nag wave ako sa kanya.

‘oo.. tama.. may surprise ka sa akin.. iiwasa na ko sayo para makabalik ka na sa kanya..’ I said to myself.

Naka-upo lang ako sa tapat ng bahay namin, nag iisip ng pwedeng gawin.. kung paano ko sasabihin kay Kenji yung surprise ko..

“Bakit kaya palagi kitang naaabutang tulala? Hmmm.. siguro iniisip mo ko noh?” tumingala ako para

tingnan kung sino yun.

“Tss. Ikaw para kang sila Jigs! Bigla bigla na lang sumuslpot! Uso ba dito yun sa bf?”

Nag smile siya sa akin, “Hinde ka na ba lasing?” I nodded “Do you wanna play with me?”

I stared at him, “You know that ur girlfriend hates me a lot, right?”

“Mm-hm.” Then he nodded

“So why do you want to play with me? Plus, we’re both committed. Don’t you find it odd if we date?”

“Bakit? Edi mag-date rin sila. We’re not doing anything wrong. We’re just.. playing.” Then he smiled. “I thought that you wanna run away with me? I’m free right now.. we can run away if you want.” then he winked at me. Pffft. What’s with these guys?? First Kenji and now Lucas..

Napansin ko lang, napapadalas pag-iisa ni Lucas.. I wonder why.. nag away kaya sila ni Abigail?

“Gusto ko kumain ng ice cream ngayon.. tara, libre kita.” Tumayo kami pareho tapos naglakad na..

hinde ko alam kung saan kami pupunta.

Para rin siyang si Kenji, bawat taong madaanan naming pinag titinginan siya.. pero siya naman nagssmile sa bawat tao, pag nag ‘hi’ sa kanya, mag ‘hi’ rin siya. superstar.

Hinde natapos ang pag-ddate namin.. nasundan pa yun ng ilang araw. Sinusubukan kong iwasan si Kenji as much as possible. Hinahatid at sinusundo ako ni Lucas sa school. Nung Monday maaga niya akong

sinundo para hinde kami mahuli ni Kenji. Nung Tuesday naman late niya na ako sinundo kasi maagang

pumapasok si Kenji dahil may practice.. hinde naman ako pinipilit ni Lucas eh. kagustuhan ko rin to.

Choice ko tong ginagawa ko. tuwing aalukin ako ni Kenji na ihahatid niya ko gumagawa ako ng excuse para hinde na niya ko ihatid. Katulad nung Tuesday, sabi ko mag cr lang ako pero tumakbo na ako

papalabas ng gate para puntahan si Lucas.

Gaya ng sabi ko.. unti unting nawawala yung feelings ko kay Kenji.. masaya kasama si Lucas, mabait siya, nakakatawa, galante at gentleman. Nasasakanya yung mga qualities na wala si Kenji.. Para kaming secret lovers.. kasi pag mag mimeet kami, dun pa sa malayo sa mga tao. Hinde lahat ng mababait, mababait

talaga.. minsan, may nagagawa rin silang pwedeng makasakit saibang tao.

Thursday, September 28, 2006

4 years na dapat sila Kenji at Abigail.. mag sesend kaya siya ng email kay Kenji ngayon? Oh baka naman umalis sila.. hinahanap kaya ako ni Kenji? Namimiss niya ba ako? I hope so..

BOOK: She's Dating the Gangster
12.13Mb size Format: txt, pdf, ePub
ads

Other books

Dark Secret by Anderson, Marina
The Parthian by Peter Darman
Possession by Linda Mooney
The Seven Songs by T. A. Barron
Into the Whirlwind by Kat Martin
THE SPIDER-City of Doom by Norvell W. Page