Ang Boyfriend Kong Artista (14 page)

BOOK: Ang Boyfriend Kong Artista
3.92Mb size Format: txt, pdf, ePub

"Ay. Yun? Hehe... Wala naman. Hehe..."
Bigla niyang hinawakan yung baba ko at hinarap sa kanya.

"U-uy! Bitawan mo nga ako! Nakakahiya!"
Napansin ko na namang madaming nakatingin samin. Particularly sa akin!
Evil stares pa talaga. Juskopo.

"Sabihin mo muna. Bakit ka umiyak?"

"Bitawan mo muna ako."

Binitawan niya naman ako.
"Basta sabihin mo yung totoo. Friends naman tayo, diba?"

"Teka, friends? Kelan pa?

"
Bigla niya naman akong pinitik sa noo.

"Aray!"

"Ang sama mo naman. Buti nga, kinakaibigan pa kita e. Ang hot ko na, gwapo ko pa, sikat pa ako.

Odiba All-in-one?"

"Kapal mo. Ewan ko sayooo!"
Ininom ko na lang yung tubig. Baka mamaya, topakin ako dito, ibuhos ko sa kanya yung tubig e.

"Tss. Pero, ano nga ba kasi ang dahilan? Bakit ka umiyak?"
Hindi ata ako titigilan nito kapag di ko sinabi e.

"Oo na. Sasabihin ko na."

"Ano nga?"

"TEKA NGA. Eto na... kasi..."

Flashback

Naglakad na ako nun papuntang school. Epal kasi si Bryan e! Pati na rin si Kuya! Sino ba naman kasing nagsabi na ihatid ako nun e! Ugh. Hindi pa talaga nagbabago si Kuya Prince. Syet lang.

Medyo malapit na ako sa school nung bigla kong nakita...
si Erick.

Bigla akong kinabahan. Syempre, sinong hindi?
Makita mo yung EX mo.
Na hindi mo man lang alam kung bakit ka ba niloko. Pero, diba dapat every relationship, may closure? Kailangan ko siyang makausap, kahit isang beses lang.

Nakita kong may kausap siya. Barkada ata niya e. Pero I really need to talk to him. Yung wala si Allison.
Lakasan mo
loob mo, Eya. Nasaktan ka na naman diba?

"E-erick!
Syet. Bigla akong kinabahan. Magtatago na lang sana ako nung bigla niya akong nakita.

"Uy. Eya."
Bago siya lumapit sakin, may sinabi siya dun sa barkada niya. Nagpaalam ata siya dun e. Tapos, eto na.

Lumapit na siya sakin. Syet. Yung puso ko, di mapigilan yung tibok.
Kinakabahan ako.

"Eya. Papasok ka na rin ba sa school?"

"Uh... Oo e."

"Sabay na tayo."

"Uh... S-sige."
Sabay kaming naglakad papuntang school. Tahimik lang kami. Walang nagsalita. Awkward nga e.

Parang... from
bestfriends
, turned
lovers
, naging
strangers
na lang kami.

"Ah..."

"Uhm..."

Napatawa kami pareho. Sabay kasi kami e. Nagsmile siya. Namiss ko yung smile niya. Ugh. Di ko alam, pero napaiyak ako. Humarap ako sa kanya.

"Bakit, Erick? Bat mo nagawa yun sakin?

"

"Uhm. Eya, S-sorry."
Tumigil siya sa paglalakad at humarap rin sakin.

"Di ko sinasadya. Dapat mong maintindihan yun. Minahal naman kita e."

"Sus. Minahal. Oo nga. Minahal mo ako. Pero ba't biglang nawala yun? May pagkukulang ba ako?

May problema ba sakin?"

"Wala kang pagkukulang. Okay? Listen to me. Ako, ako ang mali. Ako ang may problema. It's not you.

It's me."
Bigla niya akong niyakap. Pero tinulak ko siya papalayo.

"NAKNGTETENG NAMAN ERICK. GASGAS NA YANG LINYA NA YAN E! IBAHIN MO NAMAN. YUNG

TOTOO, MINAHAL MO BA AKO? KAHIT KATITING MAN LANG?"

"S-sorry."
Sinampal ko siya.

"Your sorry wouldn't change anything. It wouldn't change the fact na niloko mo pa rin ako."
Mukha na siguro akong baliw. Umiiyak na talaga ako. Di ko mapigil yung luha ko sa pag-agos e.
Ang sakit kasi... ang sakit-sakit.

Tumakbo na lang ako... Madami ngang nakatingin sakin pagdating ko sa school e. Asan na ba si Bespren ko?

"Eya."
Napatingin ako sa nagsalita. Si... Bryan.

"Bryan."

End of Flashback

"Hindi man lang niya sinabi sayo yung dahilan?"

"Hindi e."

"Nakakagagu yun a. Uupakan ko yun."

"Tanga. Pag ikaw nasaktan, ako na naman sisisihin mo. Artista ka, okay?"
Nagsmile naman siya.

Eeeh?

"Concern ka?"
Nagsmile siya ng nakakaloko. Anong iniisip nito!

"Baliw ka talaga! Ugh."
Biglang tumunog na yung bell sa campus.

Other books

Evolution by LL Bartlett
Brotherhood in Death by J. D. Robb
Forever Spring by Joan Hohl
A Taste for Murder by Claudia Bishop
Plague of Mybyncia by C.G. Coppola
the Source (2008) by Cordy| Michael
Relative Strangers by Joyce Lamb