Ang Boyfriend Kong Artista (32 page)

BOOK: Ang Boyfriend Kong Artista
7.32Mb size Format: txt, pdf, ePub

moderator ng club?"

"Yup."
WOW. Si Krista, she's a LEGEND. Basta, nabalitaan ko, pupunta na yun sa States, may importanteng event dun.

"Eh bakit siya andito?"

"Gusto niya ako bantayan. Atsaka, sabay kaming pupunta sa States. Important event."

"Okay."

"So ano? Tutulungan ba kita? Ngayong Friday, mag-audition ka na lang ulit. Sasabihin ko sa sister ko

na bigyan ka pa ng 2nd chance."
Tinignan ko lang siya ng mabuti. Etong mahangin nàto, tuturuan ako? Hindi kaya mabara ko lang `to at masapak?

Pero wala namang mawawala sakin diba?

"Sige. Game."
Nagsmile naman siya nun at hinug ako. Huh?!

"U-uy! Teka. Bakit mo ako n-niyayakap!"
Tumawa lang siya.

"Ang taba mo kasi. Mamaya, uwian ha? Front Gate. Ge, bye!"
At umalis na siya. Ano daw?! Mataba ako!?

Ang yabang talaga!

Kanina lang, wala na akong pag-asang makapasok sa Dance Club, tapos biglang sumulpot si Kevin from nowhere,

biglang nagkaroon ako ng 2nd chance?

Hinanap ko na lang si Eya at si Kevin. Ang alam ko, pareho silang club e. Wala namang malisya yun, magkakaibigan kami. Atsaka, alam ni Eya na gusto ko si Bryan, diba?

Habang papunta na ako sa Writer's Club room, may nakita akong tumakbo papunta sa kabilang hagdanan ng school.

Isang babae. Galing rin yun sa club room ng Writer's Club? Oh well, baka writer rin. Di ko namukhaan e. Kaso bakit nagmamadali?

Pagbukas ko ng pinto, nakita ko si Eya at Bryan, nakaupo sa floor. Parang tulala. Nangyari sa dalawang ito?

"Pst."

"AAAAAAAA! Ginulat mo ako bruha ka!"

"Tulala ka e."
Nilapitan ko silang dalawa.
"Anong nangyari sainyo? Bat kayo nakaupo sa floor?"

"Ikaw ba yung nakakakita samin? WALA YUN HA!"

Anong pinagsasabi nitong si Eya?
"Ano ba yun? Kakarating ko lang ha."

"A-akala ko may tao. Hay! Salamat naman. Baka hangin lang yung nagsarado ng pinto. Hehehe."
Pero halatang worried siya. Napatingin naman ako kay Bryan, nakangisi lang.

"Bakit ka nakangisi diyan?"

"HAHA. Wala, nakakatawa kasi mukha ni Eya e."

"Ewan ko sayo! Pasaway ka kasi e!"

"Gusto ko lang naman mabasa article mo ha? Ako naman yung sinulat mo dun!"

"Eh ayoko nga! Nakakahiya e!"

"Ang arte mo naman!"

Habang tinitignan ko sila, natatawa rin ako. Para silang aso't-pusa e. Bangayan ng bangayan. Kaso alam mo yung feeling na kumirot yung puso mo sa nakikita mo? Nararamdaman ko yun. Kaso, wala namang malisya yan, diba?

"Guys, mauna na ako sa classroom ha?"

"Teka, nangyari sa audition mo? Nakapasa ka?"

"Nope. Pero may 2nd chance ako."

"Talaga! That's good. Kwento ka Bes!"

"Sabay-sabay na tayo pumunta sa classroom."
Napatingin ako kay Bryan na nakasmile sakin, ang sweet ng smile niya. Pero yung tumingin siya kay Eya na parang naiiinis? Sumasakit yung puso ko. Ako naman yung nginitian niya diba?

Nagseselos ba ako? Wala naman akong karapatan diba? Sapat na siguro na gusto ko siya. Hay nako.

"Lika na nga guys!"
Naglakad na kami pabalik sa classroom, nagkwentuhan, pero hindi pa rin matanggal ang jealousy sa puso ko.

Kailangan ko na siguro sabihin kay Bryan yung nararamdaman ko.

21.

Eya's POV

Friday na. After ng school, umuwi ako kaagad dahil ayoko gumala. Nakakapagod kaya. Alam naman ni Andie at Bryan yun e. Oo, si Bryan, sumasama na siya sa amin. Kaibigan na rin namin siya kahit papaano. Miski epal yun. Lels. Okay, mabait naman siya at masarap kasama. Kaso, ewan ko ba, ang yabang pa rin e. Dagdag mo pa yung fact na kapag

hinahabol siya ng fans niya sa Campus, pati kami, nadadamay. Lels. Si Andie, ewan ko ba dun, may practice daw siya para sa dance club niya. Mag-aaudition daw siya ulit e. Namimiss ko tuloy siya. Basta, may kasama daw siyang

classmate namin na magpractice. Kevin ba yun? Gwapo nga e. Bagay sila. =)

"Ate! Patulong naman dito sa assignment ko. Dali na! Magaling ka sa Chemistry diba?"

"Che! Ikaw na gumawa niyan. Gusto ko matulog. Mamaya na lang siguro."
Binatuhan lang ako ni Desi ng libro. Binelatan ko na lang siya. HAHAHAHA. Ang sama ko. K.

Pag-akyat ko. Biglang nawala antok ko. Hay. Nag-internet muna ako. Nagtumblr, tapos nagfacebook. Biglang

tumunog yung cellphone ko.

Fr: Lars

Eya. Yung newspaper. naprint na lahat! Ang ganda ng article mo. Nabasa ko na e. (:

Nagthank-you naman ako sa kanya at bumalik sa pagnenet. Sabi din ni Lars, mababasa ko daw yung newspaper

namin sa website ng school. Naglog-in na ako at ayun, napindot ko na yung link para sa newspaper. Astig nga e.

Pwede mo na siyang basahin kahit sa Monday pa yung release nun.

Magaganda naman yung article. Ang gaganda na nga nung mga pictures e. Nakatulong talaga yung Camera Club

samin. Maganda rin naman yung pagkalabas ng article ko tungkol kay Bryan. Sa katunayan nga, halos 200 na yung

nagcomment. Kakapost lang nito kanina diba? Sikat pala talaga yung mokong na yun kahit sa school. Binasa ko yung mga comments. Eto yung iba.

#1. posted by gandako.

OMG. Ang hot talaga ni Bryan dito sa picture niya nàto!

#17. posted by chubachuchu.

Ang nice pala ng life niya. =))

#36. posted by bryloverforever.

Favorite color, favorite food, favorite hobbies, alam ko na! Thank you for this!

#69. posted by hotdog.

Ang astig niya.Idol ko na siya.

#82. posted by rocketdream.

More movies pa sana! Can't wait for it!

Other books

Hitler's Last Secretary by Traudl Junge
The Accident by Chris Pavone
Eternity by Laury Falter
Takedown by Brad Thor