Read She's Dating the Gangster Online

Authors: Bianca Bernardino

She's Dating the Gangster (45 page)

BOOK: She's Dating the Gangster
11.63Mb size Format: txt, pdf, ePub
ads

Hinde pa nakakalpas ang 1 hour, malamang hinde pa nakukwento ni Abi sa kanya unless sinabi ni Abi

kung nasaan ako which is ang weird, kasi hinde naman niya alam yung room ko, and malay niya ba kung nasaan na ako.

“Nakita lang kita. Bakit andito ka?” ang cold ng pagka tanong niya sa akin

“Ha.. may sa..-”

“Oo nga pala. May sakit ka. Pwede ka nga palang mamatay anytime. Teka, bakit buhay ka pa?”

Hinde niya pa nga alam. Tumingin na lang ako sa kabilang side para hinde na niya mapansin na naiirita na ko. “Wag kang mag alala. You wont see me again.. ever.”

Tapos umalis na ko.

Yun naman ang gusto niyang marinig sa akin diba? Gusto niya akong mamatay. Gusto niya akong

mawala sa paningin niya. I don’t have to die dahil lang sa gusto niya. hinde na lang ako mag papakita sa kanya. Hinde na talaga ako magpapakita pa sa kanya. Kahit alam kong hinde niyasinasadyang sabihin sa akin yun..

Dinala na ako ni Ate Gina sa room ko. pag kita ko andun na si Lucas, Jigs at Kirby. Tinanong nila ako kung saan ako galing at kung bakit daw ang tagal ko. sinabi ko na lang sa kanila yung totoo, na kasama ko si Abi.

Umalis yung tatlo kaya naiwan na naman ako kay Carlo. Si Grace at Sara nasa mall daw. Nag

shoshopping. Wow. Shopping shopping na lang sila samantalang ako, stuck sa hospital. They’re buying Christmas gifts while I $don’t get to buy things for them! How sad.

Matagal tagal rin nakabalik sila Jigs Kirby at Lucas. Hinde lumalapit sa akin si Lucas kaya parang maynaffeel akong mali. Si Jigs naman tahimik kaya medyo nakakapanibago. Hinde naman pwedeng

maging epekto yung ng pag dodoctor niya noh!

“Bakit ang pangit ng atmosphere ngayon!! Parang.. may mali! Ya! Speak up!!!”

Sumimangot bigla si Kirby, “kanina pa ko nag sasalita dito!!! Hinde mo ko pinapansin!! Ano ba!! Bakit ang sama mo na sa akin?? Dati close tayo ha??”

“Mysterious ka kasi dati eh!! Pero parang naging Jigs ka bigla! Si Jigs naman feeling mysterious ngayon!

Ano bang nangyari sa inyo ngayon??”

“Cool kasi kami ni Lucas kaya kami tahimik.” Tapos nag high-five sila ni Lucas

“P0ta. Parang sinabi mong hinde ako cool kasi madaldal ako ngayon!?”

“Parang ganun na nga babes.” Tapos tumawa kami.

Lumapit na rin sa wakas sa akin si Lucas, “Matatapos na rin paghihirap mo ngayon.. hinde mo na

kelangan pang malungkot.. kasi kung magiging malungkot ka..”

“Ano...?” sabay sabay naming sinabi nila Jigs, Carlo at Kirby

“Hinde na kita papakawalan pa. Aangkinin na kita. Ako ang magaalaga sayo.”

------------------------------------------

Christmas Eve na.. Nandito pa rin ako sa hospital. Siyempre kumpleto kaming pamilya. Si Sara pati yung family niya nandito rin. Kahit na nasa hospital ako mag chichirtmas eve Masaya parin ako. dahil hinde nila ako iniwan. Si Lucas nandito rin sa tabi ko. Bakit ba kasi hinde na lang siya yung pinili ko..?

Hinde pa naman huli ang lahat diba?

“Masaya ka ba?” nag nod ako, “Ako rin eh. Ang weird ng feeling kasi nasa ospital tayo, pero ok lang.

Masaya pa rin.”

Niyakap ko si Lucas, “Thank you.. for everything.”

Naramdaman ko yung kamay niya sa may likuran ko, “Sabi ko naman sayo eh.. aalagaan kita..”

“Pano ba yan.. wala ng magkakagusto sa akin kasi mahina ako..”

“Pag wala ng nagkagusto sayo, ako, tatanggapin parin kita. Ok?” nag nod ako. ang sarap ng feeling kasi alam kong kahit anong mangyari, nasa tabi ko si Lucas at hinde niya ako iiwan.

Maya maya nag ring yung phone. Dahil ako yung malapit sa phone ako na yung sumagot.

“Hello?”

“Athena..”

Pamilyar yung boses na yun.. biglang bumilis yung tibok ng puso ko.

“Kenji..?”

“Alam ko na ang lahat..”

“Anong ibig mong sabihin..?”

“alam ko na.. alam ko na.. alam ko na..” tapos narinig ko na nagssniff siya. tapos parang pinipigilan niyang umiyak.

Alam na niya..?

Chapter FORTY EIGHT

3am nung December 25, nag punta na ko dito sa Korea. Hinde ko alam kung bakit ko naisipang

magpunta kaagad dito. Pero once na sinabi ko sa parents ko na gusto ko ng bumalik ng korea, pumayag sila at nung time rin na yun nag pabook na kaagad sila. 6th day ko na dito, si Sara lagi akong tnatawagan, umuwi na daw ako. Tinatanong niya kung hanggang kelan ko balak mag stay dito pero wala akong

masagot. Hinde ko rin kasi alam. Nung birthday celebration ni Kirby tumawag ulit sila. Narinig ko yung mga boses ng tao at isa isa nila akong kinausap. Kahit gusto kong umuwi nung time na yun sa pilipinas, hinde ko magawa dahil alam ko sa party na yun.. nandun si Kenji.

Alam kong nagtampo sakin si Kirby pero inexplain ko naman sa kanya kung bakit hinde ako

makakapunta. Pati hinde mura pamasahe. Si Kenji palagi rin tumatawag at nagtetext. Hinde ko kayang sagutin yung mga tawag at messages niya, dahil hinde ko alam kung ano isasagot ko, hinde ko alam kung ano ang sasabihin ko. Sabi niya rin na mag kita kami sa Korea, kahit daw 5 minutes lang basta daw

makapag usap kami. Hinde ko siya sinipot. Ayoko siyang harapin. Hinde ko kasi alam kung makakaharap pa ako sa kanya.

Kaya nung nakausap ko siya nung Christmas Eve at sinabi niya sa akin alam na niya.. hinde ako makapag salita. Hinde ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya, hinde ko alam kung dapat akong mag explain or iwanan ko na lang siyang naka bitin.

“Anong alam mo na..?” i asked

“Lahat.. lahat lahat…”

“Ahh. Ganun ba? Anong gusto mong mangyari?” sinusubukan kong maging cold sa kanya.

“Magusap tayo..”

“Naguusap na tayo.” Narining ko siyang nag sigh

“Magkita tayo bukas, ha? Please..”

“Aalis na ko mamaya papuntang korea.”

“Susunod ako dun..”

“Pag balik ko na lang, ok?” nagssniff na naman siya.

“Babalik ka pa ba?” nanginginig na yung boses niya

“Basta pag balik ko na lang..”

“Magiintay ako..” babalik pa nga ba ako..? yun din ang tanong ko sa sarili ko.

Napatingin ako sa cell phone ko, December 31 na pala.. birthday na ni Kenji. Si Kenji na naman naiisip ko.

bakit ba siya nalang palagi? Dapat kasi madami akong nakilalang lalaki para hinde lang iisang lalaki yung iniisip ko ngayon.

“Athena, gwaen chah na?” *are you ok?+

“Kanina pa siya ganyan kuya.. parang ang lalim ng iniisip.”

Tiningnan ko silang dalawa ng masama. Humarap na lang sila ulit sa tv at nanood. Umupo ako sa tabi nung dalawa. Tapos binatukan ko sila

“Ya! Wae irae?!/Ano ba!!” sabay nilang sinabi. Tapos nag sigh lang ako. *What are you doing!?+

“Nuh michussuh?! Hajima.” Tapos lumipat sila pareho ng upuan. *Are you crazy? Stop it.]

Nagring bigla yung phone tapos tumingin silang dalawa sa akin, “Sagutin mo. Para sayo ulit yan.” Sabay na naman nilang sinabi. Ano ba to! Mag kapatid na ba talaga sila??

Dahan dahan kong inangat yung phone

“Yoboseyo?” *hello?+

“Athena? Si Lucas to..”

“O bakit?”

“Kasi.. si Ate Kendi.. Pupuntahan ka ata dyan. Kanina pa yun eh.. siguro nandyan na siya ngayon.”

“NOW?!”

“Oo. Tatawagan ka daw niya pag nandyan na siya.”

“Okay.. sige.. intyain ko na lang tawag niya.. thanks..”

“Umm.. miss na kit—miss ka na namin. Umuwi ka na ok?”

“Bahala na.. Sige, bye..”

“Noogoonya?” oppa asked. Tumingin lang ako sa kanya then binaba ko na yung phone tapos pumunta

ng kwarto, “YA!” *Who's that?+

Ni-lock ko yung door tapos humiga sa kama. Lahat ng kakilala ko gumagastos para lang macontact ako.

Eto naman iba na.. pumunta pa ng korea si Ate Kendi para lang kausapin ako.. ganun din ung ginawa ni Kenji eh. Hinde ko na alam ang dapat kong gawin. Mali ba ako? mali ba yung desisyon kong pumunta

dito?

After an hour nag ring na yung cell phone ko. number lang yung lumabas so malaki ang possibility na si Ate Kendi na nga yun.

Sinagot ko yung tawag niya.Nung narinig ko na yung boses niya kinabahan ako bigla. Gusto niya raw

kami mag meet sa Park Seoul Hotel.. bakit dun pa? Nagbihis na ako ng pang alis at nagpahatid na ko sa hotel. On the way pa lang iniisip ko na yung mga itatanong niya sa akin.

Si Kenji kasi walang laban kay Ate Kendi, ano pa kaya ako? Pati tuloy ako natatakot na. Ayoko na tuloy pumunta dun. Kinakain ako ng kaba at takot. Hinde ko alam kung paano ko siya haharapin, paano ko siya kakausapin..

Pagkadating ko sa hotel nakita ko na kaagad siya sa may lobby. Tumayo siya once na nakita niya ako.

tinanggal niya yung suot niyang shades tapos nag smile sa akin. Kamukha niya si Kenji.. >.<

Lumapit siya sa akin tapos nag smile. Nag bow ako sa kanya.

Sa may coffee shop lang kami ng hotel maguusap. Nakaupo lang siya habang iniinom yung tea na inorder niya.

“I must say that your hotel is one of the best hotels here in Seoul.”

“Thank you po..”

Pano niya nalaman na amin yung hotel? Wala nga akong sinasabihan masyado tungkol sa sarili ko eh.

Kahit kay Kenji hinde ko nasabi yun. Yung mga ginawa ko dati, kung ano ung status ko dito sa korea at yung family background ko. As much as possible, gusto kong maging low profile.

Nagkwento siya tungkol sa gagawin niyang business trip at dahil daw nalaman niyang nandito ako sa

korea, inuna na niya to. Medyo nawala ung kaba ko dahil hinde pa sinasabi yung pangalang Kenji.

“Oo nga pala.. birthday ngayon ni Kenji.. alam mo ba un?” nag nod ako. “Hinde nga niya ata alam na birthday niya ngayon eh.. Ewan ko ba.. isang araw bigla na lang umuwi sa bahay yun.. may sugat at pasa sa mukha.”

Tss. Malamang. Gangster yun eh. Wag ka ng magtaka kung isang araw puro sugat at bugbog yung mukha

nun. Teka. Si Lucas rin.. nakita ko isang beses may sugat sa may bibig.. pero hinde ko lang pinansin..

nagaray kaya sila? Pero bakit hinde niya sinabi sa akin?

“Hinde ko alam kung ano na naman nangyayari dun sa batang yun! Minsan gusto ko na ngang

bugbugin yun dahil hinde tumitino eh! Pero ang bait naman pag dating sayo..”

Sa tono ng pagsaalita ni Ate Kendi, halatang hinde niya pa alam yung nangyari sa amin ni Kenji. Hinde niya pa alam na wala na kami.

“Ate.. wala na kami ni Kenji eh. Hinde talaga nagwork eh.. wag na lang natin ipilit..”

Nagnod niya, “Alam ko. kaya nga ako nandito eh. Hinde kasi expressive na tao yung kapatid ko, kaya ako na lang ang magsasalita para sa kanya.”

“Magsasalita?”

“Sasabihin ko sayo ang mga nangyayari sa kanya simula nung umuwi siya ng bahay. Buong buhay ko,

simula nung nagsschool na si Kenji, dalawang beses ko pa lang siya nakitang umiyak. Una nung namatay yung alaga niyang aso. Yung pangalawa, last week lang.”

“Last week..?”

Nagnod siya, “Oo. Nung umuwi siya ng bahay. Tulala pa siya nun tapos may hawakhawak siya. dumiretso pa siya sa living room tapos dun, tulala siya. nagulat na lang ako nung tumabi ako sa kanya, pag harap niya sa akin bigla siya umiyak. Hinde ko alam kung bakit.. pero malakas yung kutob ko na may kinalaman ka dun.”

23? Nagkita nga ata kami nung araw na yun.. dun ko rin nakausap si Abi.. pero bakit siya umiyak? Hinde ba yung last niyang sinabi sa akin ‘bakit buhay ka pa?’ ano bang nakakiyak dun? Dapat ako yung maiiyak ha. Gusto na naman niya na siya yung lumabas na kawawa? Sige, siya na.

“Simula nun hinde na siya lumalabas ng kwarto niya.. hinde rin siya kumakain. Tuwing pupunta ako ng kwarto niya tulala lang siya, tapos hawak niya pa rin yung bagay na hawak niya nung gabing umuwi siya.

Tapos biglang kinausap niya ako, sabi niya gusto raw niyang pumunta ng korea kaya ibili ko raw siya ng ticket.. pumunta siya kinabukasan pero nung araw ring yun, umuwi siya ng lasing.”

“Sorry.. hinde ko siya pinuntahan nun..” nag nod siya, “Sorry po talaga..”

“Simula nung araw na yun, hinde na siya nag sasalita.. umiinom lang siya. halos gawin niya na ngang tubig yung beer eh. Ang nakakatawa nga lang.. hinde siya nalalasing. Malaki talaga space ng tiyan nun pag dating sa alak.” tapos natawa si Ate Kendi. “Athena.. ayaw kitang konsensyahin.. ikaw parin ang may karapatan mag desisyon para sa sarili mo.. pero, hinde mo pa ba napapansin na mahal na mahal ka ng kapatid ko? Naiintindihan kong natatakot kang masaktan mo siya balang araw.. pero hinde ba mas

makakagaan para sayo kung dalawa kayo ni Kenji yung lumalaban?”

Napaisip na naman ako. Bakit ko nga ba to ginagawa? Sinasabi kong para kay Kenji rin to, pero ang totoo natatakot lang akong masaktan. Natatakot lang ako na baka mag sawa sa akin si Kenji at bigla na niya akong iwanan. Lumalabas tuloy na hinde ako naniniwala sa kanya. Hinde nga ako nakokonsensya.. pero bakit parang nasasaktan naman ako sa mga ginagawa ko?

“Nasan po ba si Kenji?”

“Nasa bahay. Kung wala sa bahay, pakalat kalat lang yung sa labas. Athena.. pwede mo kaming lokohin at sabihin mong hinde mo na mahal si Kenji.. pero hinding hinde mo maloloko ang sarili mo.. Kung ako ikaw, susundin ko yung puso ko.. susundin ko yung gusto kong mangyari..” Ang gusto kong mangyari..

ano nga ba ang gusto kong mangyari? “sige, mauna na ako. may pupuntahan pa kasi ako eh.”

Tumayo siya tapos umalis na. umuwi na rin ako ng bahay.

Hinde ko na naman mapigilan ang magisip. Ano nga bang gusto ko? ano ba ang dapat kong sundin?

Dapat ba talagang pangunahan ako ng takot?

“Athena.. uuwi na ako sa pinas bukas. Sasamahan ka muna dito ni Carlo, hinde ka kasi pwedeng iwanan magisa pero pagpasukan na nila si mom na kasama mo dito, ok?” nagnod ako. “Hinde ko kasi matiis si Grace eh.. Sige yun lang.”

Lumabas na siya tapos sinara niya yung pinto ng room ko. Uuwi na siya bukas.. ano bang plan ko? uuwi na rin ba ako? pero.. natatakot parin akong harapin si Kenji. Gusto ko siyang makausap pero natatakot ako.. Pero.. walang patutunguhan yung takot ko.

---------------------------------------------

“Ate tara na.” hinila ako ni Carlo papasok ng bahay.

Pagpasok namin bigla kaming sinurprise nila Sara. Si Lucas yung unang sumalubong sa akin.

Nag smile siya tapos niyakap niya ako. “Welcome back..”

Nung tiningnan ko yung mukha niya, nakita kong may pasa at sugat na naman siya. nagiging hobby na ba niya ang pakikipag away?? Hinawakan ko yung part na may pasa tapos bigla siyang umaray.

“Yan. Makipag away ka pa! Sa susunod ako na sasapak sayo!” hinila ko siya para maupo sa may sofa.

“Aba! Umuwi ka lang galing Korea naging sweet ka na bigla!” sabi naman ni Jigs.

Pagtingin ko sa mukha ni Jigs may pasa rin siya. Hinanap ko si Kirby at nung nakita ko siya, nakita kong may sugat rin siya sa may labi. Trend na ba ngayon ang may mark sa mukha??

“Bakit pati kayo meron?? Nag away ba kayong tatlo??” sabay sabay silang yumuko.

Pumunta ako sa kwarto ko para kunin ung first aid kit ko. Pinaupo ko rin sila Jigs at Kirby para magamot yung sugat nila.

“Kayo talaga! Wag na nga kayong makipag away!!” sabay diin sa sugat ni Lucas.

“Aray!! Bakit sakin mo binubuhos yung inis mo samin tatlo?? Pati rin dapat sila!!” natawa na lang kami.

“Athena, I cooked something for you guys to eat. Have you eaten dinner?” lahat sila umiling.

Ako yung tinatanong diba?? Pati.. Ano ba yan!! 11pm na hinde pa rin sila kumakain ng dinner?

Magaling.. magaling. Lahat sila nagpunta na sa may dining table para kumain. Naiwan kaming dalawa ni Lucas. Nagusap kami tungkol sa napagusapan namin ni Ate Kendi. Maya maya biglang may nag door bell.

Si Carlo yung lumabas para tingnan kung sino yun.

“Ate.. Si..” napayuko siya bigla tapos napatngin sa gilid niya. Tapos may biglang pumasok na lalaking naka jacket

“Athena..” nanlaki yung mata niya nung nakita niya ako.

HILING – NOW PLAYING

Napatayo ako bigla. Pagkita ko sa kanya puro sugat yung mukha niya. nakita ko rin yung kamay niya may sugat. Bigla akong nanigas sa kinakatayuan ko. Hinde ako makagalaw, hinde ako makapag salita. Para akong naging bato nung nakita ko siya. Feeling ko kaming dalawa lang yung nag eexist nung time na yun.

Si Kenji..

“Athena…” dahan dahan siyang nag lakad

“Wag kang lalapit.. dyan ka lang..” huminto siya bigla

Hinde ko maipinta yung mukha niya.. parang hinde siya makapaniwala na nakita niya ako. habang

nakatingin ako sa mga mata niya, napansin kong medyo teary eyed siya.. dahan dahan nag form ng smile yung mga labi niya.. tapos biglang tumulo yung luha niya

“Akala ko nananaginip parin ako..Kanina kasi nakakita ako ng isang babae.. akala ko ikaw na yun.. tapos bigla akong sinugod ng anim na lalaki.. pag harap nung babae.. iba mukha. Pinag sasasapak nila ako..

hinde nga ako naka ganti eh.. pero.. dumating bigla yung three musketeers ko. Wag kang magalala hinde ako nasaktan.. mali.. masakit.. oo masakit.. pero hinde ko iniisip yung sakit.. kasi ang iniisip ko.. babalik ka.” Biglang tumulo yung luha ko.

“Kenji, bumalik ka na lang bukas. Pagod na si Athena eh. Kelangan na niyang mag pahinga..” sabi ni Kuya Nathan kay Kenji habang hinihila niya siya palabas

Hinde ko na halos napansin yung mga tao sa paligid ko. Hinde ko namalayang tumayo si Kuya para lang lapitan si Kenji. Huminto yung oras ko kay Kenji.

“Teka lang..ang dami kong gusting sabihin kay Athena..” tinanggal ni Kenji yung kamay ni kuya sa may braso niya, “Sa sobrang dami hinde ko alam kung saan ako mag sisimula.. siguro.. dapat mag sorry na muna ako noh? Athena.. Sorry.”

Lumuhod bigla si Kenji tapos yumuko. Lahat kami nagulat. Narinig ko yung mga bulungan nila. Umiiyak siya habang nakaluhod. Nilapitan siya nila Jigs para itayo pero pilit niyang tinatanggal yung mga hawak nila.

“Lasing ka lang paps.. tama na..”

“Alam kong ilang araw na akong umiinom.. pero hinde ako lasing. Hinde na ako nalalasing. Hinde ako magpapatalo sa kahinaan ko..kelangan kong maging malakas..” napatingin siya bigla sa akin, “Wala ka bang tiwala sakin Athena? Kahit kelan ba hinde ka naniwala sa mga sinasabi ko sayo?? Bakit Kelangan mong itago?? Bakit kelangan ako pa yung huling makaalam?”

Huling nakaalam? Ibig sabihin alam rin nila Jigs at Kirby yung tungkol sa akin?? Napatingin ako kay Jigs at Kirby tapos yumuko lang sila. Nag takip ako ng ibig habang umiiyak.

“Pakinggan mo siya.. This time, pakinggan mo lahat ng sasabihin niya.” bulong sa akin ni Lucas.

BOOK: She's Dating the Gangster
11.63Mb size Format: txt, pdf, ePub
ads

Other books

Light Thickens by Ngaio Marsh
Addicted (Club Destiny #3) by Nicole Edwards
Dreaming in Cuban by Cristina Garcia
In Heat (Sanctuary) by Michkal, Sydney
Please Do Feed the Cat by Marian Babson
Claiming Ecstasy by Madeline Pryce
Alive by Scott Sigler
Improper Proposals by Juliana Ross
Monster by Walter Dean Myers
La delicadeza by David Foenkinos