Ang Boyfriend Kong Artista (72 page)

BOOK: Ang Boyfriend Kong Artista
5.76Mb size Format: txt, pdf, ePub

* picture is attached here*

“T-tyler... tell me. This picture is fake, right?”
nanginginig kong sabi. Shocked ako sobra... ano... ano 'to?

“I don't think this is fake. My dad and my stepmom is in this picture. So... possible na nagkaroon

talaga sila ng dinner kagabi... I'm sorry Eya.”

“Haha... bakit ka naman nagsosorry sakin?”
nagttremble na ako.
“A-actually, alam ko naman na... na

ano eh! Na magkakaroon sila ng dinner kagabi.”
geez, sige Eya! Magsinungaling ka lang...

“Talaga?”
tinignan ako ni Tyler sa mata. Aaaargh. Feeling ko kinakaawaan niya ako... amp. Naluluha na ako. Sa inis.

Sa frustration. Sa confused feelings na nararamdaman ko!

“Hindi. Hindi ko alam! Ano? Masaya ka na ba?”
tumulo na yung luha ko.
“H-hindi ko nga alam kung

mahal niya pa ako eh! A-anong article yun? Bakit ganun? Our relationship is not that strong? Letse

kasi eh! Busy siya! Miss na miss ko na siya...”
lumapit sakin si Tyler at bigla akong niyakap ng mahigpit.

“Shhh... don't cry. I'm sure there's a reason kung bakit nasa dinner sila. Okay?”

“Pero kasi...”
hinalikan ako ni Tyler sa forehead ko. Buti pa siya, nandito para sakin...

“Shhhhhh...”
patuloy akong humagulgol sa dibdib ni Tyler. Bakit ganun?

Posible bang makikipag-break siya sakin dahil kay Princess?

62.

Bryan's POV

“!@#$!”

“Bryan, calm down. It's just an article. Nakapag-explain na naman ako sa press at media na

nagdidinner lang kayo ng family niyo kagabi, bigla lang dumating si Princess to say 'hi'. Pure

coincidence lang. Okay? Now. Stay calm.”

“Tita K... salamat.”
sabay yakap sa manager ko.

“Haha! No problem. Kasi naman, ayaw na ayaw mo naman pala na ma-misunderstand ng girlfriend

mo ang nangyari kagabi, bakit hindi mo man lang tinawagan?”

“Tita K naman... masumpungin lang talaga yun at mahilig magtampo. Hindi ko siya natawagan kasi

wala lang naman yung dinner na yun.”

“Alam niya bang nakauwi na yung parents mo?”

“Hindi... hindi ko pa nasasabi.”

“Bakit?”

I sighed.
“Is it really important?”

Tumawa siya.
“Mahirap talaga kapag first time pa lang magka-girlfriend! Ikaw talagang bata ka...

kailangan mo na rin maging open kay Eya about everything. In that way, you'll learn to trust each

other. Right?”

“Okay. !@#$... mali nga ako.”

“Sundin mo ang advice ko. Not as a manager, but as a friend.”
sabay smile niya.

“Okay okay. Thanks Tita K... mauna na ako ha? I need to explain to her in case nakita niya yung

article sa mga newspapers. Mahirap na...”

“Haha! Sige goodluck Bryan!”
umalis na ako ng office niya at nagdrive na papuntang bahay nila. Tinext ko siya, di nagereply. -_- Hays!

Tinext ko na lang si Errick. Tinanong ko kung nasaan si Eya. Sa park daw? I u-turned the car kahit bawal. Oo reckless driver ako. Sorry ah. Kailangan ko lang talaga makita ang babaeng yun. I miss her!

Ng nasa park na ako, pinark ko yung kotse at lumabas na. Pero syempre naka-ayos na yung disguise ko. Mahirap na...

ayokong madumog ng fans.

Naglalakad-lakad ako ng biglang may nakita akong lalaking nagtitinda ng newspaper. !@#$!

“Manong. Bibilhin ko na po lahat yan.”
medyo nanlaki yung mata nung manong pero binigay naman sakin

lahat ng newspaper na tinitinda niya.

“Nako iho! Salamat!”
inabot ko sa kanya yung pera.
“Iho, matanong ko lang, bakit binili mo lahat ng
tinitinda ko? Siguro ito ay dahil dun sa maginoong bata na balitang-balita na pinakilala ang kanyang

babaeng ka-love team sa magulang niya? Tama ba ako iho? Pati yung babae kanina at ang kasama

niya sobrang interesado sa balita eh. Naalala ko tuloy ang kabataan ko...”

“Teka lang manong! Anong sabi niyo? Babae?”
hindi kaya...

“Ah? Oo! Yung babae na may kasamang lalaki kanina... hmm. Kamukha yun ng lalaking balitang-

balita ah? Bryan Lim ba? Pasensya na iho matanda na ako...”
pagkarinig ko nun. Tumakbo na ako kaagad

dala-dala yung newspapers na nabili ko. Pinagpunit-punit ko muna yun at saka itinapon sa garbage can. Tama lang yun. Some articles are rubbish.

Tumakbo ako ng tumakbo. Nasaan ba si Eya? Napatigil muna ako sandali... hingal na hingal ako. Fck. Pagtingin ko sa gilid... !@#$!

Si Eya, umiiyak. Hawak-hawak yung newspaper. Nakita niya na? Fck!

Lalapitan ko na sana kaso lang... niyakap siya nung lalaking kasama niya saka... saka siya hinalikan sa forehead...

At ang lalaking yun, ang sinasabi ni manong kanina na kamukha ko... walang iba kung hindi ang kapatid ko.

DAMN IT! Sa inis ko... tumalikod ako at naglakad pabalik sa kotse. !@#$ talaga!

Nagdrive ako ng mabilis. Inis na inis ako. Bakit ganun? Ginagago ba ako ni Tyler? Gumaganti ba siya sakin? Bakit?

Dahil ka-love team ko yung nambasted sa kanya? Oo alam ko... yun ang dirty secret ni Princess. Alam ko niloko niya ang kapatid ko. Pero, wala akong pakielam! Labas kami ni Eya dito! Bakit ba sila nanggugulo? Dapat masaya lang kami ni Eya diba? Dapat--

*screeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeech!*

“Oh my gosh! Help him!”

“Call 911! May car accident na naganap!”

“Duguan... !@#$! Dali na tulungan niyo!”

“Dalhin na natin sa ospital!”

“Is he dead? He's still breathing!”

“Oh my god help him! Call an ambulance!”

I'm sorry... Eya... I'm sorry...

63.

Eya's POV

It's just an ordinary morning sa bahay. Kami lang ng sister ko nandito, hays. Ni hindi man lang tumawag si Bryan para magpaliwanag! What an ass. Hindi ko tuloy maisip kung anong gagawin ko. Kung maniniwala ako dun sa news...

may nafifeel akong mali. Hindi ako mapakali. Hindi talaga..

“Ate! Luto na yung food! Kuha ka naman ng mga plato.”
sinunod ko yung sabi niya kaya pumunta akong

dining room at naglabas ng plato. Kaso sa kamalas-malasan nga naman. Bigla ko na lang nabitawan yung platong

hawak ko.

Tulala ako habang pinagmamasdan ko yung nabasag. Hindi ko alam kung bakit pero bigla na lang akong kinabahan...

parang yung puso ko sasabog any minute. A-ano bang nangyayari?

“Ate! Ano? Bakit ka nakatulala? Oh my...”
lumapit siya sakin.
“Ate umalis ka baka mabubog ka. Ako na
maglilinis.”

“Hindi ako na.”
sinimulan ko ng linisin yung kalat. Hindi talaga ako mapakali.

Habang kumakain kami, hindi talaga ako mapakali. Ewan ko ba, napaparanoid na ba ako? Argh...

*ring ring*

CALLING: TYLER

Huh? Bakit naman siya tatawag?

“Hello Ty? Oh bakit?”

“Eya... go to St. Lukes Medical Center now. Bryan...”

“A-anong nangyari kay Bryan?!”
biglang sumikip yung dibdib ko.

“He got into a car accident. Room 404 siya. Kahapon pa pala siya na-confine, may mga nagdala sa

kanya dito.”

“Okay okay. Papunta na ako dyan.”
pinatay ko na yung call at nagmadali ng lumabas ng bahay.

Habang nasa taxi ako... di ko mapigilang mag-alala! A-ano bang nangyari sa kanya? Bryan naman eh... he's not a reckless driver! What happened?

Bumaba na ako kaagad ng taxi pagkatapos kong magbayad at tumakbo papasok ng hospital. Marami pa akong nakita

na mga taga-media nasa labas ng hospital. Sana hindi kritikal si Bryan... sana!

Sumakay na ako ng elevator at pinindot yung 4th floor button. Room 404... Room 404...

Paglabas ko, nakita ko kaagad si Tyler, yung manager ni Bryan, at si... Princess.

Lumapit ako kaagad sa kanila.

“Kamusta na po si Bryan?”

“Hinihintay lang namin yung doctor, Eya.”
nagnod ako. Kinakabahan pa din.

“Ano bang nangyari Tyler?”

“He got into a car accident yesterday. Duguan daw na dinala rito.”

“Yung... yung parents niyo? Nakita na siya?”

“Nasa US na sila ulit kahapon pa, Eya. Pero nainform ko na naman sila. Uuwi sila kaagad para ma-

check ang kalagayan ni Bryan.”
nagnod ulit ako.

“Pero, saan daw siya naaksidente?”

“Sa park.”
nanlaki yung mata ko sa sinabi niya.

“S-sa park? P-paano nangyari yun?”

“Pupuntahan ka dapat niya kahapon para magpaliwanag kaso di ko alam bakit nagkaroon siya bigla

ng car accident.”
sabi ni Tita K.

Magpapaliwanag siya sakin? Ang tanga ko! Pero bakit hindi siya nagpakita sakin kahapon? I trust him... he knows I trust him...

“Maybe he saw you, Daniella. Pero siguro hindi na lang kayo inistorbo ni Tyler. Magkasama kayo

kahapon sa park, diba?”
sabi ni Princess ng naka-smirk. Anong pinapalabas niya?

“Princess. Shut up.”
sabi ni Tyler sa kanya.

“Eh totoo naman diba?”

Hindi ko na lang pinansin. Ayoko makipag-away. Nag-aalala ako. I doubted him. Wala akong kwentang girlfriend. I should trust him. And what did he say? Wag akong sasama sa ibang lalaki? Pero anong ginawa ko? Hindi ko man lang inisip yung mararamdaman niya kapag nakita niya kami ni Tyler na magkasama. Kung nakita niya nga kami... alam

ko wala kaming ginagawang masama. Pero nung nakita ko nga sila ni Princess na magkasama, nahurt ako diba?

Paano pa kaya kung siya?

Biglang bumukas yung pinto at lumabas yung doctor. Salamat naman!

“Are you the relatives of Mr. Bryan Lim?”

“Yes doc!”

“Well, he is healing now. Nagkaroon lang siya ng cuts broken bones and he has a fracture on his right

arm. He bumped his head on his car window but the impact is not that hard. Kailangan niya lang

magkaroon ng examination. But otherwise he is fine, kailangan niya lang magpahinga.”
nakahinga ako

ng maluwag dun.

“Doc, gising na po ba siya?”
pag-aalalang tanong ko.

“Yes. He is awake. You could talk to him pero as much as possible, bawal mapagod yung pasyente.

Magsstay pa siya for a week in case may maramdaman pa siyang sakit sa katawan.”

“Salamat doc.”

“No problem.”
at umalis na yung doctor.

Pumasok na kami sa loob ng room niya at nakita ko si Bryan, maraming benda. Naiiyak ako. Ang sakit siguro ng

naranasan niya. Sana hindi siya magkaroon ng traumatic disorder.

“Bryan, okay ka na?”
tanong ni Tyler sa kanya. Hindi pa ako makapagsalita, feeling ko kasi magbbreak-down ako any minute...

“Yes. I think I am. What happened?”

“You got into a car accident, Bryan.”
umupo si Princess sa tabi ng boyfriend ko. Nakakainis ah!

“Really? Teka... paano yung movie premiere?”

“Movie premiere is two weeks from now, Bryan. One day ka pa lang na-confine dito.”
sabi naman ni Tita

K. I wonder... bakit yung movie premiere kaagad yung tinatanong niya?

“Ganun ba? Okay. I thought matagal na akong na-confine.”

Eya... magsalita ka naman! Sige na nga...

“Bryan...”
lumapit ako sa kanya at hinaplos yung mukha niya.
“Hubby... maayos ka na ba talaga? Wala ka
bang nararamdamang masakit? Ha? Sabihin mo lang hubby tatawag tayo ng nurse.”
nakatitig lang siya

sakin.

“I'm fine... but...”

“But? Ano may masakit ba sayo? Sabihin mo lang!”

“Who are you?”

64.

Eya's POV

“Who are you?”

A-ano daw?

“Huh?!”

“I said... who are you?”
sabi niya habang nakatitig pa din sakin.

Oh no... wag mong sabihing...

“Huh?! Wag ka namang magjoke ng ganito! Bryan naman eh...”

“Sorry miss pero... are you one of my fans?”
tumingin siya bigla kay Tita K.
“Bakit nagpapapasok kayo ng
hindi ko kilala?”

Nanlamig ako bigla sa sinabi niya. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko... h-hindi niya ako... kilala? Hindi niya ako maalala?

“Bryan naman eh... hindi mo ako maalala?”
nakatingin pa din ako sa kanya nun. Nakatingin din siya sakin with curious eyes... huwaaaaa!

“Miss, sino ka ba kasi?”

“Hindi mo na ako maalala? Teka lang... Tyler! Ano bang nangyayari?”
tanong ko sa kanya. Nag-shrug lang siya.

“Baka kasi nakalimutan ka na niya dahil... hmm... hindi ka importante sa kanya?”
sabay smirk ni

Princess. Grabe, ang kapal!

“Hoy. Kung makapagsalita ka akala mo kung sino. Loveteam ka niya! Ako, girlfriend! Umayos ka nga

kundi papatulan talaga kita!”
nanlaki naman yung mata niya at nagsmirk.

Other books

Better Off Friends by Elizabeth Eulberg
Frozen Vengeance by Evi Asher
Waiting to Believe by Sandra Bloom
Believe or Die by M.J. Harris
Christmas Wishes by Kiyono, Patricia