Read She's Dating the Gangster Online

Authors: Bianca Bernardino

She's Dating the Gangster (21 page)

BOOK: She's Dating the Gangster
10.11Mb size Format: txt, pdf, ePub
ads

Bumalik na kami ng classroom, yung teacher napatingin sa amin

“Aba. Kaya ka ba lumabas ng classroom Kenji para sunduin si Athena sa clinic? Very impressive.” Nag smile siya sa aming dalawa, “Ma-upo na kayo.”

Lunch break namin, hinde sumama sa amin sila Jigs at Kenji. Hinde naman nila sinabi sa amin kung

anong gagawin nila or kung saan sila pupunta, basta sinabi lang nila na hinde sila sasabay samin mag lunch. Baka mag practice sila para sa game mamaya.. anong school ba kalaban nila ngayon?

“Ah oo nga pala Grace, yung Gino.. saan siya nag aaral?”

“Southridge. Sa Hillsborough.”

“Ahh..” as I nodded.

“Diba exclusive school yun?” sabi ni Sara

“Oo.” Nag nod kami ni Sara.

Nagclass kaming tatlo nila Grace at Sara, yung dalawang lalaki, siyempre excused kasi may game sila.

pero dinismiss din kami ng maaga nung prof para daw makanood kami ng game, lalo na raw ako. hinde niya raw kayang makita akong nag aaral sa classroom at hinde nag chcheer sa boyfriend ko. >.< So lahat ng classmates ko nag thank you sa akin at wala raw kaming math! Nag puntahan kaming lahat sa gym, dun nakita ko si Kirby naka ready na. nilapitan niya ako tapos may inabot sa aking illustration board. Nung tiningnan ko ito may naka lagay

“GO HUBBY?!”

“Wala akong maisip eh.” napakamot ng ulo si Kirby.

“Sinong nagsabing gumawa ka ng ganito!?!? Wala naman akong sinabi ha!!”

“Yun oh.” tinuro niya si Kenji.

Nung tiningnan ko si Kenji, mukhang ang seryoso ng itsura niya ngayon. Parang may plano siya, pero hinde ako sigurado kung masama oh hinde..

“Sige, balik na ko dun. Dadating na Marymount boys eh.” nag nod ako.

Marymount boys?

Biglang nagdatingan yung mga taga Marymount, tapos nakita ko si Lucas. Tapos yung apat na lalaking sumapak kay Kirby. Nanlaki yung mata ko sa mga nakikita ko

“Ok ka lang ba?” I nodded.

“Si Lucas oh!” I know.

Pinag masdan ko yung laro ng team namin, halatang pa-simple nilang tinatarget yung mga lalaking

bumugbog kay Kirby. So yun yung ginawa nung dalawa kaya hinde sila sumama samin? Ang swerte ni

Kirby at si Jigs at Kenji yung naging kaibigan niya..

“Mananalo tayo nito. Malakas pakiramdam ko.” napatingin ako kay Grace “Marymount laging

nakakatalo sa school natin, pero sa nakikita ko.. mananalo tayo.”

So malakas pala talaga yung Marymount.. pero bakit ang laki ng lamang ng school namin? Nag tanong pa ako. Si Kirby ang laging nakakascore sa game ngayon, halatang ayaw niyang magpatalo sa kanila. Si Lucas naman laging binabangga ni Kenji. YA! HE SAVED YOUR GIRLFRIEND!!

Tama nga ang sabi ni Grace, nanalo kami. Siyempre, tuwang tuwa si Kenji, may placard na nga ako,

natalo niya pa si Lucas. Ano ba to. Kulang na lang halos tawanan niya harap harapan si Lucas eh.

Lumapit ako kay Lucas para mag-hi, pero hinde ako masyadong makasingit sa mga babaeng nakapaligid

sa kanya. OMG. Please! Ganito ba talaga dito??

Tumalikod na ako since hinde ako makasingit pero tinawag ni Lucas pangalan ko

“Luke, thanks nga pala sa ginawa mo last week ha.”

“Wala yun noh. Ikaw talaga!” hinawakan niya ko sa ulo tapos medyo ginulo buhok ko.

“Hinde ko alam nag babasketball ka pala! at magaling ka ha..”

“Oo nga eh, halos kainin ako ng buhay ni Kenji kanina. Pero wala yun. sige! Baka makita niya pa tayo, mag away pa kayo.” Nag nod ako tapos pumunta na salugar kung nasan sila Kenji.

Nilapitan ko si Kenji, kinuha niya yung hawak kong placard tapos binasa niya ng malakas, “Go Hubby?”

nag smile siya sa akin, “Ang sweet naman ng Wifey ko. hug naman dyan!” I shook my head as an answer.

“Leave ko ngayon, san mo gusto pumunta?”

“Mall?”

Nag smile siya sa akin, “Sige, intayin mo lang ko, mag shoshower lang ako, ok?” I nodded.

Pagkatapos niyang mag shower pumunta na kami ng mall. Siyempre pinagtitinginan na naman kaming

dalawa.. fine, pinag titinginan na naman siya. naaasar na ako sa lalaking to! Bakit ba kasi kelangan lahat ng suot niya bagay sa kanya? Naka shirt, shorts at beanie na ngal lang siya tapos pinagtitinginan pa rin siya! Omg.

Humarap sakin si Kenji, “Wala ka namang dumi sa mukha, pero bakit sila nag titinginan sayo?” My god Kenji! OO NA IKAW NA SIKAT!^-^

“Suotin mo to.” Inabot niya sakin yung kinuha niya sa pocket niya, clip.

“WOW!! Ang cute!! Pano mo nalaman na gusto ko to??”

Nag smile siya, “Napansin ko dati sobrang nakatitig ka sa clip na yan. Kaya binili ko.”

“Thanks..” I clipped my bangs para hinde na masyadong nakakairita.

Habang naglalakad kami nag titinginan pa rin yung mga tao, ano ba yan! Pati lalaki tinititigan na si Kenji!

Ganun ba siya ka gwapo??

Tumingin ulit sakin si Kenji, “Bakit ka nila tinititigan?” AKO?!

“Bakit ako?? baka ikaw. Ikaw naman kasi laging pinag titinginan pag magkasama tayo eh. hinde ka na nasanay.”

Nagpunta kami sa may food choices, tumayo si Kenji para bumili ng makakain namin. Syempre eto ako

naiwan mag isa. May 3 lalaking lumapit sa akin

“Hi! Taga Southville ka ba?” I nodded. “Ah, taga Southridge kami. Wala ka bang kasama? Pwede

kaming maki-join?”

“Meron eh, bakit?”

“Ah wala lang. ang cute mo kasi eh, pati bagay sayo ang naka clip. Sinong kasama mo? Boyfriend mo?”

“OO. BOYFRIEND NIYA.” tumingin ako sa may likod ko, si Kenji pala nandun na.

“Ah, sorry pare, I thought she’s single eh. sige.” Umalis na yung tatlong lalaki. Umupo si kenji sa tapat ko, dala na niya yung pag kain namin.

“Tanggalin mo na nga yang clip mo!”

“Bakit? Hinde ba bagay? Cute naman daw eh!” sabi ko habang hawak ko yung clip na nasa buhok ko.

“Tanggalin mo sabi eh!” I pouted, siyempre tinanggal ko na. ayoko ng eksena sa mall noh.

Habang nag sstroll kami sa mall, naka salubong namin si Abi, nag smile siya kay Kenji, nag smile din naman sa kanya si Kenji. And weird, mag isa lang siya ngayon sa mall. Wala na yung lalaking kasama niya dati sa mall? Tss.

*bzzztt*

Calling..

No Number

“Hello?”

No one answered.

“Yeoboseyo??”

“Athena..”

“Sino to?”

“TaeSungie. I’m here in the Philippines.”

Chapter TWENTY SIX

“Yeoboseyo? Athena?” *Hello?+

Panaginip lang to diba? Hinde hinde.. natutulala lang ako kaya naiisip ko na Tae Sung yung sinabi niya. Si Sang Min oppa lang to.

Sinampal ko ng mahina yung pisngi ko

“Are you there? Yeoboseyo?? YA ATHENA!”

“Eung. What do you want Sang Min oppa?” *Sang Min is Nathan+

“Gong joo yah..” Gong joo yah..? *Princess+

“Noo goo se yo?” *Who’s this, please?+

“Tae sung.. TEH SEONG.” Sinabi niya ng malinaw. OMG! Ibig sabihin, hinde ako nananaginip.

“Bakit? Anong problema mo?”

“I came here to visit you.”

“Sige, bye na, I’m with my boyfriend right now.”

“Nuhrulmannagoshipda .” *I want see you.+

“SHI-RUH!” *read as shee roh= no way!+

Napatingin sakin si Kenji kaya inend ko na yung phone call.

“May problema ba?” I shook my head. Pano ko na lang sasabihin kay Kenji na nandito na si Tae Sung?

Hinde ko nga nakukwento sa kanya yun eh. Ayoko naman itago sa kanya yun, lalo na nandito si Tae Sung oppa..

Kenji’s POV

Anak ng. Nagiging weird na tong si Athena habang tumatagal eh. Ano kayang nangyayari sa kanya?

Nakakapanibago rin, parang habang tumatagal, maraming nag aapproach na lalaki sa kanya, nakakairita na nga minsan eh. Titigan daw ba yung girlfriend mo!! ang malupit dun nasa tabi ako eh.. lalo na yung Carlo Paez na yun. aba nag lakas loob lumapit at nag bibigay pa ng pagkain! Mga tao ngayon hinde mo malaman kung anong tunay na intension eh.

Isa pa yung nag padala sakin ng pictures nila ni Kirby.. grabe, panalo yun eh! Ta@&^#$! Alam niyo yung feeling na nag tatrabaho ka, kampante yung loob mo kasi friend mo yung mag hahatid sa girlfriend mo sa bahay, tapos biglang may mag sesend sayo ng ganung pictures? Amp! Ewan ko ba! Biglang naging

special si Athena sa lahat ng tao..

May something kasi sa kanya na pag tiningnan mo lang siya, gusto mo na siyang maging close..tapos pag naging close na kayo as in nakilala mo na siya, gusto mo na siyang alagaan forever. Yung tipong gusto mo siyang protektahan sa mga taong makakasakit sa kanya. Kaya kung posible, ayaw kong masyadong ma-expose siya sa mga tao. Ano ba to, nagiging madamot na ko. Una, naeexpress ko na yung love ko sa

kanya tapos ngayon naman pinagdadamot ko na siya. Sakit na ata to eh.

“Kenji!! Pa-picture tayo!!” hinila ako ni Athena sa may neoprint na booth.

“Miss eto bayad.” Nakatitig lang sakin yung babae. Amp. May dumi ba ako sa mukha?

“Ok lang.. ako na lang bahala.” Ngumiti siya sa akin. Ayos! Libre!

Pumasok na kami sa loob ng booth, si Athena tuwang tuwa. Ngayon lang ba siya makakapag neoprint?

She’s weird.

“Kenji wag mong babuyin yung pic ha??” tumungo ako.

Anong ibig sabihin niyang wag babuyin? Matino naman itsura ko sa pictures noh! Tss.

“5 shots to. Smile!!”

Nag start na yung machine, si Athena tuwang tuwa. Yung first 2 puro naka nguso at peace sign siya. Yung pang 3 and 4 naka akbay na ko sa kanya tapos siya naman naka sandal yung ulo niya sa shoulder ko.

“Last na to! Kelangan maganda!”

Nilagay niya yung kamay niya around my neck tapos, she kissed me on the lips.

Kenji -> O.O

Athena -> ^o^v

Nung natapos yung pag print, nakita nung babae yung pictures

“Ang cute naman!” ginupit na niya yung pictures pagkatapos inabot niya na sa amin “Bagay kayong

dalawa..”

Huli niyang inabot yung malaking picture namin “Buti na lang eto yung pose niyo, tamang tama. Good luck sa inyong dalawa.” Nag smile kami ni Athena.

Habang nag lalakad kami, napansin kong tinititigan ni Athena yung pictures namin. Naka smile pa siya.

ganun ba siya kasaya dahil nag neoprint kami? Weird talaga tong babaeng to! Bakit ba sa isang wirdo ako nag ka-gusto.

Napangiti na lang ako habang naka tingin ako sa kanya.

“Sara and I call it sticker photo. Weird ba? Nasanay kasi kaming sticker photo tawag eh.”

“Masaya ka ba?” she nodded, “Dahil lang nagpa-neoprint tayo?”

Umiling siya, “No. Masaya ako kasi for once may naka notice na couple tayo. Kasi sa mata ng tao, para lang tayong magkaibigan.. we don’t do stuff like what a real couple should do. Tapos nakita nung miss etong pic na to, sinabihan niya tayong bagay.. If I know, nung una hinde niya na pansin na tayo, pero nung nakita niya.. dun na lang niya napansin yun.” nag smile siya sa akin tapos pinakita yung phone niya sa akin, dinikit niya kasi yung pic na naka akbay ako sa kanya pati yung kiniss niya ako.

“Hinde kita maintindihan.” Nag smile siya sa akin tapos tumingin na ulit sa nilalakaran naming

“We don’t hold hands, hug and kiss infront of everyone else.. we don’t express our feelings in public..

Hinde mo nga ako inaakbayan eh. Kaya they think na we’re just friends, well unless we tell them that we’re dating.” Nag smile na naman siya.

Napahinto kami sa pag lalakad

“Gusto mo bang mag PDA tayo?” napakamot na lang ako sa ulo, kung gusto naman niyang hawakan

yung kamay ko bakit hinde na lang niya gawin?

“No.. well not really.. we just don’t do those stuff..” nag smile siya, “Never mind. Let’s go.” Tapos naglakad niya siya.

Hinawakan ko yung kamay niya, “Intayin mo ko.”

Nagsmile siya bigla sa akin tapos nag nod. Sabay kaming naglakad habang hawak ko yung kamay niya.

Ibang klase yung feeling.. Lumalabas yung ibang side ko dahil kay Athena, pag hawak ko yung kamay

niya, o kaya pag yakap yakap ko siya, parang ang saya ng feeling.. Cloud 9 eh.

Bawat taong madaanan namin napapatingin samin tapos biglang ngumingiti. Ang weird ng pakiramdam

pero ok lang. Kasi si Athena naman yung katabi ko eh.

“I told you!! They’re dating!!”

“I didn’t know eh! Akala ko close friends lang.” Napa smile na lang kami ni Athena sa mga naririnig namin. Tama nga siya, kami kami lang rin ang nakakaalam na nag ddate kaming dalawa. Kulang kami sa exposure! Ay, parang artista lang?

Kung saan saan nag papasok ng shop si Athena pero hinde ko pa rin binibitawan yung kamay niya, she doesn’t mind naman eh. titingin lang siya sakin tapos itatanong niya kung bagay. Pfff. Bagay naman sa kanya yung ibang pinakita niya, pero wag na wag lang siyang mag susuot ng color orange na damit.

Hinde bagay.

Natapos na rin kami sa pamimili ng mga damit ni Athena. Himala nga eh, natuto na siyang gumastos!

Dati ang kuripot niya. ewan ko ba dito kung bakit nag kukuripot! Hinde naman siya yung naghihirap sa pera. Sa tingin ko rin hinde sila mahirap. Potek. Parang ang weird nung sinabi ko ha.. wala akong

masyadong alam sa kanya, alam ko lang may business sila sa Korea, hinde ko alam kung anong business.

Alam ko rin nag aral siya sa states. That’s it.

Na-meet ko nga parents niya, pero yun lang yun. Hinde ko alam kung kanino siya mas close, kung first boyfriend niya ba ako o meron na siyang naging boyfriend bago ako. Parang napaka limited ng mga

bagay na alam ko sa kanya, hinde kasi ako masyadong nagtatanong sa kanya, siguro kaya ganun..

“Kenji, cr lang ako ha?” Papayag ba ako? bibitawan ko yung kamay niya pag pumayag ako.. pero pag

hinde ako pumayag.. itatanong niya kung bakit. Ano namang isasagot ko pag tinanong niya yun?? ‘wala lang’? crap.

“Bilisan mo..” nag nod siya tapos pumunta na ng cr.

10 minutes na ang nakalipas pero hinde pa rin lumalabas si Athena.

“Gano katagal ba kelangan ng mga babae tuwing nag c-cr? Ang tagal naman niya..”

Tumatakbo ang oras pero hinde pa rin siya lumalabas ng cr. Ilang babae na rin ang nakita kong lumabas, pero hinde sila si Athena.

To: Wifey

Fud court lng ako. Nagugutom nko e..

Message sent. Siguro naman mababasa niya yun at makonsensya siya kasi pinag iintay niya ako. 20

minutes.. 25.. pero wala pa rin siya. na flush na ba siya ng inidoro!? Amp!! Ang tagal niya! gutom na gutom na ko!

Tumayo na ako sa kinauupuan ko. Wala na. siguro umuwi na yun. Hinde man lang siya nag sabi sa akin..

ano nanaman kayang nangyari dun?

“Kenji..” napalingon ako sa likod ko. si Athena..

Parang namumutla siya. Parang hinde siya yung Athena na kasama ko kanina.. nilapitan ko siya tapos hinawakan yung mukha niya, “Ok ka lang ba?”

Tumango siya.

“Bakit namumutla ka?? Inaasthma ka na naman ba?” umiling naman siya ngayon.

Eh anong problema niya?? Bakit hinde na lang niya sabihin sa akin ng maayos kung masama

pakiramdam niya oh may something na mali? Hinde ba niya alam na mahirap manghula!

“Eh ano bang nangyayari sayo??”

“Uwi na tayo.. nasusuka ako eh..” nag nod ako tapos nagmadali na kaming naglakad papunta sa kotse.

Pagkadating namin sa bahay niya, pareho kaming nagulat dahil si Nathan nandun may mga dalang bag.

“Oppa, eodi gani?” *Where are you going?+

“Uhh.. Yuh-gi?” *Here?+

Humarap sakin si Nathan, “Kumain na ba kayo?”

“Hinde pa, sumama kasi pakiramdam ni Athena kaya umuwi kami ng maaga.”

Hinawakan ni Nathan yung kamay ni Athena, “Mwuh? Eodi apugirado han-guh-ya??” *What? Are you

feeling okay?]

Tumango siya.

“Jung mal gwaen chah na yo?” *Are you sure you’re all right?+

“GWEAN. CHAH. NA.” nag smile si Nathan *I'M. OK.+

“Jo ah, you take a shower muna. I’ll just talk to Kenji outside ok?” *alright+

Nag nod si Athena. Masunurin pala siya sa kuya niya eh. isang sabihan lang sa kanya sumusunod na siya kaagad, sa bagay sakin di naman ganun siya eh, pero minsan pasaway talaga amp!

“Kenji, sorry kung medyo matigas ulo ni Athena.. ganyan talaga yan eh, na-spoil kasi ng mom namin.

Alam mo naman siguro na half-brother niya lang ako diba?” napatingin kaagad ako kay Nathan. Nag

smile lang siya.

“So hinde niya pa nasasabi.”

“Wala akong masyadong alam sa kanya eh. Hinde na namin masyadong napaguusapan yung personal

na buhay namin, halos away, tampuhan, at barkada lang alam namin sa isa’t isa.”

“Ah ganun ba? Sige, ako na lang mag kkwento tungkol sa buhay ni Athena. Half-sister ko siya, kasal yung dad namin sa mom ni Athena, pero pumunta ng Korea yung dad namin so dun niya na-meet yung

mom ko. hinde sinasadya.. nabuo nila ako. Pero nung umuwi yung dad namin sa Philippines ng mga 3

years old ako ayun, nabuo si Athena. Pero after 2 months namatay yung mom ni Athena.. Siguro mga 2

years old siya nung dinala siya sa Korea. Simula nun, mom ko na yung nag alaga sa kanya. Sobrang mahal na mahal ng mom ko si Athena, hinde dahil naguiguilty siya. Pero ibang klase yung impact ni Athena samin.”

Ibang klase yung impact.. pati sila nafeel yun kay Athena.. akala ko kami lang nakakaramdam nun, pero pati pala sila nafeel yun..

“Hinde namin hinahayaan yang masugatan or makagat ng lamok.. pero despite the fact na sobrang

spoiled siya, naging mabait na bata parin siya. Alam niya yung tama at mali, hinde siya nakikipag away, masunurin at marespeto. Kaya walang dahilan para magalit kami ng mom ko sa kanya.” Nilagay niya

yung kamay niya sa balikat ko, “She’s been hurt before.. and I don’t what that to happen again.”

Kinuwento sakin ni Nathan yung nangyari kay Athena at Tae Sung.. So first love niya si Tae Sung? Hinde naging sila.. pero nagpromise yung guy na magiging steady na sila pag dating ni Athena ng 17 y/o kaya lang nund bumalik si Athena sa Korea nung same year na nag confess si Tae Sung, nakita niyang may

kasamang ibang babae si Tae Sung. Kaya yun, napadpad ng pilipinas si Athena. 17 years old..? 17 lang siya ngayon diba? Matagal pa mag 18 si Athena.. ibig sabihin pwedeng mangyari yung promise na yun.

“OPPA!! KENJIYAH!! DINNER TIME!” sigaw ni Athena.

Pagkatapos namin kumain ng dinner umuwi na ako.

“BAKIT GANYAN SUOT MO?!??” tiningnan ni Athena yung damit niya

“Bagay naman diba?” tapos humarap siya sa akin.

Anak ng tinapa naman! Nagready ba talaga siya para sa lalaking yun?! amp!! Nakakairita naman!

SL’s Athena: uhm.. may dinner akong pupuntahan bukas.

LB’s Kenji: oks. saan? sino kasama mo?

SL’s Athena: sa Summer Scent. si Tae Sung, friend namin from Korea.

LB’s Kenji: HINDE PWEDE.

SL’s Athena: why?? you said ‘oks’ already! Sang Min Oppa will get mad at me.. come on! Tae Sung

oppa’s been calling me nonstop this day, and I really really have to meet him.. please?

LB’s Kenji: dahil ba sa.. oks. sasama mo ba ko?

SL’s Athena: you want to?

LB’s Kenji: OO. at kahit sabihin mong hinde pwede SASAMA AKO! sunduin kita bukas.

SL’s Athena: Tae Sung oppa will pick me up.. just meet us there.

LB’s Kenji: SUSUNDUIN KITA SABI! AMP!

SL’s Athena: OK!! mga 7:00 sunduin mo na ko. wear something nice, ok?

I really have to meet him. tss. Bakit pa?! Nagpaganda pa siya para lang dyan sa Tae Sung na yan! Ganun ba yun kagwapo?! Naka make up pa siya.. nakakaasar talaga. Dress, heels, at make-up para lang sa isang dinner! Potek.

“I can see the lines on your forehead. Can’t you atleast pretend that you’re excited to meet him?”

Ngumiti ako. siyempre pilit. Pano naman ako maeexcite ma-meet yung kumag na yun!? Eh alam kong

may past silang dalawa.. Sucks. Bigtime.

Lumapit sa akin si Athena, tapos inayos yung collar ng polo ko, “Ang gwapo mo ngayon.” Tapos nag

smile siya sa akin.

“Sino mas gwapo? Ako o siya?” tapos inayos ko yung bangs niya. tumawa siya. seryoso ako sa tanogn

kong yun. “Seryoso ako.”

Tumigil siya sa pag tawa niya tapos nag smile sa akin, “Siyempre mas gwapo ka para sa akin. Kaya lang, dahil sinabihan kitang gwapo, edi parang sinabi ko na rin na gwapo siya.” napakamot ako ng ulo. Hinde ko maintindihan yung sinasabi niya, porket sinabihan niya ako ng gwapo, ibig sabihin parang sinabihan na rin niya na gwapo rin yung isa? Ang labo naman.

“Athena!” napatingin kami pareho sa lalaking naka suot na pulang polo.

Naglakad siya papalapit sa amin. ‘Siya na nga yun’ sabi ko sa sarili ko.

“Oppa, this is Kenji” tumingin sa akin si Athena, “Kenji this is Tae Sung oppa.”

Ngumiti na lang ako tapos nakipag shake hands. Tss. May kamukha siya. si Kendi. Kambal ata silang

BOOK: She's Dating the Gangster
10.11Mb size Format: txt, pdf, ePub
ads

Other books

The Dirt by Tommy Lee
Hiding Out by Nicole Andrews Moore
Rebel Spirits by Ruby, Lois
FUR FOR ALL, Book 5 in FIXED by Christine Warren
All Good Things Exposed by Alannah Carbonneau
Dante by Bethany-Kris
Everyone Lies by D., Garrett, A.