Ang Boyfriend Kong Artista (76 page)

BOOK: Ang Boyfriend Kong Artista
9.97Mb size Format: txt, pdf, ePub
ads

"Ano ka ba? Sa rest room lang naman punta ko eh. Dyan ka lang..."

"Let me wait for you kahit sa labas lang..."

"Bahala ka."
tumayo na ako nun at nagmadaling pumunta sa rest room. Masama bang mag-isa? Nakakainis.

Sumama na nga siya sakin dito sa movie premiere nila Bryan. Akala mo mawawala ako.

Parang may magagawa ako?

Napatingin ako sa salamin. Ano ba 'tong nangyayari sakin? Naalala ko na naman tuloy...

FLASHBACK

“Eya, I know may utang na loob kami sayo at sa family mo. And as much as possible, we want to repay

you.”

“Repay?”

“Yes. We want to repay you. So we decided...”
nagkatamaan muna yung tingin nila. Bigla akong kinabahan.

Ano ba... anong repay?

“Decided on what?”
tanong ni Bryan na nagtataka na rin kagaya ko.

“We decided to let you marry our son...”

Marry? Anak nila? Edi si--

“Tyler Lim.”

"WHAT?!"
napatayo ako nun, gulat na gulat.

"I'm sorry Eya pero napagkasunduan na namin yun ng mama mo, wala namang tumutol kahit kuya

mo. We just want to repay our debt to you."

"REPAY? BY MARRYING HIM?"
tinuro ko si Tyler na halatang gulat rin.

"Yes... sit down Eya."

"Ayoko! Ayokong makasal sa kanya! Ano ba 'to? Is this some kind of prank?"

"I'm sorry pero whether you like it or not, ikakasal ka kay Tyler."

"Huh?! Bakit, anong gagawin niyo kung ayoko?!"

"Pwede naming i-block yung business ng tita mo at mama mo sa Europe. Malulugi sila. I'm sorry pero

ayaw namin ng may utang na loob, kaya namin napagdesisyunan ang bagay na ito."

"Alam niyo namang boyfriend ko si Bryan, diba? Bakit hindi na lang sa kanya?!"

"As much as we want you to marry our son, Bryan. Hindi pwede dahil artista siya, at wala pa siya sa

tamang edad para magpakasal. Mahihirapan siya sa situation, and besides, naka-arranged marriage

na siya matagal na. Alam mo naman siguro na siya yung tagapagmana ng business namin."
nagulat ako nung tumayo si Bryan nun at kinwelyuhan bigla yung dad niya.

"THAT'S BULLSHIT DAD! BAKIT NIYO BA 'TO GINAGAWA?! AT ANONG ARRANGED MARRIAGE

PINAGSASABI MO DYAN?! SINO?! AYOKONG MAGPAKASAL! AT WAG NA WAG MONG IDADAMAY

SI EYA!"

"I'm sorry Bryan. Pero we're just paying our debt."

Sinuntok bigla ni Bryan yung dad niya. Nagkagulo pero umawat si Tyler. Bakit ganun, wala man lang sinasabi si Tyler tungkol sa nangyari? Okay lang sa kanya? Badtrip!

Umalis kaagad si Bryan nun. Tumakbo pa nga. At dahil di ko na kaya, aalis na rin ako sa bahay na 'to. I hate them all!

"Daniella!"
tumingin ako sa dad ni Bryan.

"What?!"

"Kung pwede lang, hayaan mo na lang si Bryan. May babae na para sa kanya."

"Pero kung ganun man yung nangyari, hindi naman ata tama na ipakasal niyo ako kay Tyler!"

"I'm sorry pero ayoko talagang may utang kami sa kahit sino..."

"Ganun?"
I laughed. A bitter laugh.
"Napaka-pathetic niyo. No wonder hindi kayo magkasundo ng anak
niyo. Napaka-selfish niyo."
at tumakbo na ako palabas nun.

Mula noon, hindi ko na na-contact si Bryan. Iniiwasan niya na siguro ako... payag na siya? Pianghihiwalay na kasi kami. Ni hindi man lang niya sinasagot yung mga tawag ko. Hindi ko alam kung bakit... tapos si Tyler na yung laging nandito para sakin. Kahit ayoko... galit na galit ako sa lahat. Kahit kay mama... Sabi ba naman niya...

"Pambayad nila yan sa pagkawala ng tatay mo! Kaya wag ka ng umangal!"

Naka-schedule na rin yung kasal namin... the day after tomorrow. Kumalat na rin yung balita na i-aarranged marriage si Bryan. At grabe, alam niyo kung kanino?

Kay Princess! Matagal na palang alam nung bruhang yun. Last month pa! Magka-sosyo pala kasi yung pamilya niya at ang pamilya nila Bryan sa manufacturing company nila. Ang unfair, lalo na kay Tyler. May past sila diba? Tss. At kami pa ni Bryan. Ano yun, nagkapalit kaming dalawa?

Badtrip. Badtrip talaga!

End of Flashback

Naghugas na lang ako ng kamay saka lumabas. Tss... andito pa pala si Tyler. Naaawa din ako sa lalaking 'to, di siya makatanggi kasi, pambayad daw niya 'tong nangyari sa kapatid niya.

Hindi ko na talaga maintindihan yung mga nangyayari ngayon...

Iniwas ko yung tingin ko sa kanya.
"Tyler, pwede ba, kapag manunuod na, magkaiba tayo ng pwesto?

Hindi naman ako mawawala... hahatid mo pa rin naman ako diba?"

"Pero Eya, magkatabi yung ticket natin. And besides, di kita pwedeng iwan. Malaman pa ni dad yun.

Lagot ako."
napabuntong-hininga na lang ako nun. Hays... wala talaga akong takas.

"Okay."
pumasok na kami sa movie theater. Ang daming tao, lalo na celebrities. Hindi namin naabutan yung pag-iintroduce ng mga characters sa movie, ang nakita ko lang si Princess. Asan si Bryan?

Nagsimula na yung movie. Nakakainis. Ang sweet sweet nila on-screen. Badtrip lang... ang sama ng loob ko. Ang

unfair... kahit di alam ng buong mundo na si Princess yung babaeng papakasalan niya, yung 'fact' na alam ko tapos nakikita ko pa silang masaya sa pesteng movie na 'to, nagpapatunay na may chance na magka-developan talaga kapag Lim na talaga ang surname ni Princess. Nakakainis!

"Eya... punta lang akong rest room."
sabi ni Tyler.

"Sige..."
umalis na siya. Aish...

Naiwan pa ako kung kelan yung kissing scene na ni Princess at ni Bryan yung nasa screen! Badtrip. -_-

Magkikiss na sila nung biglang naramdaman kong may nagtakip ng mata ko. Huh?

"T-tyler?"

"Ang sakit naman. Siya na yung hinahanap mo, hindi ako."
nanlaki yung mata ko sa narinig ko... yung boses niya... tinanggal ko yung kamay niya sa mata ko at napatingin sa kanya.

"B-bryan..."
naka-disguise siya... ngumiti siya ng malungkot.

"Akala ko nakalimutan mo na ako..."

"Baliw... bakit naman kita kakalimutan?"
bulong ko. Baka makaistorbo kasi kami. Mahirap na. Baka mamaya may mga nagbabantay pala samin.

"Wala... laging si Tyler na kasi yung kasama mo. Huh. Gusto mo na ata siyang mapangasawa eh.

Hindi na ako yung gusto mo..."

"Hindi. Ayoko sa kanya... bakit ba kasi di ka nagpaparamdam ha? Alam mo bang namiss kita?"
nagulat ako nung naramdaman kong dumampi yung labi niya sa labi ko. Buti na lang yung seat namin ni Tyler, nandito sa

dulo. Si Bryan kasi nakaupo pansamantala sa upuan ni Tyler. Sana wag muna siyang bumalik...

"Blinock nila yung cellphone ko at cellphone mo. Tinatawagan rin kita... ayaw talaga nila na magkita

tayo... I'm sorry kung nahihirapan ka..."
niyakap niya ako nun. Sobrang higpit.

He showered kisses all over my face. At hinalikan niya paulit-ulit yung labi ko. Naramdaman kong tumulo yung luha ko...

"Bryan... ikaw lang talaga ang mahal ko... ayokong makasal sa kahit sino... Bryan... ikaw lang

talaga..."

Dinikit niya yung noo niya sakin at tinitigan ako ng mabuti.
"Ikaw lang naman ang mahal ko, Eya. May naisip
akong paraan para hindi nila tayo mapaghiwalay..."

"Ano?"

"Runaway with me..."

"Runaway with you? Saan tayo pupunta?"

"Hindi ko alam... basta, aalis tayo dito. Iiwan ko lahat para sayo. Ayokong mahiwalay sayo,

Eya..."
napangiti ako nun.

"Sure I'll runaway with you... basta kasama kita. Tayong dalawa lang... I love you Bryan..."
tumayo ako nun at dahan-dahan kaming umalis ni Bryan sa movie theater, pagkatapos, sumakay na kami kaagad sa kotse niya.

Mahal na mahal ko talaga siya.

Magkahawak ang mga kamay namin habang nagddrive siya, hinahalikan niya bawat knuckles ko... kahit anong

mangyari samin, mahal ko talaga siya, hindi ko siya iiwan.

Hindi namin kayang magkahiwalay.

Napa-stop siya sa isang beach resort. Maliit lang siya kaya siguro wala namang makakakita samin. Pinark niya yung kotse niya sa loob para hindi mapansin.

Hawak-hawak pa rin niya yung kamay ko papasok ng kwarto, isang kwarto lang muna kami kasi wala na daw

available na iba. Kaya ayun. Buti di nila napansin na si Bryan Lim 'tong customer nila.

Sa loob ng kwarto, nagpalit ako ng daster, yung daster na libre sa beach resort na 'to. Syempre may underwear rin malamang. Si Bryan rin, nakahiga na sa kama. Naka-sando at shorts lang. Pero grabe... ang gwapo niya talaga.

"Lika nga dito..."
hinila niya ako papalapit sa kanya. Niyakap niya ako ng mahigpit.

"Namiss kita Eya. Kung alam mo lang... halos mamatay na ako kakaisip sayo..."
napatingin naman ako kay Bryan na nakatingin rin sakin.

"Namiss din naman kita... akala ko, ayaw mo na sakin. Akala ko, okay na sayo na kayo ni Princess ang

ikakasal..."

"Tss... hindi ah. Yung babaeng yun? No way. Ikaw lang..."
nakatingin lang kami sa isa't-isa. Hindi ko alam kung bakit, bigla ko na lang dinikit yung labi ko sa kanya.

"Mahal na mahal kita Bryan... ayokong mahiwalay sayo... hindi ko kakayanin..."

"Mahal na mahal din kita, Eya. Wag tayong maghihiwalay... hindi ko rin kakayanin..."
at dahan-dahan niyang nilapit yung mukha niya sakin at hinalikan ako ng matagal... punong-puno ng pagmamahal... I really love him so much...

Pagkatapos nun, humiwalay ako kaagad nung hindi na ako makahinga. Nakangiti lang siya sakin. Pero naging seryoso ulit pagkatapos ng ilang segundo.

"Eya..."

"What?"

"Let's make a baby..."
bago pa ako makapag-react sa sinabi niya...

... he pushed me on the bed and kissed me... harder, more powerful than before...

69.

Eya's POV

"Eya..."

"What?"

"Let's make a baby..."
bago pa ako makapag-react sa sinabi niya...

... he pushed me on the bed and kissed me... harder, more powerful than before...

Hindi ko alam kung bakit hinahalikan ko siya pabalik. At ginagantihan ko ang mga halik niya... alam ko mali 'to.

Pero... my god...

Nalulunod na ako sa halik niya...

He circled his arms around my waist. At pumaibabaw siya sakin... I circled my arms around his neck too, and we continued kissing...

Hindi ko namalayan na tinanggal na niya yung sando niya. His abs... bago ko pa mapagmasdan yun, he continued

kissing me... he slipped his tongue and he deepened the kiss.

I'm lost... lost with him...

I love him so much I think I would die not being with him... kung ang pagkakaroon ng baby ang solusyon para di kami magkahiwalay...

I think I'll agree to the plan...

Nilapit ko pa siya sakin... I intertwined my legs around his. Wala na... lunod na lunod na ako...

Hinalikan niya na rin yung leeg ko... nagulat ako nung nakahawak na siya sa strap ng daster na suot ko... dahandahan niyang ibinababa hanggang sa may gitna ng braso ko...

I felt something twitched between his legs... ano yun?! O.O

Bumalik ako sa realidad at mukhang siya, bumalik na rin.

Nagkatinginan lang kami. At, totoo ba 'tong nakikita ko ngayon?!

He's... he's blushing? I made the superstar blush?!

Hinalikan niya ako sa noo at tumayo. Napagmasdan ko pa ng sandali yung katawan niya bago niya i-suot yung sando niya... pervy mode~! Eh kasi ang hot niya talaga!

Huwaaaaa... pero anong nangyari kani-kanina lang?

Tumingin siya sakin at binigyan ako ng apologetic smile.
"Sorry wifey... ikaw kasi... CR lang ako."

Hinayaan ko na lang siya, Umayos ako ng upo. Itinaas ko na yung strap ng daster ko. Shet... nakakahiya talaga

kanina! To think na pumayag yung isip ko... eh ang bata pa namin...

Lumabas siya maya-maya at umupo sa kama. Hinila lang niya ako papalapit sa kanya at niyakap ako ng mahigpit.

"Yayakapin muna kita ha? Sa sahig na lang ako matutulog mamaya..."

"Huh?! Wag na... malaki naman 'tong kama oh. Tabi na tayo..."

"Aish... Eya, lalaki ako. Babae ka... bawal pa..."

"Wala naman tayong gagawing masama ah?"

"Tss... kanina nga eh. Muntik-muntikan na."
iniwas niya yung tingin niya sakin. Problema nito?

"Di naman natuloy. Kasi, alam natin limitations natin. Kaya wag ka na mahiya... tabihan mo na lang

ako. Okay?"

"Tss... okay."

"Pero Bryan... may kasalanan ka pala sakin!"

"Ano yun?"

"Ano yung 'let's make a baby' na sinasabi mo kanina?! Nakakainis ka! Bigla ka na lang bumabanat ng

ganun! Yan tuloy!"

"Yun lang naman naisip kong plano eh! Para hindi tayo mapaghiwalay!"

"Alam ko yun! Na-figure out ko yun kanina! Kaso Bryan naman! Mga bata pa tayo! Gagraduate pa

lang tayo ng high school!"

"Tss! Sorry ah?! Naisip ko lang naman na kung may baby na tayo, hindi na kayo ipapakasal ni Tyler!"

"Paano career mo? Hindi mo naisip yun?"

"Tss... ikaw priority ko! Pati magiging anak natin!"
binatukan ko nga ng malakas.

"Baliw ka talaga kahit kelan!"

"Mahal mo naman."
sabay ngiti niya ng nakakaloko.

Hays... kapag tinititigan ko pa lang siya. Iniisip ko pa lang na hindi siya yung mapapangasawa ko... sumasakit na kaagad puso ko...

"Hubby..."

"Bakit wifey?"

"Ayos lang ba sayo na iwanan lahat? Ikaw na nagsabi... let's runaway. Pero, saan tayo pupunta?

Makikita at malalaman nila kung nasaan tayo. Malamang, ipapahanap nila tayo. Yung kasal pa namin

ni Tyler. The day after tomorrow pa..."

"Alam ko wifey... alam ko..."

"Ano na ngang mangyayari satin?"
hinalikan niya ako sa noo.

BOOK: Ang Boyfriend Kong Artista
9.97Mb size Format: txt, pdf, ePub
ads

Other books

Throy by Vance, Jack
The Endearment by Lavyrle Spencer
The Wind and the Spray by Joyce Dingwell
Not That Easy by Radhika Sanghani
IntheArmsofaLover by Madeleine Oh
Whisperings of Magic by Karleen Bradford
See Tom Run by Scott Wittenburg
Bus Station Mystery by Gertrude Warner
Break On Through by Ridgway, Christie