Ang Boyfriend Kong Artista (33 page)

BOOK: Ang Boyfriend Kong Artista
13.33Mb size Format: txt, pdf, ePub
ads

#105. posted by yomayomayoma.

Swerte ni Eya! Siguro natutunaw siya habang iniinterview niya si Bryan!

Grabe naman. Matutunaw? Pwede pa sana kung maiintimidate yung term e. Pero matutunaw? Ano ako? Ice cream?

At talagang si Yoma pa yung nagpost ha? Epal talaga yung babaeng yun. HAHA. Sumbong ko kaya siya kay Lars

e.

Binasa ko pa yung ibang comments. Hanggang sa mapukaw ng atensyon ko yung isang nagcomment.

#176. posted by anonymous21.

Siya yung girl na nakita ko kasama si Bryan sa lab. May proof ako.

Bigla akong kinabahan. Alam mo yung natuyo yung laway mo sa lalamunan mo dahil sa nabasa mo? Ganun

nararamdaman ko ngayon. Anong picture? So may nakakita pala talaga samin ng naka-awkward position? Naku po.

Baka kung ano isipin nila!

Binasa ko pa yung ibang comments. Yung iba, tinatanong kung ano yung picture na yun. Hinihingi yung link. Naku po, sana naman hindi ibigay nung anonymous21 yung link! Atsaka sino bàto?! Nakakaasar. Baka kung ano

mangyari! Baka magkascandal pa kami! NAKU PO. LAGOT AKO SA FANS NI BRYAN KAPAG NANGYARI YUN!

Kaso, hindi ata umaayon ang kapalaran sa akin e.

#201. posted by anonymous21.

ETO YUNG LINK NG PICTURE GUYS. IKALAT NIYO!

Clinick ko at nagulat ako sa nakita ko.

*imagine niyo yung picture na nasa lab si Bryan at Eya, tapos nasa taas ni Bryan si Eya.*

Syet. Syet. Syet! TANGINA!

Paano na yan?! Nakita kong may higit sa 350 na yung pumindot na nung link. Kakalat `to! Paano na ako?! Paano na si Bryan?! Paano na kami?!

Nagulat ako dahil biglang tuloy-tuloy yung tunog ng cellphone ko. Ang daming nagtext. Kinakabahan tuloy ako. Ang lakas ng dibdib ko.

Yung mga nagtext. Galing sa ibang kaibigan ko. Tinatanong kung ano yung nangyayari samin ni Bryan. Kami na raw ba? Teng-ene. I'm freaking out here!

Pero may 4 na text lang ang nakagulat sakin.

Fr: Allison

Malandi ka pala talaga. Nice one. Patay ka sa Monday. Susugurin ka namin ng Bryanbelievers. Papasok na ako sa

Monday, so, get ready. HAHAHA.

Anong problema nitong babaeng `to? Edi bumalik siya! Di ko nireplyan. Nakakainis e.

Fr: Errick

What the hell is that Eya? Ambilis mo naman makahanap ng pampalit sakin!

Bigla akong nalungkot na nainis. Grabe siya makajudge. Atsaka, siya nga, pinagpalit na ako nung kami pa e! Wala na talaga siyang kwenta. Nireplyan ko na lang na wag muna siyang magtext sakin kung hindi niya naman alam yung

nangyari. Tss.

Pero, akalain mo yun? Ilang araw ko na siyang hindi napapansin at naiisip ha? Nakamove-on na kaya ako? Pero

nasasaktan pa rin ako. Ewan. Bahala na. Binasa ko pa yung 2 text.

Fr: Yabang'Bry

Eya! Nakita mo na. Paano na yan? Masisira image ko kasi ikaw yung kasama ko sa picture! Huhuhu.

Para namang batàto. Nireplyan ko nga na tumahimik muna siya dahil nasstress ako dahil sa kumalat na scandal na yun. Bakit? Siya lang ba mapapahamak? Ako rin diba?! UGH.

Pero yung last na text talaga ang nakasakit sa damdamin ko.

Fr: Bes'Andie

Traydor ka. Wag mo na akong kakausapin kahit kelan. Bahala ka na sa buhay mo.

Pati ba naman siya? Ganun ang isip samin? Bakit hindi niya muna intindihin yung nangyari?

Bakit ba kasi nangyari pàto? Dahil lang sa maling akala, maraming nagalit sakin?

Bumalik ako sa pagnenet at halos 1000 na yung nagcomment. Malandi daw ako, tapos hindi daw kami bagay ni

Bryan. Syet. At bakit daw ako nasa taas niya? Kami na raw ba or sineseduce ko ba siya? Naiiyak tuloy ako sa mga nababasa ko. Parang, ambilis naman nila magjudge. Dahil lang sa isang picture? Isa lang ang nasisigurado ko.

May scandal na ako kasama si Bryan Lim. At alam ko, sa buong mundo, kakalat yan. Ano nang

mangyayari sakin? Naiiyak tuloy ako.

22.1

Eya's POV

Ayokong pumasok sa school.

Nakakatrauma kaya. Nakakatrauma na pinag-uusapan ka sa internet forum ng school niyo. Nakakatrauma na pati sa

ibang forums sa ibang countries, ikaw ang pinag-uusapan at pinagppyestahan. Sinasabihan ka ng !@#$, malandi,

tapos kung anu-ano pang nakakahurt na description. Teka, ano ba kasing mali na nagawa ko? Wala naman ha.

Nagkataon lang na may nagpicture samin ng ganun. Mamatay na sana yung nagpakalat.

Kung tutuusin, okay lang naman na machismis ako. Sanay na naman akong pinag-uusapan. Dati nung naging kami ni

Erick, ganun rin. Pero mas grabe ngayon, pati ba naman buong mundo, pinag-uusapan ako! Take note, 2 days pa

lang since kumalat ha.

BOOK: Ang Boyfriend Kong Artista
13.33Mb size Format: txt, pdf, ePub
ads

Other books

The Trophy Taker by Lee Weeks
Come Clean (1989) by James, Bill
The Stony Path by Rita Bradshaw
Heart-strong by McCune, Bonnie
Skin Walkers: Gauge by Susan A. Bliler
Natural Selection by Lo, Malinda
Chameleon Chaos by Ali Sparkes