Ang Boyfriend Kong Artista (11 page)

BOOK: Ang Boyfriend Kong Artista
5.23Mb size Format: txt, pdf, ePub
ads

daw matulog. So pumunta muna kami sa bahay niya. Pagkagising ko, 7PM na. Okay na?"
OKAY.
I

LIED.
Pero ayoko ng sabihin yung Allison thingey. Alam niyo naman sila, napakaprotective pagdating sa akin.

Atsaka, kaibigan ni Mama yung Mama ni Allison. Ayokong magkaroon ng lamat yung friendship nila dahil lang sa

gulo namin.

"Ah. Okay. Sige, apology accepted. Pero teka, diba ikaw yung artista?"
Nakng. Si Mama rin, nakiki-showbiz?

"Ay. Opo. Hehe."

"Ay ganun ba. Sige, tutal andito ka na rin. Samahan mo na kami sa Dinner ha? I'll take no for an

answer. Pasalamat ko na rin sayo sa paghatid sa anak ko."

"Mama! Uuwi na yung tao e!"

"Nagmamadali ka ba iho?"

"Hindi naman po. Sige po, dito na lang ako kakain."
Nagsmile lang si Bryan sa akin.

Hinila ko siya at binulungan ng:
"Dapat sinabi mo na uuwi ka na, bahala ka, tatanungin ka ng tatanungin nyan.

Kulit mo rin noh?"

Nagsmile lang siya sakin. Binulungan niya rin ako:
"Okay lang yun. You're my responsibility. Remember?"
Hutaena.

Kinilabutan ako dun ha!

Di ko na nga siya napigilan at ayun, dito na nga siya kumain. Nagkwentuhan lang sila nila Mama at ng mga kapatid ko. Inasar pa nga ni Mama si Bryan na bagay kami e. Nyahahaha. Sus. Puro showbiz pinag-usapan nila. LOL. Pero, close na si Bryan sa family ko ha? Kakagulat.

After ng ilang minutes, nagpaalam na rin si Bryan. Tuwang-tuwa nga si Kuya e, close na daw sila ng IDOL niya.

Nyek. :|

"Kapatid, Di ka pa ba matutulog?"
Nasa rooftop pala ako ngayon. 9PM na. May pasok pa pala bukas. Ayoko ngang pumasok e. Anywa.ys, umupo si Kuya sa tabi ko. Inabutan niya ako ng milk. Aww. Sweet ng kuya ko.

"Thanks. Matutulog na rin, kuya. Kelan balik mo sa Japan?"

"Bukas ng umaga."
Mamimiss ko din `tong si Kuya kahit papaano.

"Ambilis naman."

"Sus. Okay lang yun. Pero ikaw ha, yun lang ba talaga ang rason kung bakit late ka nakauwi?"

"Ah.. eh.."

"Alam ko may problema ka. Sabihin mo sakin, di ko naman sasabihin kay Mama e."

"Baka sumama ang mukha mo dahil sa dahilan e."

"Sus. Bakit naman? Except na lang kung si Allison yung dahilan..."

"Siya nga."

"WHAAAAAT?! Anong ginawa nung bruhang yun sayo?"

"Ayun. Insecure na naman sa akin. Tss."

"Nakng. Yun lang!? O baka dahil sa nangyari dati?'

"Sus Kuya. Ewan ko ba dun."

"Kaya ba may pasa ka sa may noo mo?"
Hinawakan ko naman noo ko at ayun, may pasa nga ako. Di ko napansin. Siguro sa pagkakasabunot `to ni Allison. Tss.

"Oo Kuya. Hehe."

"Kahit kailan talaga, di pa rin ba yun nakakalimot? Sa nangyari dati? Gumanti na nga siya sakin,

tapos ngayon, ikaw, dadamay ka pa niya? Teka, diba bumalik naman kayo sa dati? Yung friendship

niyo? Sinira na naman niya?"

"Oo. Eto pa, inagaw niya pa si Erick sakin."

"Break na kayo?"

"Akala ko alam mo kuya? Inaasar mo pa nga ako kay Bryan kanina e."

"Nukaba. Artista kasi yun. Hehe. Teka, inagaw sayo ni Allison si Erick?"

"Yup."

"Nagpaagaw din yung tangang yun kay Allison?"

"Oo."

"Sira-ulo talaga rin pala yun. Bagay sila sa isa't-isa."

"Galit ka pa rin kay Allison, Kuya?"

"Oo. Hanggang ngayon. Wag na nating pag-usapan yung nakaraan. Sige na, matutulog na ako.

Matulog ka na rin ha?"
Kiniss niya ako sa noo.

"Night rin Kuya!"
Nagsmile lang siya sakin saka siya bumaba. After ilang minutes ng pagmomoment, bumaba na rin ako.

Kinaumagahan, pagkagising ko, wala na si Kuya. Mamimiss ko talaga yun. Hayy. :|

"Sis, may sulat si kuya sayo oh."
Kinuha ko naman kay Desi yung papel at binasa.

Little sis,

Mag-ingat ka ha? Wag kang papatalo sa babaeng yun. Okay? Wag kang bumaba sa level niya.

Anyways, Mamimiss kita. Kayo nila Mama. Mag-ingat kayo ha?

Nga pala, Si Bryan Lim. nafefeel ko na he's like me,
A GOOD GUY.
Nyahaha.

Aprub ako sa kanya! Sige, Labyu Lil'Sis!

~Kuya

Napangiti naman ako nung binasa ko yun. Nakakatuwa kasi e.

Pero, lumelevel-up talaga si Bryan. Pati sa kuya

ko? Naka-earn ng pogi points? Naks.

Ginawa ko na yung daily routines ko. Kain. Ligo. Bihis ng pang-uniform.

"Mama! Alis na po ako."
Kumiss na ko sa cheeks ni Mama.

"Anak, mag-iingat ka ha?"

"Opo. Asan si Desi?"

"Nako. Nauna na. Kasabay nung bespren niya."

"Ganun po ba, sige Alis na ko ma!"

Paglabas ko ng gate, bigla akong nagulat.

"Bryan?!"
Andito si Bryan sa harap ng bahay ko, with his car, at nakauniform na rin siya.

"Lika na, malelate pa tayo sa school."

HAHANURAW?!

9.

Eya's POV

"Takte naman Bryan, ano ba kasi ginagawa mo? Hahatid mo ako sa school?"

BOOK: Ang Boyfriend Kong Artista
5.23Mb size Format: txt, pdf, ePub
ads

Other books

The House of Shadows by Paul Doherty
Six Years by Harlan Coben
La estancia azul by Jeffery Deaver
House of Incest by Anaïs Nin
Pediatric Primary Care by Beth Richardson
Letters from a Young Poet by Rosinka Chaudhuri
Sin entrañas by Maruja Torres
The Lost by Sarah Beth Durst