Read She's Dating the Gangster Online

Authors: Bianca Bernardino

She's Dating the Gangster (31 page)

BOOK: She's Dating the Gangster
12.26Mb size Format: txt, pdf, ePub
ads

Hinawakan ko yung kamay niya at hinila siya so that I could kiss her… on the lips.

Chapter THIRTY FIVE

Lucas’ POV

Pagkatapos nung nangyari pumunta kami sa may booth ko. Kinuha ko yung camera tapos ako na yung

nag picture sa mga taong mag papakuha. Pinapanood lang ako ni Athena sa may sulok.

Lumapit siya at tiningnan yung mga shots ko, “Wow.. magaling ka ha.”

Nung trinansfer na namin sa computer yung pictures siya yung nag edit. Magaling siya mag photoshop, napaka linis ng gawa niya. nung na print na yung pictures tuwang tuwa sila kasi ang ganda nung

pagkagawa. Mga 7:50 pm na, matatapos na yung fair ng 8:00 pm at pagkatapos nun christmas vacation

na.

“Lucas, pack up na. Mag 8 na rin eh. Magdidinner daw tayo sa Asianized sabi ni Kirby may paguusapan daw.”

Tumango ako tapos nilapitan sila Athena, “Pack up na raw.”

Inayos na ng mga kasama namin yung computers. Si Athena naman gustong tumulong pero sabi nung

iba ok lang daw. Tumayo siya sa kinauupuan niya tapos nag stretch ng katawan.

“Nakakapagod palang mag edit ng magedit.” Tapos nag smile siya sa akin.

“Kasi naman bakit kay Lucas ka sumama! Dapat sa booth ko na lang noh. Siguro maraming kita yung

akin dahil lahat sila mag babayad para pakasalan ka!” biro naman ni Jigs kay Athena

Tumayo siya sa may tapat ng booth ni Jigs dun mismo sa may tapat nung altar. Tapos humarap siya sa amin, “Isang tao lang dapat kong pakasalanan noh.”

“Aba! Boy mukhang sinuwerte ka ha!” sabay hampas sakin ni Jigs sa may braso, “ikaw kasi pinakasalan niya eh.”

Ngumiti si Athena sa sinabi ni Jigs, “Loko ka. Baka ma-ilang sa akin si Athena.” sabi ko naman kay Jigs.

“Hoy! Hinde ganun si Athena!!” tumingin si Jigs kay Athena, “diba babes hinde ka ganun?”

“Psh. Hinde naman ako ganun noh. Ikaw talaga Lucas.” Sabi sa akin ni Athena

“Teka.. Athena napicturan ka na ba ni master Lucas??” umiling si Athena, “abnormal ka talaga Luke!

Bakit hinde mo pa pinipicturan si Athena?? ANO BA!! CHANCE TO NOH! Kita ng ngayon lang siya nag

suot ng seksing damit sa tapat natin eh!”

Hinampas ko si Jigs sa ulo, “loko ka talaga!”

“Pose na Athena! pipicturan ka na ni master!”

Niready ko na yung camera ko, si Athena tumalikod sa amin, “Ayoko nga! Bakit kelangan niyo pa ko

picturan?”

“Wala lang.. remembrance! Sige na!”

“Sige na Athena!” Naka ready na ko sa pag kuha ng picture niya pero nakatalikod pa rin siya.

“Ayoko!”

“Eto naman eh.. minsan lang oh.. bilis..”

Tumingin siya sa amin ng naka peace sign at nag smile habang nakatalikod pa rin yung katawan niya. Ang hirap i-describe, pero basta naka twist yung katawan niya.

Conclusion --- I do like her.

Sabay kaming pumunta nila Grace at Athena sa Asianized. Tama. Yung place na pinagtatrabahuhan dati ni Athena at kung saan nag wowork si Kenji ngayon.

Nagpunta kami sa table kung saan naka puwesto sila Jigs, Sara, Kirby at Kenji.

Pa-rectangle yung table kasi pang 8 na tao yung. Tumabi si Athena kay Kirby tapos tumabi naman ako sa kanya. Si Grace naman umuupo sa tabi ni Jigs.

Grace-Jigs-Sara-Kenji

Lucas-Athena-Kirby

Ganyan yung seating arrangement namin. Inabutan kami ni Kirby ng menu para makapag isip na ng

kakainin. Si Athena nagiisip pa ng kakainin habang nakatingin sa menu. Lahat kami siya na lang yung iniintay.

“Athena may napili ka na ba?” tinilt ni Athena yung ulo niya habang nakatingin sa menu. “huy kumain ka ha! kahit madami ka pang orderin ok lang. basta kumain ka lang.”

“I can’t decide..” sabi ni Athena habang nakatingin sa menu

“Geunyang go ru da.” *just choose.+

“Ano ba gusto mo?”

“Katsudon and… Jajangmyun!” tapos ngumiti siya

“Bae go peu jyo?” sabi ni Sara habang naka ngiti. Ano ba sinabi niya? *Hungry, huh?+

Sinabi na ni Kenji yung mga order namin tapos intay na lang daw kami sa pag serve ng food. Napag

usapan namin yung mga nangyari nung fair. Yung kita ng mga booth, concert ni Athena at siyempre yung nangyari kay Athena.

“Anong naisip mo at nag fasting ka Athena? Tumaba ka nga pero hinde naman ganun kalaki yung

tinaba mo eh! Gumanda ka nga lalo nung nagkalaman ka eh.”

“Ganun talaga. May sakit nga ako diba?” sabi ni Athena kay Jigs.

“Ewan ko rin ba kung anong problema nung lalaking yun eh.” tinuro ni Jigs si Kenji, “pagpasensyahan mo na lang muna.. kung nasaktan ka niya.. ako na yung humihingi ng sorry… Sorry talaga.. Sana wag mo kaming iwasan nila Kirby dahil lang sa kaibigan namin si Kenji..”

Hawak hawak ni Jigs yung kamay ni Athena habang nag sosorry siya. naluha naman si Athena sa sinabi ni Jigs. “Sorry.. nagiging sensitive ako masyado ngayon.. Pati hinde naman ako galit eh.. Nakakadisappoint lang.. kasi hinde niya ako pinili..” sinubukan niya paring ngumiti kay Jigs.

“If you want to cry, then cry. We wont stop you..”

Nagsmile si Athena, “Mo ra goh haeya halji morugaettda.. hajiman..” umiling siya, “uhl ji ana..”

“She said she doesn’t know what to say but.. she's not gonna cry anymore.” Tumayo si Jigs at niyakap si Athena, “You can barrow him for a while if you want..”

Niyakap rin siya ni Kirby, “Sabi ko hinde na ko iiyak pero pinapaiyak niyo pa rin ako..” sabay punas ni Athena sa luha niya.

Dumating si Carlo tapos tumabi siya sa akin. Lahat kami pinagsabihin si Athena dahil sa nangyari nung isang araw. Si Carlo masama loob kay Kenji. Sinabi niya kay Athena na hinde na raw niya hahayaan

makalapit pa sa kanya si Kenji at pag nakita daw niyang lumapit si Kenji kay Athena baka daw kung ano pa magawa niya.

Nung bumalik na si Kenji dala yung pagkain namin. Lahat kami bumalik na sa normal naming sarili.

Kumain kami sabay sabay. Halos ang tahimik ng table namin kasi kumakain kami, oo mga gutom kami. Si Jigs unang natapos sa pag kain dahil excited na raw siya sa balita nila ni Kirby.

Lahat kami natapos ng kumain except si Athena. kinakain na niya yung noodles na may black na sauce.

“Sige, mag simula na kayo wag niyo na akong pansinin.” Apos tinuloy niya yung pag kain niya.

“Alam niyo namang birthday ko na sa 27 at si Kenji naman sa 31.. matagal na tong planong to actually.

Pagsasabayin ulit yung birthday namin sa 29. So ang location natin ay sa…” nag smile si Kirby kay Kenji,

“Sa rest house nila kenji sa batangas.”

“Yown! Sige. Kaninong auto dadalhin?” tumingin si Jigs kay Kirby, “Sayo ba?”

“Baka dalhin na lang natin yung van namin.” Tumingin sa akin si Kirby, “ikaw Luke? Gusto mo bang mag dala ng auto?”

Napatingin ako kay Athena, “Magdadala ba ako?”

Napatigil sa pag kainsi Athena, “Why ask me? I’m not even going.”

“ANO?! BAKIT??”

Kinuha ko yung tissue sa may tapat ko at pinunasan yung bibig ni Athena, “Bakit hinde ka sasama?”

Lahat kami nakatingin sa kanya except si Carlo at Sara. Hinihintay namin yung sagot niya.

Nilapag niya yung chopsticks tapos pinunasan ulit yung mukha niya. “I’m going back to Korea..”

Nagulat kaming lahat sa sagot niya. napatingin ako kay Kenji para tingnan yung reaction ng mukha niya pero nakalagay yung kamay niya sa may noo niya tapos naka yuko.

Uminom ng tubig si Athena tapos nag smile samin. Bakit parang ang bilis naman? Hinde niya pa sinasabi sakin yung planong niyang yun ha? Ganun ganun na lang ba yung pinagsamahan namin?

“I’m going back with Carlo. I don’t’ know if Sara’s coming with us.” Tapos napatingin siya kay Sara, “and I’m not forcing you to. Stay if you want to, ok?” tapos nagsmile siya kay Sara.

“Matagal niyo na ba tong plinano?” inabot ni Kirby yung balikat ni Carlo at kinalabit, “Bakit hinde mo sinabi sa amin?”

“Last Friday lang. Ako ang may ayaw ipasabi. Ayoko kasi talaga ipaalam sa inyo.”

“Athena sabi naman ng mom mo sila na lang daw pupunta dito para hinde na kayo yung ma-hassle eh.”

“Yun naman pala eh! wag ka ng umalis. Dito na lang kayo ni Carlo.”

“Babalik naman kami ng January 3 eh! bakit ba ayaw niyo kaming paalisin??” tapos nag smile si Athena,

“Kung hinde ako babalik ng Korea, hinde pa rin ako sasama sa trip niyo. Kelangan ko mag pahinga noh.

At hinde magiging relaxing yung trip na yun para sa akin.”

Tumayo si Kenji tapos pumunta sa may counter. Medyo na-gets niya ata yung ibig sabihin ni Athena.

Hinde naman talaga magiging relaxing yun para sa kanya kasi alam niyang makakasama niya si Abi at

Kenji doon. Hinde niya matitiis tingnan yung sweetness nung dalawa pag ganun.

“Kung siya lang pinoproblema mo, ako bahala sayo! Sumama ka na.. first birthday ko to na

makakasama ka if ever oh.. please??” inakbayan ni Kirby si Athena tapos nilagay niya yung ulo ni Athena sa may balikat niya, “please??”

“FINE!!”

“AYON!!!!!” tapos nag apir si Jigs at Kirby, “kumpleto na! ayos!”

Pagkatapos naming magbayad pumunta kami sa Merge. Nagkayayaang maginuman, lahat umiinom

except si Athena. Pilit niyang kinukuha yung bote ng beer pero agad itong kinukuha ni Carlo.

Nung nalasing na si Kirby at Sara nagyaya ng umuwi si Athena. Baka raw kasi masobrahan pa lalo ng

inom si Sara. Buti na lang at malaking sasakyan yung dinala ko dahil halos lahat sila sakin sumabay.

Si Kenji at Grace kay Jigs sumakay, si Carlo, Kirby, Sara at Athena sakin. Una ko ng hinatid sila Athena dahil si Kirby malapit yung bahay sa akin kaya ok lang kahit i-huli ko siya.

Binuhat na ni Carlo si Sara papasok ng bahay. Si Kirby dahil sa tulog siya iniwan ko muna sa loob ng kotse. Habang nakaupo kami sa may tapat ng bahay nila Athena hinde namin naiwasang pagusapan

yung tungkol sa pagpunta niya ng Korea.

“Bakit ka pupunta ng korea? Babalik ka pa ba dito pag pumunta ka dun?”

“Siguro.. hinde na..” tumingin ako sa kanya, “Luke mamatay lang ako dito sa pilipinas.. hinde na ata kakayanin pa ng puso ko eh..”

Nilagay niya yung ulo niya sa may balikat ko, “Ganun ba talaga kasakit? Kaya rin ba ayaw mong sumama sa batangas kasi makikita mo silang dalawa?”

Tumango siya, “Hinde ko nga alam kung paano sabihin kela Jigs at Kirby na may HCM ako eh.. baka

malaman nila pag namatay ako bigla.” Tapos natawa siya sa sinabi niya

Natahimik kaming dalawa dahil sa biro niya. Gusto ko siyang yakapin.. pero natatakot ako baka mailang siya sa akin.

Naramdaman kong pumatak yung luha niya sa may braso ko. umiiyak na naman siya. ano ba ang dapat

kong gawin para hinde na siya umiyak?

“Athena..”

“Lucas, wag mo akong iiwan.. tulungan mo akong mabuhay.. don't let me die..”

Athena’s POV

Ang tagal na ng huling pag uusap namin ni Kenji.. so far, sinusubukan ko pa ring makasurvive sa pain na naffeel ko. Hinde madaling mg bitaw ng salitang hinde mo naman gusto sabihin. I wished them

happiness.. but what about me? She took it. She took my happiness and brought me suicide..

Tae Sung oppa.. sinaktan niya ako.. he betrayed me. I was in pain that time. alam niyo yung feeling na naglalakad kayo sa mall tapos everystep.. everysingle step unti-unting nababasag yung heart niyo? Well in this situation.. with the kind of heart that I have now.. It’s hurting, breaking.. ten times more.

Sunday, December 24, 2007

“Kelan pa dumating parents mo?” sabi niya sakin habang nag sisindi ng yosi

Si Kirby kasama ko ngayon kasi nasa Makati si Lucas kasama ng family niya. Dun sila mag sstay hanggang sa 26 kaya si Kirby muna nakakasama ko. Actually kahapon ko pa siya kasama. Tres Amigos kami

kahapon eh, pero ngayon dynamic duo na lang.

“Nung Friday pa raw. Sa quezon city sila umuwi kasi susurprise daw nila kami. Kahapon lang sila umuwi dito sa bf.”

“Eh si Sara pati Carlo nasaan?”

“Si Sara nasa quezon city. Umuwi rin kasi parents niya kasama yung younger brother niya. Kaya dun

muna sila mag sstay. Pati wala rin si Jigs dito kaya ayun pumayag.” Tumawa kaming dalawa. “Si Carlo nasa tito niya.. gusto kasi nilang magchristmas sabay sabay.”

Sa totoo lang sila Carlo, Lucas, Sara, Grace at Jigs nasa kanya kanyang family nila. Ako si Kirby at Kenji lang ang natira.. Kaya kaming dalawa ni Kirby magkasama ngayon. Hinde naman pwedeng ako pati si

Kenji kasi.. wala lang. hinde lang pwede.

“Ikaw? Bakit hinde kayo aalis ng family mo?”

Nagpuff siya sa cigarette niya, “Ano ba yun. Araw araw naman kami nag kikita eh, araw araw parang

pasko samin. Kelangan pa ba talaga naming umalis? Kayo ba hinde aalis?”

“We will go to QC later. May party eh.. you wanna come?”

Nagpuff ulit siya tapos pinatay na niya yung yosi niya. “Hmmm…”

“Sumama ka na.” nag smile ako sa kanya, “Maraming chicks dun! Sige ka.. sayang rin yun.”

“Teka! wala naman akong sinabing hinde ako sasama ha? GAME!” tapos tumayo siya, “Ay, ok lang ba

kung samahan mo ko..? Kaso.. sige wag na lang.”

Tumayo na rin ako since alam kong gusto niya talagang samahan ko siya pero nag aalinlangan siyang

sabihin kung saan, “Sira ok lang! Saan ba?” tanong ko sa kanya.

He scratched his head then answered me with hesitation, “Sa bahay ni Kenji eh..”

Napatingin ako sa kanya bigla, “Kenji?”

“Sabi na sayo wag na eh, intayin mo na lang ako dito.. punta lang ako sa bahay niya saglit. Babalik ako dito mamaya, ok?” nakatingin lang ako sa kanya hinde ako makasagot, “Sige na nga, hinde na lang. Text ko na lang siya na hinde ako makakapunta. Alis na lang tayo, ok?”

Nagsmile ako sa kanya, “Tara samahan na kita.” nagsimula na akong mag lakad. Nung lumingon ako sa

kanya nakita ko siyang nakatayo lang, “oh ano pang ginagawa mo dyan? Diba nag papasama ka sakin?

tara na.”

“Ok ka lang ba? Kela Kenji yun.. Kay Kenji.. si Kenji..”

“So? Kelangan ko rin ma-overcome yung sakit na nararamdaman ko noh. Pero pano ko magagawa yun

kung lagi akong umiiwas? Diba?”

Sinabi ko sa kanya. Ma-overcome? Matatagalan pa yun.. parang ang fresh fresh pa nung pangyayari eh..

parang araw araw kong naffeel yung nangyari. Ewan ko ba.

Medyo natagalan yung pagkibo ni Kirby pero nung nagsmile siya sa akin naglakad na siya tapos

inakbayan ako, “Tama. Kelangan mo talaga ma-overcome lahat ng trials na dumarating sayo ngayon.

BOOK: She's Dating the Gangster
12.26Mb size Format: txt, pdf, ePub
ads

Other books

Brax by Jayne Blue
Bonereapers by Jeanne Matthews
When Tempting a Rogue by Kathryn Smith
Hidden in the Shadows by T. L. Haddix
Mikolas by Saranna DeWylde
These Vicious Masks: A Swoon Novel by Zekas, Kelly, Shanker, Tarun
Bone Valley by Claire Matturro
The Bones Will Speak by Carrie Stuart Parks
The BFG by Roald Dahl