Ang Boyfriend Kong Artista (67 page)

BOOK: Ang Boyfriend Kong Artista
7.15Mb size Format: txt, pdf, ePub
ads

Akalain mo yun? Yung kapartner ko sa movie na 'to, yun yung babaeng nakabangga ko while I'm in Japan? Yung may asong Arki ba yung pangalan? Yung feeling close. Tss.

Looking at her, maganda naman siya. Pero walang tatalo sa ganda ng asawa ko. Oo na, asawa ko siya eh. Bakit ba? =)

"Nice interview, guys. Break time!"
Pumunta nako sa canteen ng TV2 at umorder.

Akala ko, pagdating sa Pinas, saka ko pa lang mamemeet yung leading lady ko. Di naman sila excited? Oh well.

"Mind if I join you?"
Napatingin ako sa nagsalita. Si Princess pala. Tss.

"Ikaw bahala.
*smirk*
"
Umupo siya sa tapat ko at nagsimula na ring kumain.

Maya-maya, nagsalita na siya.

"You do understand that we should be close, right?"
Yeah right, mukha mo.

Ewan ko ba. Iritang-irita ako sa babaeng 'to. She's 16, pero she's acting mature, di naman bagay. Tsk. =_= And besides... I know one of her dirty secrets. And it's so... dirty.

"Whatever. Save it for the acting portion.
Princess
."
Sabay tayo. Tapos na rin naman akong kumain. Ewan ko ba, di ko masikmurang makasama 'tong babaeng 'to eh.

Ang sama ko ba? Di ko talaga feel aura niya. Siguro I should be nice to her. Baka mabait naman pala 'to.

Bago ako maglakad papalayo, tumingin ako sa kanya at nag--> ^__^v

"Sorry kung natarayan kita."
Ngumiti naman siya.

"Okay lang yun. And, by the way. We'll be close. VERY CLOSE. Mr. Edward Cullen."
At nag--> ^__^v rin siya.

Nagsmirk lang ako at naglakad na papalayo. Hm. So alam niyang ako rin yung nakabangga niya dati sa Japan? Very clever girl. Very clever.

Pero hindi ko pa rin siya feel. Siguro, after ilang days. Makakagaan ko rin ng loob 'tong si Princess. Bakit ba kasi may kissing scene pa eh! =____= Ang weird lang. Oh well, ganun naman kasi ugali ko eh. I mean, friendly ako and such.

Pero ewan ko ba, feeling ko, yung iba, let's say Princess, may gusto galing sakin. May gustong "makuha". Tss. I'll try my best, "try", not to be too judgemental about her.

Well, it's only for the work nonetheless. Nothing personal. Eya pa din ako. Speaking of Eya... how is she? May ibang lalaki ba yun?! Argh. Subukan niya lang... tss! Ano ba... wag ka ngang mag-alala Bryan. Walang ibang lalaki si Eya...

DIBA? !@#$!!! KAPAG MERON I'LL KICK THAT PERSON'S ASS!

56.

Eya's POV

"The number you dialled is not yet in service."
Amp naman. Bat di na naman sumasagot 'tong si Bryan?

"Uy Eya. Sasabay ka bang uuwi?"
Napatingin ako sa barkada. Napakamot ako ng ulo.

"Uh. Hindi na siguro. Mauna na kayo. Ako na lang mag-isa. Dadaan pa naman ako sa bookstore eh."

"Sure ka ha?"
Nagnod ako. Umalis na naman sila at naiwan ako dito sa canteen. I'm eating ice cream kasi, yung binili ko kay Bryan. Eh kasi naman, hindi siya nagpapakita. Almost 3 days na siya nandito sa Manila. Alam ko busy, pero, bat di man lang siya magtext diba? Okay. Ang drama ko. Pero wala eh.

Tinatry ko. Pero hindi ko kaya. Namimiss ko masyado boyfriend ko.

Tinry kong ulit tawagan si Bryan. Kaso, no luck.

"The number you dialled is not yet in service."

"The number you dialled is not yet in service."

"The number you dialled is not yet in service."

"The number you dialled is not yet in service."

"The number you dialled is not yet in service."

"AMP NAMAN!"
Napatayo ako nun. Napatingin sakin yung janitor, ngumiti na lang ako. Baka sabihin neto weirdo ako. Ay ewan. =_=

Umalis na rin ako. Nakakatamad na rin. Iniwan kong nagmemelt yung ice cream, ewan! Di ko alam kung bakit naiinis ako kay Bryan. It's just that, para bang, wala siyang time man lang para magtext or tumawag, diba? Tokwa naman oh.

=_=

Tinext ko si Bryan one last time, medyo harsh yung pagkatext ko. Pero sana magreply siya! Punyeta naman eh.

Nagwoworry rin ako sa kanya.

"Please... Bryan..."
Still no luck. Amp. Bahala siya. Tinurn-off ko yung phone ko at padabog kong nilagay sa bag ko. Pupunta na nga lang akong bookstore.

Nagjeep ako. Mas madali eh. Nainis lang ako kasi, alam niyo yung pinapatugtog sa jeep? "I'll Be."

Nananadya ba 'to? Upakan ko 'to eh. =_=

-----------------------

BOOKSTORE

"Excuse me, Miss. Saan po yung Young Adult Section?"

"Dun po miss."
Tinuro niya yung isang stack of books sa may left side.
"Basta naka-label naman sila eh.

Enjoy!"
Nagsmile lang ako sa kanya at nagthank-you. At pumunta na dun sa Young Adult Section.

I miss the scent of books! Grabe, it's been a year. Hindi ako nakabasa ng mga books since nagbreak kami ni Errick, tapos naging kami pa ni Bryan. Oh diba? Bookworm ako sa pagkakaalam ko. =_=

May lalaki din na nakaray-ban na tumitingin din sa Young Adult Section, tinitigan ko siya, I mean, I'm not checking him out or anything, wala lang. He looks a lot like my age. Di ko malaman kung gwapo ba siya, nakaside-view kasi eh.

Bigla na lang siyang tumingin sa direksyon ko, at sa akin mismo! Ang gwapo niya pala. May kamukha siya eh.

Something familiar...

I realized na nakatitig ako sa kanya ng mga 2 minutes na, kaya iniwas ko yung tingin ko at binalik sa shelves na puro books. Grabe, namumula siguro ako dito! Nakakahiya. Narinig kong nagchuckle ng mahina yung lalaki.

Di ko na lang pinansin. Okay, gwapo siya. So what? Nacurious lang ako. Not all boys love to read. Di ko nga alam kung bookworm rin si Bryan eh. Puro photography yun eh. =_=

Balik sa pagbbrowse ng books, Eya!

Tinitignan ko yung title of books, pati na rin summary sa back page. Hindi ko tinitignan yung cover ng book.

Syempre, sabi nga nila.
"Don't judge a book by it's cover."
May mga books na maganda yung cover, tipong

"apple" pa tapos may bite. I'm not pertaining to Twilight ah. Pero, yun nga. The substance of the book is more important than the cover itself. Tama si Miss Author. =) Charot.

Naghahanap ako ng books na may pagka-Hunger Games. Ang ganda kaya nun! In love na ko kay Peeta. Pero syempre

mas in love ako sa boyfriend kong artista. Naalala ko na naman na di niya sinasagot tawag ko. =_=

"Bahala siya."
Napabulong na lang ako. Napatingin sakin yung lalaking nakaray-ban, saktong napatingin rin ako sa kanya. Amp. Sabay kaming nag-iwas ng tingin, pero, I swear. Tumawa siya habang hawak-hawak yung librong

binabasa niya. Nakita ko sa peripheral vision ko. Tofu siya ha. =_=

May napili nakong book, Waiting for you by Susane Colosanti yung title. Tae, para bang yung title, nakikiramdam sa nararamdaman ko ngayon ha? Wag mo nga munang isipin si Bryan, Eya! =_=

I was still looking at the stack of books when one book title caught my attention.

It was
"She's Dating the Gangster"
by Bianca Bernardino aka SGWannabe, her pen-name. My jaw literally dropped. Here I am, standing here. Just staring at that book.

Bibilhin ko yun! Nabasa ko na yung story, tagal na. Sa Creative Corner site pa nga. Like others, naiyak ako, napatawa, nasaktan, at nainlove sa love story ni Kenji at Athena. At ngayon, happy ako. Napublish na rin ang story na

pinaghirapan ni Ate Bianca!

I'll sure as hell support her. Bibili lang ako para pangcollection. Kaso, tofu naman. Nasa pinakataas ng shelf yung SDTG eh. Wala bang ladder dito or something? Amp.

Inabot-abot ko pa. Tae, ang taas naman neto. Suko na ko. Pero syempre, ttry ko pa. Kaya ko yan!

Ang tanga ko lang. Sana pala nagpatulong na lang ako.

Kasi nung yung kamay ko, nasa pwesto na ng SDTG. Kukunin ko na sana eh. Biglang umalog yung shelf, at yung mga libro na nasa harapan ng SDTG, bumagsak at narealize ko.

Matatapunan ako ng mga libro.

Malalaking libro.

Makakapal na libro.

Hanep, Harry Potter Saga ba naman eh.

Bigla akong napaupo at hinanda ang kamay kong pang-shield.

Napapikit ako. Pero, para bang, walang tumama sakin? Safe ako? Wait, bakit parang may nakayakap sakin at para

bang may nagshishield ng ulo ko?

"O-OUCH..."
Napadilat ako nun at napatingin sa taong nakayakap sakin, more like, a savior.

Tinulak ko yung tao. Uh. What?

Si lalaking gwapong naka-rayban nagsave sakin? Napatingin ako sa forehead niya...

"Oh my gosh... You're bleeding!"
Nagchuckle lang siya pero binigyan ako ng masamang tingin pagkatapos.

Nagbago ng mood?

"Ang clumsy mo, miss. You know that?"
Tatarayan ko sana, sasabihin na hindi naman niya ako kailangan i-save kaso biglang dumating yung staff at tinulungan kami umalis sa pesteng books na nakakalat at nakadagan samin.

"We're very sorry for that incident. There must be a problem with the shelves..."
Nagnod na lang ako at ayun, para daw makabawi. Bibigyan daw nila kami ng free book, any choice! Basta bumili kami at least one. Bargain na rin yun, syempre!Payag nako! (^__^)

Binayaran ko na yung book, tapos SDTG yung free book ko. Astig.

Lumabas na ako nun, ng biglang may kumalabit sakin. Napatingin ako at nasa tapat ko na naman si lalaking Naka-

rayban.

Tinaasan ko lang siya ng kilay.
"Oh? Bakit?"

"Di ka man lang ba magsosorry? Or, magtthank you? I saved you there. And look..."
Pinoint niya yung forehead niya. !@#$. Dumudugo pa rin.
"What are you going to do about this huh?!"

Haynako. Bakit ba kasi ang clumsy ko masyado. =_= Pero looking at the guy, sinave niya ako. Bakit ako pa

nagtataray?

I sighed.
"Sige na. Thank you for saving me. At sumama ka sakin, gagamutin ko yang sugat mo.

Maghintay ka lang sa Mcdo... okay lang ba yun? At pupunta lang akong drugstore."

Ngumiti siya.
"Sure. Miss Eya."
Nagsimula na siyang maglakad papalayo. Wait lang!

"HEY!"
Sumigaw ako, di masyadong malakas pero narinig niya, tumalikod siya at tumingin sakin.
"HOW DID YOU

KNOW MY NAME?"

Nagsmirk lang siya at nagpeace sign. Tapos tumalikod ulit.

AMP. What the fvck is that? =_=

That's so... creepy! Matatanong ko na rin naman sa kanya yun mamaya. Kung di niya sasagutin, di ko siya gagamutin.

Nakakuha siguro ako ng B+ sa First Aid nung third year kami. =))))))

Habang papunta ako sa drugstore. Narealize ko na kung bakit yung mukha nung lalaking yun, sobrang bumagabag

sakin. Sobrang familiar niya talaga! Siguro kasi...

Siya yung lalaking team captain ng varsity ng rival school namin na nakaaway ni Bryan sa court! At yung nagsabi na maganda ako at gustong humingi ng number ko! Putek. Siya nga! Pero ang pinagtataka ko...

Kahawig niya si Bryan Lim. Hmm... ano ba yan! Bakit kasi lahat ng lalaking nakakahalubilo ko, kamukha niya. Argh...

epekto lang siguro ng pagkamiss kay Bryan. Diba?

56.2

Eya's POV

"Wag kang malikot."

"Eh... ang sakit."
Diniinan ko lalo yung bulak na may gamot sa forehead niya. Napa-wince siya. Ang kulit kasi eh.

=_=

"Sandali lang kasi. Wag ka muna gumalaw!"
Nandito kasi kami sa may mall's lounge, ginagamot ko yung sugat neto sa forehead. Eh ang galawgaw. Hindi tuloy matapos. =_=

"Oo na.... psh! A-aray!"
Inapply ko na yung betadine, grabe, buti di masyado malaki yung hiwa sa forehead niya.

May pagka-squeamish kasi ako. Ayoko ng dugo.

Pagkatapos nun, nilagyan ko ng band-aid yung forehead niya. Mukhang okay naman yung result. Tae di ko

pinangarap maging nurse. =_=

"Okay na. Sige na."

"Makakaalis nako?"
Akmang tatayo siya pero pinaupo ko siya ulit.

"Now you answer my question, how did you know my name? Hindi ko naman binigay name ko dati

sayo ah."

Nagsmirk siya tapos inabot yung kamay niya.
"I'm Tyler Lim. Bryan's brother."

Nakipagshake-hands ako pero gulat pa rin. That's why may hawig siya ni Bryan!

"Uhh... Eya? Are you okay?"
Binitawan ko yung kamay niya at nagsmile.

"Okay lang. I didn't know na may... na may kapatid pa pala siya. So... brother ka pala ni Bryan. Paano
nangyari yun?"

"Kailangan mo bang malaman?"

"Nagtatanong lang naman. -_-"

"Tss... half-brother ko lang siya. Ang kapatid ko talaga ay si... Bettina."

Di ko naman kasi alam na may... kapatid pa pala siya...

"Pero paano mo nalaman name ko?"

"I know a lot about you. Sa news kita nakikita, and nung game, alam kong girlfriend ka na ni Bryan.

Inasar ko lang siya nun. Alam kong magseselos yun. Pero we're not close."
Naconscious naman ako

nun.
"Pero don't worry. May nakwento naman siya sakin kahit di kami ganun ka-close."

Huh?
"Like what?"

"He said you're beautiful. Well, he's right."
Feeling ko nagblush ako nun pero di ko pinahalata.

OO NA NAGBBLUSH NA AKO. TAKTENG CHARMS NG MGA LIM. ARGH!

"So... Tyler. Ano bang ginagawa mo dito? Are you really from here? And if I remember right, ikaw

yung team captain ng Xander High diba?"

"Yup... and, ang lapit ng school ko sainyo. Grabe... nagkita pa tayo ngayon. Nice one!"
nagnod na lang ako. Siya na ang hyper.

"You want to eat?"

"Sure."

"My treat. Since ginamot mo naman sugat ko."

"Ako dapat manlibre. Ako may dahilan kung--"

"Pumayag ka na. Please?"
Sabay pout niya. Argh...

"S-sige na nga!"
Kagaya rin pala 'to ni Bryan Lim eh. =_=

-------------------------

KFC

Kumain kami dito sa KFC. Di ako pumayag sa mahal na restaurant. Awkward eh. =_=

Nagkwentuhan lang kami. Masaya rin naman pala siyang kasama. Comfortable ako kaagad sa kanya, ganun siguro

mga "aura" ng mga Lim.

Now that I'm curious...

"So Tyler... musta lovelife mo?"
Nagsmile lang siya.

BOOK: Ang Boyfriend Kong Artista
7.15Mb size Format: txt, pdf, ePub
ads

Other books

Keeper of the Doves by Betsy Byars
Second Chances by Charity Norman
The Late Bourgeois World by Nadine Gordimer
Soldier No More by Anthony Price