Ang Boyfriend Kong Artista (69 page)

BOOK: Ang Boyfriend Kong Artista
12Mb size Format: txt, pdf, ePub
ads

Natawa naman ako dun. HAHA!

Napatingin ako sa kanya at bakas rin sa mukha niya ang inis at lungkot.
"Oh bakit ikaw nagdadrama rin?"

"Wala. Nevermind."
Ang weird niya kumilos ha.

Ay ewan! Napatingin ako kela Bryan at yung Princess ba yun

at wow...

What a scene.

Hinalikan nung Princess yung boyfriend ko sa lips!

"Fck."
Napabuntong-hininga ako nun. Pwede bang matunaw? Ano yun? Tapos na yung scene diba? Diba?

Ano yun? Lantaran talaga? Si Bryan nagpakiss naman sa malanding yun?! Amp. Di ko na gusto yung Princess! Parang ano eh... Pakerrrr.

!@#$. !@#$. !@#$!

Nakita kong nag-usap sila, tapos narinig ko pa yung sabi ni Princess.

"Eh so? Wala naman ang girlfriend mo dito diba?"

WHAT?!

"Eya..."
Tinapik ako sa shoulders ni Tyler.

"Ano?!"

"Ayos ka lang ba? Ano iiyak ka na?"

"Tae ka. Hindi ah. Oo ayos lang ako. Teka. Na-ccr lang ako. Balik ako maya."
Tumakbo nako nun papalayo, oo na duwag ako. Pero ano kasing irereact ko? Hamak na ordinaryong girlfriend lang naman ako diba?

Hindi ako iiyak. Never. Kahit naririnig ko yung ibang fans na pumunta dito na nagbubulungan.

"Ay diba girlfriend yun ni Bryan?"

"Oo nga! That eya girl?

"Uh-huh! Mas bagay si Princess at Bryan kaya!"

"Hindi ah! Breya pa din ako!"

"I know. I'm sure nakita niya pa yung kiss nila on-cam."

"Don't forget the off-cam! Hahaha!"

Sige naaaaaa. Pamukha niyo lang sakin yan!

Nang makalayo ako, feeling ko tutulo na luha ko...

"EYAAAAAAAAAAA!"

Napatingin ako sa nagsalita, si Bryan lang pala. Nung nahabol niya na ako, hinawakan niya ako sa balikat ko at niyakap.

Di ko siya niyakap pabalik. Naramdaman niya siguro yun kaya bumitaw siya. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at

tumingin sa malayo.

"Uy. May problema ka ba?"
OO IKAW ANG PROBLEMA KO!

"Wala. Napadaan lang naman ako. Sige mauna na ako."
Tumalikod nako pero hinila na naman niya ako paharap sa kanya.

"Ano na naman ba?!"

"Di mo sinabing pupunta ka pala. Sana nagsabi ka man lang."

"Eh paano ko nga masasabi sayo Bryan, patay cellphone mo, di ka man lang nagtetext o tumatawag.

Ni e-mail wala! Ano?!"

Napasabunot siya sa ulo niya. Argh! I hate it when he does that! Para bang nafrufrustrate siya! -_-

"Sorry. Busy lang kasi."

"Ah, so kung di ka lang busy saka mo lang ako tatawagan?"

"Hindi sa ganun Eya! Ayoko ng distractions. Para nga mapabilis yung shooting ng movie, para

matapos na, para makasama na ulit kita!"

"So distraction lang pala ako ganon?!"
Napakamot siya ng ulo niya at hinawakan yung isang kamay ko.

"Hindi. Ano ka ba?! You're always on my mind! I just need to focus on this movie para matapos na.

Please... understand."

"Understand? Sige. Paintindi mo nga sakin kung bakit tapos na yung shooting ng kissing scene niyo

kanina, naghalikan pa kayo off-cam?! Ha?! Ano? Feel na feel niyo pa talaga sa harapan ng maraming

tao!"

"That's bullshit! She kissed me. Friendly lang yung kiss na yun Eya!"

"Friendly? Friendly mo mukha mo! Tuwang-tuwa ka pa dyan eh!"

"Hindi nga sabi! May pagkaliberated yung babaeng yun kaya hayaan mo na! Nagrespond ba ako ha?

Hindi naman diba?!"

"Aba bakit mo sakin yan tinatanong? Ako ba yung nakipaghalikan? Ha?"

"!@#$! Ano ba..."
Napasabunot ulit ng ulo si Bryan. Ako? Napahawak sa ulo ko. Aish! Nababadtrip ako every minute.

"Bakit ba kasi... ang stubborn mo? Ayaw mong maniwalang wala lang yun?"

"EH KASI NGA NAGSESELOS AKO! MASAYA KA NA HA?! HINDI KA NA NGA NAGPARAMDAM NG

ILANG WEEKS TAPOS PAGKAKITA KO NAGHAHALIKAN NA KAYO HA--"

*tsup*

O______________________O

"Ano makikinig ka na ba?"
Ang sama! Hinalikan ba naman ako sa lips! Ergh. =_= Oo gusto ko pero ehhh kasi naman!

Galit at asar na asar ako! Aiiiish! Papanindigan ko 'to malamang!

"Ano? Eya naman oh. Alam ko namiss mo mga hug ko, kiss ko, at syempre ako. Pero makinig ka

muna okay? Ang stubborn mo kasi."
Ano daw?! Haynako.

"Sige na nga. Wag kang magsisinungaling!"

"Tsk naman. Wag ka na kasi magselos, okay? Ikaw lang naman ang mahal ko! Wala ng iba. You know

that. Princess naman kasi eh, ganun lang yun. At sa tingin mo, magugustuhan ko yun? Nasayo na nga

puso ko eh."
Ay shocks kinilig ako!

Lumapit siya sakin at niyakap ako sa waist ko, napalapit ako sa kanya. Ilang inches na lang magtatama na yung labi ko sa labi niya.

"Uhm..."

"Shhh..."
Nilagay niya yung index finger niya sa labi ko. Sige na nga shattap na ko. -_-

"Pagpapalit ko ba ang magandang Eya..."
sabay kiss niya sa forehead ko.

"Ang cute na Eya..."
sabay kiss sa nose ko.

"Ang gorgeous na Eya..."
Sabay halik sa left cheek ko.

"Ang mabait na Eya..."
Sabay halik sa right cheek ko.

"Ang sexy na Eya..."
Sabay halik sa neck ko.

"At ang pinakamamahal kong Eya sa ibang babae?"
Sabay halik sa lips ko. Smack lang. Pero syempre, kinilig ako. :">

HUWAAAAA! HE'S TEASING ME. TT_TT

"Pagpapalit mo ba ako ha kissing monster?"

"Hindi. Eh di wala na akong mahahalikan? Kaya wag ka ng magselos. Engot mo talaga."

"Ah ganon?! Ako pa yung engot? Gusto mong masapak?"

"Hahaha joke lang naman. Eto naman. Pero seryoso..."
Linapit niya yung mukha niya sakin at niyakap ako ng mahigpit.

"Di kita pagpapalit sa kahit sino. Ikaw kasi eh, kinuha mo puso ko. Di mo na binalik."

"Ang corny mo alam mo yun?"

"Sus. Nabobola naman kita. Wag ka nang magselos? Deal?"

Niyakap ko lang siya ng sobrang mahigpit.
"Opo. Hindi na. I love you."

"I love you more."

Tignan mo naman kung anong nangyari pagkatapos ng away namin? Bati kaagad. Kaya mahal na mahal ko 'to eh.

59.

Tyler's POV

"EYAAAAAAAAA!"
sigaw ni Bryan. Tapos hinabol niya si Eya.

Parang drama lang ah? Yung mga pinapanuod ng mga babaeng sobrang dramatic. Dramatic katulad ng babaeng

nakatitig sakin ngayon.

Lumapit siya sakin. Naramdaman ko na naman 'tong puso ko. !@#$. Ano ba Tyler?! It's been 6 months! Nakamove-

on ka na dapat Tyler. Nakamove-on na.

"So, Tyler. What are you doing here? Namiss mo ako no?"
!@#$. Ano ba! Get over her. This girl is nothing to you.

I gave her a hard smile.
"I'm not here for you. Sinamahan ko lang ang girlfriend ni Bryan dito. Don't

assume, Princess."

"Bakit hindi pwede? Malay ko ba..."
lumapit siya sakin at naglean sa ear ko.
"Baka mamaya... gusto mo
lang talaga ako makita. After all... you like me right?"

"Enough of the games, Cess. Ayusin mo nga sarili mo.
" tapos nagsmirk ako at umalis dun sa shooting place.

Pumunta na lang ako sa malapit na Starbucks tapos tinext si Eya na kapag ready na siyang umuwi, tawagan niya na lang ako. Kung ihahatid siya ni Bryan, edi ako na lang mag-isa.

*bzzt bzzt*

Inopen ko messages ko baka si Eya nagreply, pero hindi.

FROM: 09XXXXXXXXX

Long time no see Ty. I miss you...

Kahit di naka-save ang number niya sakin, alam kong si Princess 'to.

Yeah right, she's the girl I can't get over with. The girl who broke my heart. The girl... who ignored me. Because of what I look like before.

FLASHBACK

One year ago

Nerd ako. I mean... hindi kasi ako yung tipong lalaking habulin ng babae, yung ganun. Kaya nga naiinis ako kapag kinocompare ako kay Bryan eh. Pero iba ang kwento nun.

Ang kwento, kung paano ko nagustuhan ang isang Princess Gomez.

Si Princess. Babaeng matatawag mong "chicks" sa isang tingin lang. Hanep! Ang ganda eh. Tapos sobrang talented.

Pero ako? Wala. Lalaking nerd. Naka-eyeglasses na makapal. May braces. Baggy style ang laging suot ko. Basta, nerd nga eh. Nerd.

Nakilala ko siya nung nangailangan siya ng study partner sa Algebra. Eh alam mo na, sayang pagkakataon!

Nagvolunteer ako. Pumayag naman siya. Ayun, eh nadevelop ako eh. Tinanong ko siya kung pwede ko ba siyang

ligawan. Um-oo siya! Kahit nerd ako diba? Inabot ng isang taon ang panliligaw ko sa kanya. Nung una akala ko ang arte niya, yung tipong babaeng madapuan ng langgam, magiging hysterical na. Pero hindi...

Hindi siya ganun.

Hanggang naging artista siya...

Nag-iba siya. Ewan ko kung sinasadya niya. Lumayo siya sakin. Magkaibigan kami diba? I like her a lot! May mga nanliligaw na rin sa kanya nun pero she's the same Princess na nakilala ko. I don't know when, or how she changed.

Basta nasaktan na lang ako ng nag-usap kami nun. Yung araw na sobrang nasaktan ako. Yung araw na ayokong

maalala.

Yung araw na nagsimula na akong magbago.

Tinext niya ako nun na magkita kami, may assignment siya nun sa Algebra na ako na ang gumawa dahil busy siya sa taping ng bago niyang tv show sa isang network, alam niyo na, pandagdag pogi points na rin. Ibibigay ko yun sa kanya pag nagkita kami sa tapat ng bahay niya.

Nung nandoon na ko, nadurog ang puso ko sa nakita ko.

May kausap siyang lalaki, kasing-age siguro namin. Namumukhaan ko siya, siya yung kasama ni Cess sa tv show nila.

Pero nagulat ako ng halikan nung lalaki si Princess...

...sa labi.

"Tangina!"
First time kong magmura dahil sa sobrang galit ko. Napasugod ako sa kanila at kinwelyuhan yung lalaki.

"ANONG PROBLEMA MO PARE?!"
pero hindi ko sinagot yung tanong niya dahil inambagan ko na kaagad ng suntok. Sinuntok rin ako at nagsuntukan na nga kami. Tumilapon pa yung salamin ko at naramdaman kong dumugo

ang labi ko sa suntok ng gagong 'to! Binigyan ko rin siya ng suntok sa labi at dumugo na rin yung sa kanya. Aba, kahit nerd ako. Marunong ako makipag-basag ulo! Lalo na para sa mga lalaking bumabastos sa babaeng gusto ko!

Susuntukin ko pa dapat kaso--

"STOP IT! STOP IT GUYS!"
napatigil kami nun at napatayo ako.

"WHAT THE !@#$ IS THIS PRINCESS? WHO'S THIS NERD? BOYFRIEND MO?!"

"NO HE'S NOT! TEKA PATRICK--"

"!@#$. DUMUGO LABI KO! YOU!!!"
sabay turo sakin.
"LAGOT KA SAKIN KAPAG NAGKITA PA TAYO.

TANGINA, LAGOT AKO SA MANAGER KO!"

"SABIHIN MO LANG KUNG KAILANGAN MO NG PANGGAMOT NIYAN. AKO PA MAGBABAYAD."

"ABA !@#$ KA PALA EH!"
akmang susuntok na naman yung lalaki pero napigilan na ni Princess.

"STOP YOU TWO! ARGH! LET'S TALK TYLER!"
sabay hila sakin sa may garden nila. Magtthank-you ba siya sakin?

"Princess okay ka lang ba?"

*paaaaaaak!*

"Nakakainis ka Tyler! Argh! Stop... ruining my relationship. Stop... acting as if you're my

boyfriend!"
Ano?!

"Binabastos ka na nga nung lalaking yun eh! I just want to protect you!"

"I don't need your protection for Christ's sake!"

"Bakit? Manliligaw mo naman ako ah! You know I like you--"

"Oh no... I wish you didn't."
tapos tumalikod siya.

"Wait..."
lumingon naman siya sakin. Nakatitig lang ako sa kanya.

"What do you mean? Ayaw mong magustuhan... kita?"

"Ayoko na ako yung nagustuhan mo. Dahil kahit nililigawan mo man ako, hinding-hindi kita

sasagutin! Sa tingin mo bubuti sa image ko ang magkaroon ng boyfriend na katulad mo?! Ha? Na

nerd, na mukhang hindi tao, na hindi bagay sakin! Look at you! Si Patrick... he's handsome, he's

loveable, he's every girl's dream! And finally napansin niya na ako! Kaya please... just leave me alone.

Tyler."
tapos tumalikod na si Princess, pero naunahan ko siya at hinawakan yung dalawang braso niya at iniharap sakin.

"Anong ginawa mo sa Princess na nakilala ko? Hindi ka na si Princess. Iba ka na..."
sabay takbo papalabas ng bahay niya.

Sakto, umulan.

Buti na lang, natago ang luha ko.

Dun ko narealize, kailangan ko ng magbago. Mag-iba. Hindi para sa kanya...

Kung di para sa sarili ko.

END OF FLASHBACK

Nagbago na nga ako, in just a month, I must say. Habulin na ako ng babae. Nagbasketball pa ako at naging team

captain ng varsity team. Sumikat ang pangalan ko sa school. Marami ng gustong makipagkaibigan sakin. Marami ng nagkakagusto sakin.

Pero yung taong nagbago sakin, di ko na pinapansin. I don't know her anymore. Nawala siya sa school dahil busy nga sa pag-aartista. At after six months, I must say... I moved on already.

BOOK: Ang Boyfriend Kong Artista
12Mb size Format: txt, pdf, ePub
ads

Other books

The Knitting Circle Rapist Annihilation Squad by Derrick Jensen, Stephanie McMillan
Secrets and Seductions by Francine Pascal
The Miernik Dossier by Charles McCarry
Sophie's Halloo by Patricia Wynn
The Accidental Keyhand by Jen Swann Downey