Read She's Dating the Gangster Online

Authors: Bianca Bernardino

She's Dating the Gangster (34 page)

BOOK: She's Dating the Gangster
3.6Mb size Format: txt, pdf, ePub
ads

Christmas eve.. hinde naman niya kelangan pumunta eh. kahit na sinabihan siya ng mom ko oh ng kung sino man.. he doesn’t need to go. Pero bakit? Bakit siya pumunta??”

Hinde ko na kinailangan pang tanungin dahil obvious naman na si Kenji yung tinutukoy niya.

“Nagsayaw kami.. tapos niyakap niya ako.. sinabi niya pa nga yung magic word eh.. pero bakit ganun?

Bakit ang sakit?”

“Walang masama kung iiyak ka..”

Tumayo siya bigla tapos tumalikod sa akin. Tumayo rin ako tapos tiningnan ko sya nag pupunas na siya ng luha niya. nasasaktan na naman siya, hinde ko pa rin siya maprotektahan.

“Pagod na kong umiyak.. Pagod na pagod na rin ako.. Pati nga puso ko pagod na eh..”

Humarap ako sa may dagat para makaiyak na siya halata namang nahihiya siyang magpakita sa aking

umiiyak eh. Naramdaman ko bigla yung yakap sa akin ni Athena habang nakatalikod ako.

“Ano ba kasi yung nangyari?” hiigpitan niya yung pag yakap niya sa akin.

“After nung party.. pagka hatid sa akin ni Kirby.. nandunsi Kenji hinihintay ako. May dala siyang beer tapos niyaya niya akong mag usap. Hinde naman ako maka tanggi kasi naghintay siya eh..”

Dahan dahan niyang tinaggal yung kayap niya sa akin tapos umupo. Umupo naman ako sa may tabi niya.

hinde pa rin siya tumatahan. Tuloy pa rin yung pag iyak niya.

“Ang tagal bago siya mag salita.. tapos nung nagsalita na siya ang sabi niya, ‘bakit ganun? Ako naman may gusto nito eh, pero bakit ganun?’ ako naman siyempre naexcite.”

Nagpunas siya ng luha. Nakatingin lang siya sa may tapat at patuloysa pag punas ng luha.

“Hinawakan niya yung kamay ko.. tapos sinabi niyang ‘Athena hinde ko na kaya..’ siyempre tumaas

expectations ko.”

Napatingin ako sa kanya. Gusto ko na kaagad marinig yung kasunod niyang sasabihin dahil naka ngiti siya. Siguro nakipag balikan na sa kanya si Kenji.. kasi parang ang saya na niya ngayong moment eh.

Tumingin siya sa akin habang nakangiti pero tumutulo pa rin yung luha niya, “Lumuhod siya sa tapat ko Lucas..”

Hinde ko mapigilan yung sarili ko, kelangan ko ng malaman. “Tapos..?” tanong ko sa kanya.

“Tapos sinabi niyang..”

‘Please lumayo ka na sa akin. Ayaw na kitang makita Athena.. Gusto na kitang kalimutan..’

Chapter THIRTY EIGHT
Lucas' POV

Napatingin ako sa likod ko kasi napansin kong napatigil sa pag sasalita si Athena. Nakita ko si Abi at Kenji naglalakad papalapit sa amin. Pero malamang hinde pa nila kami nakikita dahil dirediretso lang sila sa pag lalakad.

“Ano na yung sinabi ni Kenji?” mahina kong tinanong kay Athena

Habang nakatingin siya kela Kenji ngumiti siya tapos umiling, “Wala. Pinipilit niya lang akong tulungan ko siya sa dapat niyang gawin dahil nga may sakit daw si Abi. Psh.”

“Sa totoo lang Athena..” napatingin siya sa akin, “May stomach cancer si Abi..”

Nanlaki yung mata ni Athena halatang hinde makapaniwala sa sinabi ko, “Pero.. kelan pa..?”

“Nung mag thithird year niya sinabi sakin. Nung una hinde ako makapaniwala kasi ang sigla sigla niya eh. Tapos napaka biglaan nung pagkasabi niya. walang signs na may sakit siya. Ayaw niyang ipaalam sa iba yung sakit niya, lalong lalo na kay Kenji.”

Napatingin ulit siya kela abi habang nakaupoi, “Kaya ba sila nag break ni Kenji..?”

Tumango ako. “Oo, gusto niyang magalit sa kanya si Kenji kaya humingi siya ng favor sa akin. Gusto niyang maging girlfriend ko siya.”

“So.. hinde mo siya talaga gusto?” tanong niya sa akin. Umiling ako sa tanong niya.

“Siguro nung umpisa kasi dahil sa awa kaya ko siya tinulungan. Kahit na masira yung friendship namin ni Kenji ok lang kasi alam kong balang araw maayos rin un, lalo na pag nalaman niya yung katotohanan.

Pero nung tumagal tagal, napamahal na rin siya sa akin..” Tumingin ako sa kanya, “yun nga lang, hinde ata mutual.”

“So all this time.. si Kenji yung gusto niya?”

“Siguro. Kasi nung nalaman niyang ikaw yung bagong girlfriend ni Kenji pati nung sinabihan kitang

maganda.. nagalit siya eh. Kahit hinde ka niya ganun kakilala galit siya sayo. Ayun nag break kami. Tapos ayun, naging sila ni Gino.. hinde ko nga alam kung pano sila nagkabalikan ni Kenji eh. Ang alam ko ayaw na niyang makipagbalikan pa kasi nga dahil sa sakit niya.”

“People do change..” sabi ni Athena. “Pero bakit nung time na nalaman niyang lumalabas tayo nagalit siya sa akin? Sinampal niya pa nga ako eh.”

“Selfish kasi yun eh. Habang nung tumatagal, nagiging selfish siya dahil alam niyang may sakit siya kaya akala niya lahat mapakanya. Akala niya lahat kanya. Tingnan mo si Gino, alam niyang boyfriend ni Grace yun pero sige parin siya. Spoiled kasi masyado kasi only child siya.”

Tumango na lang si Athena.

“May gusto ka pa bang malaman..?” tanong ko sa kanya

Umiling siya, “Masyado ng marami yung nalaman ko ngayong araw.. Talo na ako eh. Tama na siguro

yun.”

“Wag mo na ngang isipin un. Ay! Mag seseven na! tara punta tayo sa may park dun sa bayan!”

Hinila ko siya patayo tapos nagmadali kaming pumunta sa bayan. Pagkarating namin medyo madaming

tao, hinde ko napansin na may perya at bazaar rin pala.

Tiningnan ko si Athena tapos ang laki ng ngiti niya. Hinila niya ako papunta sa may mama na nagbebenta ng cotton candy.

“Gusto ko nito!!” sabi niya sa akin.

“Oo na! alam ko naman yung ibig mong sabihin eh! boyscout ata to noh!” nilabas ko yung wallet ko at ibinili ko siya ng cotton candy.

Nag ikot-ikot kami sa buong place. Nagpunta kami sa may bazaar na part tapos tumingin ng mga damit.

Habang inaaliw namin yung aming sarili bigla na lang kaming napahinto sa nakita naming dalawa.

May isang babae at lalaki na nag tatalo. Siguro magkasing edad lang kami, o baka mas matanda sila sa akin ng konti. Pamilyar yung itsura nung lalaki sa akin. Parang nakita ko na siya.. Mukha more than friends lang sila dahil seryoso yung mga itsura nilang dalawa. Yung itsura nung babae halatang galit nag alit samantalang yung lalaki naman mukhang guilt.

“Lucas diba yung lalaki yung nakita natin malapit sa may simbahan kanina? Iba kasama niyang babae

eh..”

“Oo, siya nga yun. Sabi ko na nga ba namumukaan ko siya eh!” nagkatinginan kami ni Athena, “Tara

na?”

“Hinde ba natin sila tutulungan? Mukhang wala namang ginawang masama yung guy eh. Kasi narinig

ko yung sinabi niya dun sa kaninang babae. Hinde ba natin sila tutulungan?”

Napatingin ulit kami sa kanilang dalawa. Amp. Narinig niya pa yung pinagusapan nung lalaki kanina! Ang narinig ko nga lang sa pag uusap nung dalawa, ‘mauna na ako.’ jusko parang palagi ko naman naririnig yun eh.

Nagwalk out na yung babae tapos yung lalaki napailing na lang. hinde niya hinabol yung ‘girlfriend’ niya at nanatili na lang kung saan siya nakatayo.

“I’m gonna help them.” Tapos hinabol ni Athena yung girl.

Wala akong ibang magawa kung hinde ang lapitan na lang yung lalaki. Napatingin siya sa akin pagka tabi ko sa kanya.

“Wag kang mag alala. Kinakausap na nung kaibigan ko yung girlfriend mo.”

“Huh? Bakit? Alam niyo ba nangyari?”

Umiling ako, “Hinde. Pero siya alam niya. Narinig niya yung pinag usapan niyo nung isang babae kanina dun sa may simbahan. I’m sure i-eexplain niya lahat ng narinig niya dun sa girlfriend mo.”

“Hinde ko siya girlfriend..”

“Ano?! Eh bakit parang ‘kayo’ kung magaway kayo kanina??”

“Asawa ko siya, sa kontrata.” Napahinto siya tapos umupo sa may mga bangko sa may court, “Wala pa

kasing kasalan na nangyayari kaya eto, nagloloko ako. To make things worst, hinde ko siya talaga gusto NOON.”

Wow. Ume-english siya. Akala ko pa naman pag nasa probinsya ka bihira lang yung mga nag eenglish,

pero eto maayos ung diction niya eh. maganda yung pagkasabi.

“Ako nga pala si Lucas.” Inabot ko yung kamay ko sa kanya para makipag shake hands

Hinawakan niya ito, “Dylan.”

Umupo ako sa tabi niya tapso nag kwentuhan kaming dalawa habang hinihintay yung sila Athena

bumalik.

------------------------------

Beach side

“Gusto ko lang ilabas sayo ung tunay kong nararamdaman.. hindi kasi tayo mag kakilala.. ayoko kasing malaman pa to ng mga kaibigan ko eh.. baka malaman nila na mahina ako..”

“…”

“Sa totoo lang.. nahihirapan na ako eh.. hindi ko alam kung gusto niya talaga ako.. alam mo ba.. mahal ko siya, mahal na mahal. halos kulang na lang mag suicide ako sa tapat niya para lang mapatunayan kong mahal na mahal ko siya..”

“Then tell him that you love him.”

“Hindi ganun kadali un eh.. kahit na mag asawa na kami.. unti unti niya pa rin akong sinasaktan.. sira pala talaga ako eh, legal lang kami, pero hindi mag asawa turingan namin.. sa tingin mo kung sasabihin kong mahal ko siya, magbabago ang lahat?”

“Mag asawa na kayo pero hindi mo pa nasasabing mahal mo siya?”

“Oo eh.. Buti sana kung ganun kadali eh pero hinde eh. Ang hirap nung lagi ka na lang aasa sa sarili mo na ‘oo meron pa kahit konting space para sayo sa puso niya’ pero pag nagising ka na sa katotohanan ang sakit na nung balik..”

“I'm sure nothing happened sa kanilang dalawa.. you just have to trust him.”

“Nakakapikon na kasi eh..”

“I know, it hurts. Naeexperience ko yan ngayon.” Sighs. “Yung saya na nararamdaman ko tuwing

kasama ko siya is unlike any happiness that I have ever experienced, and yung sadness naman whenever I see him with her.. is unlike any sadness that I’ve ever experienced, too.. it’s kind of weird actually.. I can’t decide which is more affecting..”

“Wait.. break na kayo?”

Smiles, “I keep on asking myself, ‘Can I live without the happiness? Can I live with that sadness?’ the answer I came up? I don't know...I don't know anything anymore.” Looks at the girl, “Trust me, nothing happened to them. Wait-- trust HIM. Look, he needs you more than anyone else now. He loves you, but he doesn’t wanna let you know.. yet.”

“Natatakot ako..”

“Na masaktan? You’re hurting na diba? And part yun ng love. You don’t wanna know what I am going

through right now. And I know that you don’t wanna lose him, that’s why halika na. You guys should kiss and makeup. Tell each other those mushy things and get married tomorrow.”

“Get married tomorrow?”

“I heard it. He said it proudly to the girl. He said, ‘Tuloy yung plano ko bukas. Pakakasalan ko siya sa ayaw at sa gusto niya. Hinde ko siya kayang mawala pa sa akin. Kahit saang simbahan, kahit saang lugar pa.. basta siya yung makakatabi ko sa kung sino mang kaharap namin habang mage-exchange kami ng I

do’s.’ That’s why--”

Girl runs back to the court side.

--------------------------------

“TOFER!”

Napalingon si Dylan. Teka akala ko ba Dylan pangalan niya?

Tumayo si Dylan tapos naglakad papunta sa babae. Nakita ko kasunod nung girl si Athena, naka smile.

Lumapit siya sa akin tapos ni-lean yung ulo niya sa may balikat ko. nakatingin kami dun sa dalawa

“I'm sorry.” Sabay nilang sinabi.

Lumuhod yung lalaki sa tapat nung girl, “MARRY ME TOMORROW, PLEASE!”

Nagulat ako sa ginawa ni Dylan. Nilabas niya yung maliit na box tapos binuksan niya ito.

“Para tayong nanonood ng teleserye..” bulong ko kay Athena tapos siniko niya ako.

“Wag ka ngang lumuhod dyan! Alam ko na yung totoo.. sinabi na niya sa akin. Sorry.. hinde ako

naniwala sayo..” tumayo na si Dylan, “nabigla lang ako kasi nakita ko kayo nung isang gabi sa may pool side.. tapos kaninang umaga sabi mo umuwi na siya tapos biglang makikita ko kayo ulit na mag kasa--”

“Promise hinde ko rin talaga alam!!!”

“HINDE PA KO TAPOS!” Sigaw nung girl.

“Sorry.” sabi naman ni Dylan. Natawa ako bigla. Natakot ata si Dylan. Bigla akong siniko ni Athena dahil sa pag tawa ko.

“Ah basta!. YES! Pero wag naman sana bukas!” tapos niyakap niya si Dylan.

Tumingin ako kay Athena tapos bumulong, “Ikakasal na sila??”

Nag nod is Athena tapos nag punas siya ng luha. ANAK NG TINAPA! ANONG AKALA NIYA NANONOOD

KAMI NG TV??

“Huy Athena! Bakit ka umiiyak???”

Napatingin yung dalawa kay Athena, “Ok ka lang??”

Nag nod si Athena, “I love happy endings!!!” sabi niya habang naka smile

Nagtawan kami sa sinabi ni Athena. maya maya biglang nag start na yung fireworks. Nanood kaming

apat ng fireworks nung natapos na ito nag isang round kami ng ikot tapos umuwi na.

Inimbita kami ni Athena bukas sa pinagtutuluyan nilang resort. Hinde kami nagdalawang isip ni Athena at pumayag sa alok nila.

Pagbalik namin sa rest house nakita namin silang lahat sa labas nag iinuman. Papasok na sana kami sa loob pero nakita nila kami at tinawag. Bumalik muna kami sa kwarto para mag shower. Syempre para

mapabilis dun na ako nag shower sa may banyo sa labas ng kwarto namin.

Pagbalik ko sa kwarto nakita ko si Athena parang may hinahanap sa bag niya pero hinde niya makita.

“Anong hinahanap mo?” tanong ko sa kanya habang kinukuskos ng tuwalya yung buhok ko

“My hoodie! I can’t find it in my bag and I’m f’n freezing!” sagot niya habang patuloy na nag hahanap sa bag niya

Pumunta ako sa may bag ko at kinuha yung isa kong sweater. Lumapit ako sa kanya at inabot ko ito

“Gamitin mo na lang muna to. Malaki yan sayo pero mas ok na yun kesa naman lamigin ka sa labas.”

Kinuha niya yung sweater na inabot ko tapos sinuot niya ito.

“Tara na. Baka nag iintay na sila sa labas.” Tumango ako tapos lumabas na kami ng kwarto

Paglabas namin napatingin silang lahat sa amin

“Ya! What did you guys do?? There’s only one bathroom in your room but how come you finished

showering that fast??”

“Ang laki ng damit mo Athena ha.. teka, kay Lucas ba yan??”

“AMP! Yun oh!” tapos nag tawanan sila Jigs Kirby Grace at Sara.

“Lul. Manahimik nga kayo!”

Napatingin sila bigla kay Kenji

“Babes nahawa na sayo si Athena oh! Lakas ng kamandag mo eh!”

Nag smile lang si Athena tapos tumabi kay Grace at Sara. Sa tabi naman ni Grace si Kenji at Abigail.

Awkward.

-----------------------------

Mga 3 am na at nag simula na silang mag pasukan sa loob. Si Kenji at Abi na una ng pumasok tapos

sumunod si Grace at Sara. Medyo nakainom si Athena kaya nung pagpasok nung dalawa hinde na naman

niya mapigilan yung pag iyak niya.

Pinagitnaan siya nila Kirby at Jigs, “Bakit ka umiiyak??” tanong ni Jigs sa kanya

“Jigs..”

Hinawakan ni Jigs yung kanang kamay ni Athena, “Ano un?”

Nakatingin si Athena sa bote ng beer na ininuman niya, “Anong gagawin mo pag nalaman mong may

sakit si Sara tapos.. walang gamot para sa sakit niya?” Nabigla si Jigs sa tanong ni Athena. Napabitaw siya sa kamay ni Athene tapos napaisip. Tumingin si Athena kay Jigs, “Iiwanan mo ba siya?”

Napatingin si Jigs kay Athena tapos ngumiti

“Hinde. Aalagaan ko siya. Gagawin ko lahat ng makakaya ko para lang gumaling at sumaya siya.

Ibubuhos ko lahat lahat ng oras ko para sa kanya..” nagsmile si Athena tapos nilaro ulit yung bote sa harapan niya, “bakit.. may sakit ba siya?”

“Ewan.. baka..” napatayo si Jigs sa sinabi ni Athena. “Hinde. Joke lang.”

Tapos natawa si Athena.

“Loko ka. Wag ka namang ganun..”

“Haaaaaaaay.. ang sakit sakit na talaga. Ilang beses na to naririnig ni Lucas eh. Pero pasakit ng pasakit talaga..”

“Tama na. Kung nasasaktan ka na talaga, kung hinde mo na kaya, itigil mo na lang..”

Napatingin kami ni Jigs kay Kirby. Napasulyap ako kay Jigs, medyo nasa mukha niya na nag tataka siya sa sinabi ni Kirby. Hinde niya na-gets.

“Babes hinde ko gets..” see?

“I’m so exhausted.. Nahihirapan na ko.. hinde ko na ata kaya..” nagsimula na namang tumulo yung mga luha niya, “I love him too much.. it seems that my heart's going to explode because of too much love for him..”

Napanganga si Jigs at Kirby tapos nagtinginan silang dalawa.

“Ewan.. nakakaasar.. nakakapagod..” tumayo si Athena tapos pumasok sa loob ng bahay.

“Kerb.. narinig mo ba yung sinabi ni Athena???”

Uminom si Kirby ng beer, “Oo. Langya paps.. English version ng sinabi ni Kenji.”

Napatingin ako kay Kirby, “Anong english version??”

“Yung sinabi ni Athena kanikanina, sinabi rin sa amin ni Kenji noon. Tagalog version. Pero parehong pareho.. Kunektado talaga silang dalawa.”

“Oo nga eh. Halata namang mahal nila isa’t isa eh.. Pero wala eh.. may pumapagitna.. Kaya ikaw Lucas..

BOOK: She's Dating the Gangster
3.6Mb size Format: txt, pdf, ePub
ads

Other books

Sir Thursday by Garth Nix
Battle Dress by Amy Efaw
Red Eye - 02 by James Lovegrove
Christmas With the Dead by Joe R. Lansdale
LineofDuty by Sidney Bristol
Mission Flats by William Landay
A Journey by Chance by Sally John
Marston Moor by Michael Arnold
Marciano, vete a casa by Fredric Brown