Ang Boyfriend Kong Artista (10 page)

BOOK: Ang Boyfriend Kong Artista
7.66Mb size Format: txt, pdf, ePub
ads

daw siya kung di niya ako hahatid. Sira daw career niya dun. LOL. E ang lapit lang naman kasi talaga ng bahay namin e.

After
10 minutes
(malapit nga lang kasi), nakarating na kami sa bahay ko.

"Sige, bbye na. Thanks sa paghatid."
Bumaba na ako ng kotse ni Bryan. Nasa may gate na ako nung biglang may nagsalita.

"Papasukin mo siya."

Syet!
"Kuya Prince?"
Andito si Kuya?! E diba next month pa uwi niya?

Bago nga pala ang lahat, 3 nga pala kaming magkapatid. Nakilala niyo na si Desiree diba? Kung 3rd year si Desi, tas ako 4th year, si Kuya Prince, nagtatrabaho na. Fresh graduate lang yan. Pero dahil sa galing niya sa Architecture, e may kumuha na sa kanyang company na based sa Japan. Kaya mukhang Japanese si Kuya. Nyahaha.

"Namiss ko kayo e. Ikaw, pababain mo yang naghatid sayo. Late ka na pala umuwi ha. Alalang-alala

sayo si Mama at si Desi. Tss. Tigas ng ulo mo!"
Bigla niya akong pinitik sa noo.

"Kuya naman e! Namitik pa! Wag na. Ayan na aalis na yun oh."

"Tekaaaaaaaaaaa!"
Bigla niyang hinabol yung kotse ni Bryan. Nagstop naman yung kotse niya, Syet tanga talaga nito! Mapapasubo ako nito e!

Lumabas si Bryan sa kotse niya at biglang nagtinginan sila ni Kuya. Uh-oh.

"Ah. Bakit?"

"OH SYET! BRYAN LIM?"
Tengene kilala pala ni Kuya.

"Uh. Oo. Bakit?"

"WOW. Ikaw naghatid sa little sister ko?"
Bigla akong hinila ni Kuya at hinarap sa kanya.

"Kuya naman e!"

"Kapatid po pala kayo ni Eya. Opo. Ako po yung naghatid sa kanya. Sorry kung nalate siya ng uwi."

"Nako. Okay lang! Okay lang naman kahit magdate kayo e. Pwedeng-pwede! Basta hatid mo siya

okay? Ako nga pala si Prince. Kuya ni Eya."
Nagshake-hands naman sila. WHUUT?

"Bryan Lim. Wait, di po kami nagdate..."

"Nako. Wag na kayo magsinungaling. Okay lang naman yun."

"Kuya naman e!"

"Pumasok ka na lang muna, saka na kayo magpaliwanag."
Di ko na napigilan si Kuya, ayun, pumasok na kami ng bahay. Etong si Kuya, nakangiti pa rin. Letse!

"Ma! Andito na si Daniella! May kasama pang lalaki! NAGDATE SILA!"
Tinignan ko si Kuya ng masama.

Tumatawa ang mokong! Tinignan ko naman si Bryan, napakamot lang siya ng ulo. WALA MAN LANG BA SIYANG

GAGAWIN?! Strict ang nanay ko pagdating sa boys! Ugh.

"Andito na pala kayo e. Maupo muna kayo."
Syet. Si Mama. Nakasimangot! Patay talaga ako nito. Umupo na kami sa may sala. Letsètong si Kuya! Pahamak!

"Bakit nga pala kayo ginabi?"
Nakatingin lang sakin si Mama. Yung tingin niya na sinasabing
"wag kang
magsisinungaling"
. WAAAAA.

"Ah... eh... kasi Mama..."

"Diba curfew mo, 6pm? 7 na oh!"

"Wag kang epal kuya!"

"NYAHAHAHA. Ikaw naman papagalitan e."
Binulong sakin ni Kuya. Isip-bata pa rin talaga si Kuya.

"Baliw."

"Tumigil muna kayo. May bisita pa rin tayo. Oh siya, ikaw na lang tatanungin ko iho, anong nangyari

at ginabi kayo ni Daniella?"

"Maaaaaaaaaa! Hinatid lang naman ako ni Bryan e!"

"Bryan pala pangalan mo. Iho, oh, ano ngang dahilan at gabi na kayo nakauwi?"

"MAMA! Andyan na ba si Ate? OHMYGOD BRYAN LIM!"
Nakng. Si Desiree naman oh. :| Fan nga pala ni Bryan si Desi.

"Maupo ka na nga, Desi. Ang ingay mo rin e."

"Epal mo kuya. Kakadating mo lang naman a. Tss.
" Umupo na si Desi sa tabi ni Mama.

"Ate, nagdate kayo?"

"Pati ba naman ikaw, Desi! UGH!"

"Teka, ang ingay niyo naman! Tumahimik muna kayo. May bisita nga e!"
Tumahimik naman kami. Nakòpag nagalit si Mama, maghanda ka na, magkakaroon ng SONA.

"Sige, Bryan Lim ba pangalan mo?"

"Opo."
Tinignan ko lang si Bryan, bigla niya naman akong tinignan at nagsmile sakin? Nye. Hindi man lang siya kinakabahan? Tss. Nakita kong umiinom si Kuya ng juice.

"Penge. Uhaw na ko Kuya."

Inabot niya sakin yung juice na iniinom niya. ininom ko naman. WAWAWEE. Sobrang lamig!

"Ah. Nagdate ba kayo ni Daniella?"
Bigla kong nabuga yung ininom ko sa sobrang gulat.

"MAMA NAMAN E! PATI BA NAMAN IKAW?!"

"Kadiri ka Ate! Talsik pa yung laway mo! Yuck!"
Binatuhan niya ako ng pamunas. Nakakagulat naman kasi yung tanong ni Mama e!

"Nagdate nga ba kayo?"

"Hindi po. Hinatid ko lang po talaga siya. Sorry po at natagalan siya ng uwi, nakatulog po kasi siya sa
bahay ko e."

"WHAAAAT!?"
Sabay-sabay nilang sabi.

"Ano ba kasi kayong tatlo! May nangyari nga kasi sa school kanina. Naclinic ako. Dahil siya yung

kasama ko nun, siya na daw maghahatid sakin, on the way sa bahay, nakatulog ako. E ang tagal ko

BOOK: Ang Boyfriend Kong Artista
7.66Mb size Format: txt, pdf, ePub
ads

Other books

Forgotten Place by LS Sygnet
Starting from Square Two by Caren Lissner
Charlie Opera by Stella, Charlie, Skutches, Peter
Satan's Lullaby by Priscilla Royal
A Little Murder by Suzette A. Hill
Miss Garnet's Angel by Salley Vickers
His Perfect Bride by Langston, Jenn
The Reunion Show by Brenda Hampton