Read She's Dating the Gangster Online

Authors: Bianca Bernardino

She's Dating the Gangster (35 page)

BOOK: She's Dating the Gangster
5.15Mb size Format: txt, pdf, ePub
ads

ingatan mo si Athena.” biglang hirit ni Kirby

“Ha?”

“Sige mga babes. Pasok lang ako at pupuntahan ko si Sara. Kinabahan ako sa joke ni Athena eh.”

tumayo siya tapos pumasok na sa loob. hinde nila sinagot yung 'ha?' ko.

Nagusap kami ni Kirby tungkol sa past namin. Kinuwento niya yung story nung Camille tapos kinuwento ko naman si Abi. Sinabi ko na rin sa kanya yung sakit ni Abi.. dahil pati siya nag tataka na rin sa mga nangyayari. Napansin niya rin ung pag dalas ng punta ni Abi sa banyo.

Nung nawalan na kami ng pag kukwentuhan natahimik kaming dalawa at umiinom lang. Nakatingin lang

siya sa may beach at mukhang malalim yung iniisip.

Naubos na namin yung natirang mga beer tapos nag simula ng mag ligpit. Para konti na lang yung

liligpitin ng katiwala.

“Lucas matagal ko na tong gustong itanong pero hinde ako maka tyempo eh.”

“Ano yun?” tanong ko naman sa kanya.”

“Yung tungkol kay Athena..”

Tungkol kay Kenji at Athena na naman siguro yung itatanong niya sa akin. O baka itatanong niya kaya sa akin yung feelings ko para kay Athena.. o baka..

“Alam ko ng may HCM siya..”

Nanlaki yung mata ko tapos napatigil sa ginagawa ko.

“Pano mo..nalaman? Sinabi niya ba sayo?”

Umiling siya, “hinde.. narinig ko kayong nag uusap nun.. Luke, hinde niyo ba ipapaalam kay Kenji pati Jigs?” hinde ako sumagot. “Hinde niyo habang buhay matatago sa kanila yung tungkol sa sakit ni Athena.

habang maaga kelangan malaman na nila.”

“Pero si Athena hinde alam kung pano to sasabihin.. Hinde pa siya handa.. ayoko rin naman na saakin mang galing yun..”

“Hinde niyo ba napapansin na parang nagiging selfish kayo? Hinde ba kaibigan yung turin niyo sa amin at ayaw niyong ipaalam yung kalagayan niya? Kung hinde niyo kaya, ako mag sasabi.”

nagkatinginan kaming dalawa

“Ako mag sasabi kay Jigs at Kenji.”

Chapter THIRTY NINE

Lucas’ POV

Hinde ako makatulog sa napagusapan namin ni Kirby. Napaka seryoso ng mukha niya habang sinasabi

niya sa akin lahat ng nalalaman niya. Napatingin ako kay Athena na natutulog sa may kama. Hinde ko alam kung papayagan ko si Kirby sa gusto niyang gawin.

Akala niya ba gusto kong itago yung totoo sa kanila? Nahihirapan na rin akong itago lahat ng nalalaman ko mapakay Athena o kay Abi. Hirap na hirap na rin ako.

Unang una ayokong magalit sila kay Abi dahil sila na ulit ni Kenji pero ayoko rin naman mahirapan ng ganito si Athena..

“Lucas?” nakita kong bumangon si Athena

“Hm?” sagot ko sa kanya.

Tumayo siya tapos umupo sa may tabi ko. Sumandal siya sa may balikat ko tapos niyakap niya yung

kaliwang braso ko. Sa ginagawa niya mas lalo akong nahihirapan. Hinde naman talaga ako yung dapat na nasa tabi niya eh.. hinde ako dapat yung nag papasaya sa kanya.

“Bakit nandito ka sa couch? Ang hirap kayang matulog dito.. dun ka na lang sa tabi ko..”

Napatingin ako sa kanya pero naka sandal parin siya sa may balikat ko. “Ok lang ako dito..”

Naramdaman ko yung pag iling niya. Tapos humigpit yung pag yakap niya sa braso ko, “Tabi na tayo..

please?”

“Sige na nga.” sabi ko sa kanya.

“Umm.. Luke? Pwede mo akong samahan sa baba? Kelangan ko kasing uminom ng gamot eh..”

Lumabas kami ng kwarto at pumunta sa may kitchen. Kumuha kami ng dalawang baso ng tubig. Sa may

living room muna kami tumamabay dahil hinde pa daw siya makatulog. Nung tiningnan ko yung relo ko

nakita kong 4:28 am na. Ano ba tong babaeng to sanay na ata siya sa puyatan eh.

Nagpakwento siya sa akin tungkol sa buhay ko. Gusto niya raw akong makilala ng mabuti at gusto niya raw malaman lahat ng past ko. Siyempre sinabi ko sa kanya lahat ng gusto niyang malaman. Wala rin

naman akong dapat itago tungkol sa past ko eh.

Humiga si Athena sa sofa na inuupuan namin habang hawak yung kamay ko.

“Humiga ka rin. Parang kama to sa laki eh. Tingnan mo kasya tayong dalawa!” sabi niya habang

nakangiti. Humiga ako sa tabi niya. “Ayan. Ikaw na lang ang kakampi ko Lucas.. wag mo akong iiwan

basta basta..”

“Iiwan lang kita pag sinabi mong iwanan na kita..”

Ngumiti siya sa akin tapos hinawakan niya yung muka ko, “para namang gagawin ko yun..”

Alam ko hinde ko dapat ginagawa tong mga bagay na to.. pero masisisi niyo ba ako? Tao rin ako,

marunong magmahal at nasasaktan.

-----------------------------

“Bakit dito natulog yung dalawa? Diba umakyat sila kagabi? Ay kanina pala.”

“Ewan.. baka bumaba sila.. may baso sa lamesa oh. Ibig sabihin bumaba sila para uminom. Siguro

nakatulog sila habang nag kukwentuhan..”

“Gigisingin ba natin sila?”

“Bakit?”

“Baka makita sila ni Kenji eh..”

“Ano naman?! Ya! He’s with that girl now and left Athena in pain. If Athena’s happy with Lucas then I don’t care about Kenji being hurt. He deserves it.”

Parang panaginip yung narinig ko kanina pero boses ni Sara talaga yung narinig ko. Nung idinilat ko na yung mga mata ko nakita kong tulog pa rin si Athena at nakaharap pa rin sa akin.

Binuhat ko siya para dalhin sa kwarto namin. Wala namang magiging problema sa pagbuhat ko sa kanya dahil magaan lang siya. Nakasalubong ko si Grace tapos nag smile siya sa akin at nag ‘ok’ sign.

Pagkadating namin sa kwarto, dahan dahan ko siyang nilapag sa kama tapos kinumutan. Dahan dahan

akong lumabas ng kwarto at bumaba ulit sa may dining room.

Nakita ko si Kenji at Grace sabay na kumakain

“Morning Luke.” Masayang bati ni Grace

Umupo ako sa may tabi ni Kenji, “Si Abi tulog pa?”

Tumango siya. “Si Athena?”

“Tulog pa.”

“Ayos ha. Parang nagpalit lang kayo ng girlfriend.” Sabi ni Grace habang kumakain

“Oo nga pala, ano ba plano bukas? Pupunta ba sila Ate Kendi?”

“Dein. Baka ung usual. Inom, kain, paputok.” Nag nod ako habang susubo ng bacon

Natahimik kaming tatlo. Patuloy lang kami sa pagkain namin.

“Wala bang check up si Athena ngayon?” tanong ni Grace out of the blue.

Umiling ako, “Sabi pag nilagnat daw siya pumunta na lang sa ospital.”

Kinuwento lang sa akin ni Carlo yung sinabi ng doctor. Tinanong kasi nila kung pupwede daw bang mag out of town si Athena with friends ang sabi pwede daw basta wag daw hayaang mapagod. Tapos pag

nilagnat daw siya pag pahingahin tapos iuwi na lang kinabukasan para madala sa ospital. Ganun ka

special si Athena ngayon. Madadamay ang lahat pag nilagnat siya.

“Ano bang sakit niya? Inuulcer pa rin ba siya?”

Napatingin kami ni Grace kay Kenji, “Ulcer?” sabay naming sinabi.

Wala namang nababanggit sa akin si Athena na may Ulcer siya, kumakain rin naman siya halos sa oras at tama naman ang appetite niya kapag kumakain.

“Sinong may sabing may ulcer siya?”

“Siya.” sabi niya bago siya sumubo, “Sabi niya sa akin may sakit siya at kaya siya nag susuka kasi may ulcer daw siya.”

Sa pag explain ni Kenji naintindihan ko na. Ginawang excuse ni Athena yun ulcer para isipin na lang ni Kenji na sumusuka lang siya at sikmura yung sumasakit sa kanya at hinde yung dibdib.

“Walang ulcer si Athena.” sabi naman ni Grace.

“Wala? So nagsinungaling siya sa akin?”

“Parang ganun na nga.” Sabay inom ng tubig, “yung check up para sa puso yun. Emotionally stressed

siya kaya kelangan niya yun. Siguro naman alam mo kung bakit diba? Pati hinde dapat ako yung nag

sasabi nito eh.. oh well.”

Tumayo si Grace tapos umalis na sa dining room. Kaming dalawa na lang ni Kenji yung naiwan. Hinde pa rin nag babago yung expression ng mukha niya sa narinig niya kay Grace. Naisip niya rin siguro na nag sinungaling sa kanya si Athena.

Mga 11 am na ng nagising si Athena. Kumain na siya ng almusal slash lunch niya tapos niyaya niya akong mag beach. Siyempre dala ulit namin yung camera namin. Naglagay siya ng sunblock tapos nag latag na naman siya ng tela sa may sand at humiga. Ganun din ang ginawa ko. nag lagay ng sunblock at humiga sa tabi niya.

Nung nagdatingan na sila umingay na yung mundo namin ni Athena. Yung tahimik na mundo namin

biglang gumuha dahil sa kanila. Lahat sila pinag sasabihan na si Athena dahil nangingitim na raw siya kakabilad sa araw.

“Yun nga yun silbi nitong getaway natin eh! Siyempre susulitin ko na noh. Tan na kung tan!”

“Ya! Hinde ka pa nag papagraduation picture! Baka naman ang itim mo sa pic ha!”

“I don’t care.” proud niyang sinabi. “Mas masarap pa ngang may beer na iniinom pag ganito eh. Haaay.

Beer.. sand.. tapos yun view.. equals LIFE!”

Sabi ni Athena habang nakatingin sa dagat.

Mga 3:24pm na at nasa ilalim pa rin kami ng araw.

“Ayos tong si Lucas ha. Kanina pa naka bilad sa araw pero namumula lang! Tss. Sana pareho tayo ng

balat!” sabi sa akin ni Grace.

“Babae kasi talaga yan eh! Nagpapanggap lang na lalaki, diba Luke?” sabi niya habang nakangiti sa akin Kanina ko pa napapansin na parang tahimik si Abi at Kenji. Nag away kaya sila? O baka naman naiilang lang sila dahil kay Athena?

Tumayo si Athena tapos lumapit sa may dagat, nakita ko si Kenji naka titig sa kanya tapos naka smile.

Mahal niya pa nga.

Nilapitan naman nila Grace at Sara si Athena tapos nagharutan na silang tatlo. Nag hihilahan sila

papunta sa may tubig tapos eto namang si Kirby lumapit kay Athena tapos binuhat sabay binagsak ulit.

Ang kulit nilang tingnan. Ang sarap makitang masaya si Athena.

Nung napagod na sila ng apat bumalik na sila sa may amin tapos nag si upuan.

“Tara na Lucas! Shower na tayo.” Tumayo siya tapos hinila niya kamay ko.

Nakatingin silang lahat sa amin, “Sabay kayong maliligo?!?!”

Sinabi ni Jigs, Kirby at Grace ng sabay. Tumayo na ako tapos pinagpag yung mga sand na nakadikit sa katawan ko.

“Bakit masama ba? Maliligo lang naman kami ng sabay eh. Hinde naman parang may gagawin kaming

masama sa pag ligo.. diba Lucas?”

Napatingin siya sa akin. Kaya pati tuloy sila napatingin. “Ha..? siguro..?” nagaalinlangan kong sinabi habang nakatingin kay Kenji.

Nakatingin siya sa amin na parang gusto niya kaming pag hiwalayin ni Athena. Nasa mga mata niyang

galit siya sa sinabi ni Athena.

“Ka ja!” sabi niya habang nakahawak sa braso ko. Eto na naman siya sa pag kokorean niya. *Let’s go!+

Pag pasok namin sa kwarto pumasok na siya ng banyo. Narinig ko siyang sumigaw ng ‘aren’t you coming’

kaya sumunod na ako sa kanya sa loob. Pumaosk ako ng nakapikit ang mata peri tumawa siya bigla.

Pagtingin ko sa kanya nakasuot pa rin siya ng swim suit tapos nakahiga sa may bathtub.

“I told you walang masama kung sabay tayong maliligo. Pati ang laki laki naman nitong bathtub na to noh. Kasya tatlong tao dito.”

Nag smile ako sa kanya tapos pinanood ko lang siya habang nasa bathtub siya.

“Ayaw?” umiling ako. “Ok..”

“Sa shower na lang ako.” nakita ko siyang nag nod tapos lumubog sa may bathtub.

Habang nasa shower ako nakita ko siyang naglalaro lang ng bula. Hinde siya nag sasalita patuloy lang siya sa pag lalaro. Hinde ko alam kung dapat kong sabihin na alam ni Kirby yung sakit niya pero natatakot ako na baka pag nalaman na niyang pati si Kirby lam, baka ilayo niya yung sarili niya sa amin. Ayaw na raw niya ng awa. Minsan daw siyang nag makaawa sa isang tao pero hinde naman naawa yung taong

yun. Hinde niya binanggit kung sino. Kakilala lang daw niya yung taong yun.

Lumabas ako sa may shower room tapos tumayo naman si Athena. Nag suot na ako ng bathrobe tiyaka

ko hinubad yung board shorts ko.

“Talikod. I’m gonna take a shower na.” tumalikod ako tapos pumasok na si Athena sa may shower

room.

Lumayo layo ako para hinde mailang si Athena. Hinde nga siya na iilang pero ako naman yung naiilang!!

Anyway. Pag tingin ko na lang kay Athena naka bathrobe na siya tapos may hawak siyang plastic bag.

“Tara na.” binuksan ko yung pinyuan tapos lumabas kami.

Pagkalabas namin bigalng bumukas yung pintuan ng kwarto at nakita namin si Kenji.

Nung nakita niya kami ni Athena hinde siya nakapag salita. Gulat siya sa mga nakikita niya.

“Bakit?” tanong ni Athena

“Ah.. so--sorry. Wa.. wala.” Lumabas siya at isinara yung pintuan ng malakas.

“Problema nun?” Dinedma na lang ni Athena yung nangyari.

Nilagay niya yung plastic bag sa may isa niyang bag tapos bumalik sa banyo.

Napahampas ako sa noo ko, “Potek..” yun na lang yung nasabi ko.

Namisunderstood na naman ni Kenji yung pangyayari. Sinabi ko na nga na ayaw ko ng magkagulo pa sa

amin pero gulo pa rin ‘tong pinapasok ko. kahit na sinabi kong gusto kong protektahan si Athena ayoko pa rin masira yung friendship namin. hinde ko alam kung bakit biglang pabago bago yung isip ko.. basta eto yung nafifeel ko ngayon.

Hinde ko alam kung kelan ulit mag babago yung pagiisip ko pero ngayon ayoko masira yung friendship namin ng dahil lang sa mga mali ko..

Nag suot na ko ng underwear at shorts tapos naka bathrobe pa rin ako. lumabas si Athena galing banyo ng nakabihis na. May nakalagay na lang na towel sa may ulo niya tapos humiga siya sa may tabi ko.

“Sorry.. pati ikaw nadadamay. E-explain ko na lang sa kanya..”

bumangon si Athena tapos bababa na ng kama pero hinawakan ko yung kamay niya para pigilan siya.

“Ok lang. Wala na rin naman kayo eh. Wala na rin siyang karapatan magalit.”

See. bigla na naman akong nag bago. Pero napaisip kasi ako sa sitwasyon eh. Wala na sila ni Athena.

Pwedeng naming gawin lahat ng gusto naming gawin kahit walang permiso sa kanya.

Humiga ulit si Athena tapos ipinikit yung mga mata niya kaya ipinikit ko rin yung akin.

Pagkadilat ko ng mga mata ko tumingin kaagad ako sa orasan. 5:36pm na. nakatulog kaming dalawa.

Tumingin ako sa left side ko at nakita ko sa Athena nakatalikod sa akin.

Nagulat ako ng bigla na lang siyang bumangon, “ANONG ORAS NA?!?” sabi niya ng pasigaw

“Ano ba! Nakakagulat ka naman! 5:36 na.”

“OMONA!!!” tapos bumaba siya ng kama, “Have you forgotten that we are meeting Bianca and

Dylan??”

Nagmadaling mag palit ng damit si Athena sa may banyo kaya nagsuot na rin ako ng shirt. Pag labas niya hinila niya ako papalabas ng kwarto, pababa ng hagdanan at papalabas ng bahay.

Nung nakarating kami sa resort na pinagtutuluyan nila. Sinalubong kami ni Bianca tapos tinawag niya naman si Dylan sa pag pasok namin. Pinakilala nila kami sa mga kaibigan nila tapos nag simula na kaming mag kwentuhan lahat.

Nakakatuwa silang mag kakaibigan. Si Ryan laging kinukulit si Athena. Lagi niyang pinipilit na sumayaw o kumanta si Athena tapos yung dalawang babae naman pipigilan si Ryan.

Naaalala ko sa kanila yung barney and friends. Siyempre yung mga master lang hinde kasama yung mga nasa ilalim namin.

Mga 9:23 pm nag yaya ng umuwi si Athena. Ayaw pa nila kaming paalisin dahil maaga pa raw pero nung sinabi ni Athena na masama yung pakiramdam niya pumayag na sila. Inihatid pa nila kami sa may rest house nila Kenji.

Dumeretso kami sa may living room para maupo. Napansin ko namumutla yung mukha ni Athena.

Tinanong ko kung may masakit sa kanya pero sabi niya ok lang daw siya. Umakyat siya sa may kwarto

ako naman naiwan sa baba.

Nakipag laro ako ng cards kela Jigs at Kirby. Napasaya masyado yung pag lalaro kaya umabot kami ng hanggang 1am.

Pupunta ako dapat ng kusina para kumuha ng maiinom pero nakarinig ako ng malakas na kalabog.

Umakyat ako para tingnan kung ano yun pero nakita ko si Athena na nakahiga na sa may sahig. Nahulog siya sa hagdanan.

“ATHENA!! naririnig mo ba ako!?!?! Athena!” Nanginginig siya tapos may binubulong, “Ano?? Hinde

kita maintindihan..”

“Yung gamot.. nawawala.. gamot ko.. nawawala..”

“SARA!!! SI ATHENA!” binuhat ko si Athena para dalhin sa kwarto

Narinig ko yung mga yapak ng paa nila. Tumatakbo sila papunta dito sa taas.Naabutan nila akong buhat si Athena sa may tapat ng pintuan. Binuksan ni Jigs yung pintuan ng kwarto, pumasok kaming lahat at dahan dahan kong nilapag si Athena sa kama.

BOOK: She's Dating the Gangster
5.15Mb size Format: txt, pdf, ePub
ads

Other books

The Legend of Lyon Redmond by Julie Anne Long
Dangerous Mercy: A Novel by Kathy Herman
Heavenly Angel by Heather Rainier
El Inca by Alberto Vázquez-Figueroa
Carnal Innocence by Nora Roberts
Last Seen Wearing by Dexter, Colin
A Figure in Hiding by Franklin W. Dixon