Ang Boyfriend Kong Artista (74 page)

BOOK: Ang Boyfriend Kong Artista
8.02Mb size Format: txt, pdf, ePub

“You seem to like her for Bryan too. I like her for our son.”
sabay smile sakin ni mom.

“Yes. I do think na bagay sila ng anak natin. You picked a very, honest girl, son.”
sabay tapik sa braso ni Bryan.

Napangiti ako nung nakita kong nag-loosen up sila pareho. Nagsimula na silang mag-usap. I think maaayos naman

nila ang relationship nila as father-son.

“How I miss this.”

“Uhm... ano po?”
sabi ko kay mom.

“I just... missed this bonding between our family. Sayang lang at wala si Tyler ngayon dito... at si

Bettina.”
mahina niyang sabi.

“My deepest condolence po mom...”
ngumiti siya.

“Thank you. Do you know that you're like Bettina? She's honest and care-free too.”
naalala ko tuloy yung sinabi ni Bryan dati na parang ako daw yung kapatid niya.

“So... I see na close na kayo ni Elise.”
nagulat naman ako sa dad ni Bryan.

“Yes po tito.”

“Oh, you can call me dad.”
sabay ngiti sakin ni... ni dad...

HUWAAAAA! Tanggap na nila ako? Huwaaaaa kinikilig ako!

“S-sige po... dad.”

“You know, we should meet your parents too. Pag-usapan yung wedding...”
muntik na akong mabilaukan

sa sinabi niya.

“A-ano po?!”

“Well, syempre bawal pa kayong i-kasal hanggang sa di pa kayo gumagraduate... pero kasi 'tong si

Bryan, na-suggest niya lang. Well, we could talk to your parents for the arrangements after four

years...”

Oh my god. Bakit ganun? Huwaaaa! Kinurot ko kaagad si Bryan

“Uhm... dad? I appreciate the effort po... pero masyado pa pong maaga I think?”

“Hahaha! Hahaha!”
hala... anyare?

“Bakit po kayo tumatawa?”

“You're really brutally honest. And I like it. Now I know kung bakit ka nagustuhan ng anak ko.”
sus

akala ko naman. (_ _)

“Akala ko po kasi seryoso po kayo dun sa wedding thingey...”

“Well, seryoso kami dun. Right Elise? Right son?”

“I agree.”
sabay ngiti ni mom sakin.

“Yeah. Me too.”
sabay wink sakin ni Bryan.

HUWAAAAAA BAKIT GANUN ANG PAMILYA NILA?! HUWAAAAAA! TT_TT

Hindi na lang ako nagsalita. Huwaaaa. Na-corner ako. Gusto ko syempre ikasal kay Bryan. Kaso... nakakailang lang at pinag-uusapan na kaagad yung future...

Hindi sa nag-iinarte ako ah. Ayoko lang pangunahan ang destiny. Oo, naniniwala ako dun.

“So, Daniella. About your parents. Sa tingin mo papayag sila?”

“Di lang po ako sure...”

“We need to talk to them Bart. We need to thank them for giving Eya, our future 'daughter-in-law' to

our son, Bryan.”

OH NO... NAKAKAHIYA... HUWAAAAA. AKO NA NAMUMULA AT NA-FFLATTER... (_ _)

“Mom, dad, I already met Eya's mother and her brother. Mababait po sila.”
sabi ni Bryan.

“Ganun ba? Then I can't wait to meet them. Nasaan ba sila?”

“Yung mom ko po, nasa Europe. May business po sila ng tita ko.”

“Oh, that's good! How about your dad?”

Biglang nanikip yung dibdib ko.

“He's already dead.”

“I'm so sorry to hear that.”
medyo tumahimik. Nailang siguro. Hays...

“Nako. Wala naman po yun.”
sabi ko na lang.

“Do you miss him? Your dad?”

“Opo. Everyday. Minsan nga po naisip ko, paano po kaya kung buhay pa siya ngayon? Paano po kaya

kung... kung hindi na-delay yung pag-uwi niya? Paano po kaya kung hindi siya namatay dun sa fire

accident? I just keep wishing... everyday... na sana hindi na lang siya sumugod dun sa fire accident na

yun. Hindi naman po kasi siya on-duty nun... gusto lang niya tumulong nun kasi... my dad loves to

help in every possible way. He sacrificed himself for them.”

“We're really... really sorry to hear that, Daniella.”
sabi ni dad. Nagnod lang ako.

“Okay lang po... hindi naman po ako selfish. I understand that situation. Pero naisip ko lang po

talaga... parang nabalewala lang po yung dad ko kasi he died without even saving the victim.

Nakwento lang po samin nung ka-trabaho ng dad ko dun.”

“Wait... hindi naligtas?”

“Opo. Namatay din po kasi yung girl... supposedly daw po, pinuntahan ng dad ko yung victim sa

kwarto dahil naka-lock yung room nung girl. Gusto pong maligtas ng dad ko kaso... kaso lang po,

wala eh. Na-suffocate.”
hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong nagkwento. Pero gumaan ng konti yung pakiramdam ko. Ang daldal ko siguro. (_ _)

Pero bakit ganun yung expressions nila mom and dad? Para bang... ang lalim ng iniisip nila? Tapos nagtama yung paningin nila. Para bang they're having a conversation between them? Ano ba yan, ang dami kong napapansin.

“Uhm... Daniella?”

“Yes mom?”

“Your dad... saan siya nagtrabaho before? Sa ibang bansa ba?”

“Uhm... opo.”
ehhh? Bakit nila tinatanong. Baka na-curious lang sila. Oh well.

“Saan? Sa U.S?”

“Yes po. Sa Peyton, Indiana yung exact place.”
biglang nanlaki yung mata nila. Napatingin ako kay Bryan, nanlaki din yung mata niya. Anong nangyayari?

“What's your dad's name. Daniella?”
seryosong tanong ni dad. Aish... ano ba yan. Nakakatakot siya ngayon.

Seriously.

“Danny. Danny Alvarez.”

“If, by any chance, is your dad a member of the Indiana Local Firefighter's association?”
napaisip ako

dun. Alam ko, na-mention yun ni dad samin nila mom at kuya nun. Pero teka!

“Opo! Member nga po siya nun. Pero paano niyo po nalaman yun? Do you know my dad?”

Hindi nila ako sinagot. Bigla lang silang nagtamaan ng tingin at parang nag-uusap sa titig nila. Napatingin ako kay Bryan. Si Bryan, parang ako din, naguguluhan.

“Mom, dad, why are you suddenly curious about Eya's dad? Did you know him?”
hindi siya pinansin nila

mom and dad. Imbes, sa akin lang sila nakatingin.

“When did your dad died?”

“September 13, 2009. Bakit po?”

Nagulat ako nung bigla nilang hinawakan yung dalawang kamay ko at nag-bow sakin.

“We're very sorry Daniella...”
huh? Bigla akong kinabahan sa sinabi nila.

“Bakit po? Did you know my dad before?”

“No...”

“Bakit po kayo nagso-sorry? May nagawa po ba kayong atraso sa dad ko?”

Napabuntong-hininga silang dalawa.

“Yes. Your dad is the firefighter who died because of the fire accident in our house two years

ago.”
biglang nanlamig yung pakiramdam ko. Para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko.

“You mean... you mean... si Bettina... at yung dad ko... parehas ng dahilan kung bakit sila namatay?”

Hindi sila nagsalita nun. Hindi ko din alam ang nararamdaman ko nun. Grabe lang... hindi ko talaga alam. Ano ba ang totoo? Ano ba talaga?

“Answer me, please!”

“We're very sorry...”
so... confirmed nga.

Yung dad ko yung nag-try mag-save kay Bettina dati... dati... dun sa sunog dahil sa party ni Bryan... sa party niya... sa party niya kung saan nawalan ako ng ama.

“Eya. I swear hindi ko alam...”
sabay yakap sakin ni Bryan. Hindi ko talaga alam ang iisipin ko... para bang na-freeze ang utak ko... nag-replay lang sa utak ko yung sinabi nila sakin ngayon...

“Yes. Your dad is the firefighter who died because of the fire accident in our house two years ago.”

Namatay ang tatay ko nun... accidentally... just because of that fire accident...

Diba tanggap ko na dapat? Diba dapat, masaya ako kasi alam ko na pamilya naman nila Bryan yung pinilit na iligtas ng dad ko?

Bakit ganun? I feel... betrayed...

Tumayo na ako nun at pinilit ngumiti.
“I have to go na po. Thank you po sa dinner.”
at tumalikod na ako para umalis na sa restaurant na yun.

“Eya! Wait!”
nagulat ako, sinundan pala ako ni Bryan.

“What?!”

“Hatid na kita. Mukhang hindi ka okay...”
nagpunas lang ako ng luha.

“I want to be alone. I need time... to think... Sorry.”
saka ako tumakbo papalayo sa kanya at sumakay na ng tricycle.

Mukha na siguro akong baliw dito sa tricycle driver na 'to... ang lakas ng iyak ko, yung mascara ko, kalat na sa mukha ko, ang gulo ng buhok ko, tapos kanina tumakbo pa ako eh naka-heels ako... pero wala na akong pakielam. Basta...

ang gulo ng utak ko... hindi ko na alam...

“Saan po miss?”

“Sa... south cemetery po...”
I need to think. I need to talk to my dad...

Kasalanan ko ba kung magalit ako kahit konti man lang sa pamilya nila? Yung pamilya nila na dahilan ng pagkawala ng bestfriend ko, ng kuya ko, ng daddy ko?

66.

Bryan's POV

!@#$... !@#$... !@#$!

*blaaaaaaaaaaaaag!*

“Anak ano ba?! Calm down!”
!@#$ !@#$ !@#$!

Umupo na lang ako dahil ayokong gumawa ng eksena dito.

“Dad, mom...what is that?! Totoo ba yun? May proof ba kayo?”

“Anak, based on what she knows and what we know, tatay talaga ni Daniella yung firefighter.”
sabi ni

mom.

“We're sorry. Coincidence lang lahat 'to. It seems na may utang na loob pa tayo sa kanya.
” sabi ni dad.

Napasinghap ako.
“Utang na loob? Naligtas ba niya yung kapatid ko? Hindi naman diba?”

“Anak, kahit nabigo yung tatay ni Eya na sagipin yung kapatid mo, namatay pa rin siya. Atsaka, ano

ba? Hindi ka makapag-isip dahil sa galit mo!”
tss... tama nga naman si mom.

Argh! Bakit ba parang sinisisi ko pa yung tatay ni Eya sa nangyari sa kapatid ko? Eh samantalang... ako nga yung may kasalanan. Diba?

“Oo nga pala. Ako nga pala yung may kasalanan. Diba dad?”
sabi ko kay Papa bigla.

“Anong ibig mong sabihin?!”

“You hate me dad for having that party? Right?!”
naiinis na talaga ako kaya bigla ko na lang sinabi ang mga salitang yun.

Tumayo naman bigla si dad.
“I never blamed you for Bettina's death. Sorry kung hindi kita nabibigyan ng

pansin. Pero alam mo namang anak kita. Hinding-hindi kita sasaktan. Itatak mo yan sa isip mo

Bryan.”
saka lumabas si dad...

“Anak, bakit mo sinabi yun sa dad mo? Kaya lang siya nagiging busy sa trabaho niya dahil yun ang

way niya para makalimutan niya ang nangyari sa kapatid mo. Intindihin mo na lang.”

I sighed.
“Sorry ma...”

“Ako na lang ang mag-sosorry sa dad mo para sayo. Alam ko namang hindi mo sinasadya yun.”

“Thanks ma... sorry din for blaming Eya's dad. I mean... those accidents happen right? Para tuloy na

kasalanan ko pa yung pagkawala ng dad niya. Naguguilty ako...”

“Just say sorry to her and talk to her. Okay? I know magkakaayos rin kayo. Kung tutuusin, blessing in

disguise na rin yung nangyari.”

“Why ma?”

“Nakilala niyo ang isa't-isa. At alam naman ni Bettina at ng dad niya na masaya kayo. Kaya go to her,

son. Find your own happiness.”
napangiti ako nun.

“Thanks ma.”
tumayo ako nun at hinalikan sa pisngi si mom.

Tumakbo na ako paalis sa restaurant at pinuntahan siya sa lugar na alam kong pupuntahan niya.

I know her a lot. And I know that she wants to talk to her dad...

And I hope she will talk to me too.

Umiiyak ka ba, Eya? Nalulungkot ka ba?

Hindi ko talaga alam yung nangyari... pero aayusin natin 'to. Aayusin natin.

–---------------------------------------

Eya's POV

“Dad. Alam mo ba? Namimiss na kita... namimiss na namimiss na kita...”
nagpunas ako ng luha.
“Siguro
masaya ka na diyan? Ilang taon na rin pa... alam mo ba, may nalaman ako. Ikaw pala yung firefighter

na gustong iligtas yung kapatid ni Bryan... alam mo ba pa, nalulungkot ako. Bakit ba ganun? Ang

unfair mo? Hindi ka naman on-duty nun eh... pero pinilit mo pa ring sagipin si Bettina.”
nagpunas ulit ako ng luha at umupo ng maayos, hawak-hawak ko yung lapida ni papa. Hinihimas ko... kasi alam ko nakikinig siya sakin.
“Pa? Tell me... tama bang magalit ako sa pamilya ni Bryan? Kasi, kung hindi lang dahil sa party

na yun... hindi ka mawawala samin... hindi mawawala yung taong alam ko mahal ako...”
nagpunas ulit

ako ng luha.
“Ang drama naman ng buhay ko pa... may boyfriend akong artista, tapos yung kapatid

pala nun yung dahilan kung bakit ka namatay... magkasama ba kayo diyan? Sa tingin mo ba, pa...

dapat hindi ko isisi sa kanila yung nangyari sayo?”
napatigil ako sa pag-iyak nung napansin kong umuulan na ng malakas. Nababasa na rin yung puntod ni papa. Pero bakit ako, hindi nababasa?

Other books

Murder on the Candlelight Tour by Hunter, Ellen Elizabeth
Dame la mano by Charlotte Link
Nazareth's Song by Patricia Hickman
Stories from New York #3 by Elizabeth Cody Kimmel
The Lonely Living by McMurray, Sean
Updraft by Fran Wilde
My Sort-of, Kind-of Hero by Harper, Emily