Read She's Dating the Gangster Online

Authors: Bianca Bernardino

She's Dating the Gangster (14 page)

BOOK: She's Dating the Gangster
4.93Mb size Format: txt, pdf, ePub
ads
Chapter NINETEEN - michelle

I was shocked. Dumbfounded.. No wait, let’s change it. I was astonished. I was about to say something..

but he suddenly left the room.

Wtf?! That’s it?! After what I’ve said in front of everyone, he’ll just leave me hanging?! This have gone far enough! I’ve been through a lot these past few days.. If he doesn’t want to believe me, then it’s his choice. I did my part..

Kenji’s POV

Potek. Nasabi ko tuloy ng di oras. Kinuha ko yung bag ko at lumabas ng classroom. Nagcut na ko ng

klase, hinde ko kayang harapin si Athena. Hinde pa siguro ngayon. Nagpunta ako sa PG. Dun lang naman yung lugar na pwede kong puntahan eh. Dun lang ako makakapag relax.

Nahihiya akong harapin si Athena.. Hinde kasi ako naniwala sa kanya. Masyado akong nadala sa kwento ni Bee, alam ko naman na hinde magagawa ni Athena yun eh. Kahit isang buwan pa lang kaming

magkakilala alam kong hinde niya magagawa yun. Pero nung nakita ko yung pasa sa mukha ni Bee,

napaniwala na niya ako. Pero nung Sunday lang may nakapagsabi sa akin ng totoo..

“Kenji, nakita ko yung girlfriend mo last last friday ah! Yung.. Athena?” si Sab. Family friend.

“Ah. Bakit? Saan mo nakita?”

“Sa tapat ng bahay nila Lucas. Nandun rin yung si Athena na isa!”

“Si Bee? Si Abigail.”

“Oo, yun nga. Mas maganda pala yung Athena kesa kay Abigail noh? Kasi si Abigail gumaganda sa

make-up eh, etong si Athena na girlfriend mo maganda kahit walang make-up. Medyo payat nga lang.”

natawa ako kasi halos lahat sinasabing payat si Athena. “Anyway, hinde magandang eksena nakita ko eh.

Sinampal nung Abigail yung girlfriend mo..” sinampal ni Bee si Athena? Ibig sabihin.. “Kenji, diba yun yung girlfriend mo?”

Napatingin ako sa direksyon kung saan nakatingin si Sab. Si Athena, nakaupo sa swing.. Teka umiiyak ba siya? Bigla kasi siyang nagpunas ng mukha eh. Tumayo siya at biglang tumakbo.

Lalapitan ko sana siya pero naisip ko rin, anong sasabihin ko? MAhihiya lang ako sa kanya.

Hinde nga si Athena ang sumampal kay Bee. Bakit.. Bakit niya ako niloko? Bakit hinde ako naniwala kay Athena?

Hinde ako makapag concentrate sa pagdodota ko. Si Athena lang naiisip ko.. Ang assh*le ko. Feeling ko napakatanga ko kasi hinde ako naniwala sa kanya.. Sa sarili kong girlfriend. Tama siya, hinde ko napansin na siya yung nasa tabi ko, na siya yung laging nandyan para sa akin..

“T*ngin*ng buhay naman to oh!” sabay hampas sa table. Bakit ba kasi nakapag bitaw pa ako ng

masasakit na salita eh. Minsan gusto ko na lang I-stapler yung bibig ko para wala na akong masabing masakit sa kanya. Ewan ko ba, hinde naman ganito trato ko kay Bee noon eh. Pero nagbago ako ng sobra sobra.. Siguro nga kasi kakaibang babae si Athena.. Kahit isip bata siya, maingay, at masungit.. Sa kanya ko napapakita yung totoong ako.

Si Athena. Hah! Sigurado akong galit yun sa akin.. Bahala na lang.

Kinuha ko agad yung bag ko at biglang tumakbo pabalik ng school. Kelangan magkaayos kaming dalawa.

Ayoko ng magalit pa siya sa akin..

Pagdating ko sa may tapat ng school nakita ko si Athena, kasama si Lucas.. Pagkatapos ng mga

pangyayari kanina, ganito pa rin makikita ko?!

Nilapitan ko sila at hinawakan yung braso ni Athena, “Tara na. ihahatid na kita.” ngumiti ako at

kinindatan siya.

Nabigla siguro si Athena sa mga sinabi ko, pero hinde pa rin nag bago yung facial expression niya.

Biglang nagsalubong yung mga kilay niya

“Bitawan mo nga ako. Sino ka para ihatid ako?”

Naggrin ako, “Boyfriend mo. Sino pa ba?”

Hinampas niya yung kamay ko na nakahawak sa braso niya, “YOU broke up with ME, remember?”

tumingin siya kay Lucas, “Tara na. nagugutom na ko eh.” naglakad na sila papalayo sa akin. AMP! Kelan ako nakipag break!? Mga babae talaga. Nagtalo lang napagkamalan na kaagad na nakipag break yung

tao! Pumasok ako sa loob ng school at nakita sila Jigs.

“Babes, ano ok na ba kayo? Umiyak yun pag alis mo eh.. Nasa clinic lang siya nung last 2 subejects..

Inasthma eh.” ASTHMA?! Meron ba siyang asthma!? Bakit hinde ko alam!? Amp!

“Ah ganun ba.. Alaws eh. Pumitik si Athena.”

“Eh pano ba naman kasi paps naniwala ka kaagad sa iba, hinde mo siya pinakinggan. Ayan tuloy mali pa nakampihan mo.”

“Oo nga Kenji, dapat pinakinggan mo si Athena, alam naman nating hinde niya magagawang manampal

ng ibang tao eh. Tingnan mo nangyari. Buti na lang nandun si Sara para maasikaso si Athena. Kung hinde lagot na.”

“Sige paps, una na kami.” tinap ni Kerb yung balikat ko

Lumapit si Jigs tapos bumulong, “Nakela Athena lang kami, ok?” nag nod ako.

Umakyat ako sa 4th floor para pumunta sa locker ko. Kinuha ko yung box ng necklace na binili ko para kay Athena. Bibigay ko dapat yun nung September 21.. Pero absent naman siya.. Nung pumasok naman

siya, nag talo pa kami. Anak ng. anong klaseng buhay ba meron yung babaeng yun! Laging gusto ng gulo eh! Pumasok ako sa may classroom para umidlip.

‘Ano ba yan.. Ang ingay naman!’ sabi ko sa sarili ko habang nakapikit. Tuloy tuloy parin yung tunog na nakakairita. Dumilat ako at pag tingin ko sa may bintana madlim na. tiningnan ko yung cellphone ko para tingnan yung oras. 7:03 na amp! Naka tulog pala ako ng matagal!

“Hassle.”

“Si..si..sino yan?? May tao ba?” sino kaya yun?! Parang familiar yung boses na yun ha.

May nag bukas ng pintuan ng classroom. Pagtingin ko, si Athena.

“Ikaw pala. Sige mauna na--” napatigil siya sa pag salita nung narinig niyang may sumalpok na pinto.

“Bakit nandito ka pa? Diba kasama mo yung boylet mong umalis?”

“Hinde ka pa ba uuwi..? Gabi na oh..” iniwasan niya yung tanong ko. Ang weird niya, kinakausap niya ako pero nakatingin siya sa labas ng classroom.

“Bakit ka ba bumalik ng school?”

“Naiwan ko yung book ko sa algebra eh. Tara na.. kanina pa ko may naririnig na nagbabang na door

eh.” Akala ko naman dahil sa akin. Pati, potek naman. Pati ako dinadamay sa kabadingan niya eh! Hinde naman lahat ng matatapang, matapang talaga eh.. May kinakatakutan din minsan yung mga matatapang

na lalaki. Katulad ko, nababading ako pag nakakatakot na pinag uusapan! HAHA Taena umamin!

May sumalpak na namang pintuan. Napatayo ako sa kinauupuan ko, “Tara na, sabay na tayong

bumaba.” nagnod kaagad siya. Sabay kaming naglakad.. Tahimik kami pareho. Siguro nagkakahiyaan pa

dahil sa nangyari kaninang lunch time.

Habang naglalakad kami, namatay bigla yung ilaw. Naramdaman ko yung pagkapit sa akin ni Athena,

halatang natatakot siya.

“Ano ka ba, nandito lang ako, ok?” hinawakan ko yung kamay niya, hinigpitan niya naman yung

pagkahawak niya sa akin. Pagdating namin ng 2nd floor buti na lang at may ilaw na, makakababa kami ng maayos sa may lounge.

Binitawan niya yung kamay ko, “Sige, mauna na ako.. Thanks sa pag sabay sa akin.”

“Hatid na kita sa inyo.” umiling siya

“Iniintay ako ni Lucas sa may gate.” nag bow siya sa akin “Sige.” I nodded.

Kasama niya parin si Lucas. Tss. Bakit hinde niya sinamahan si Athena kumuha ng libro? Alam naman

niyang pwede na siyang pumasok dito dahil gabi na! kalokohan! Anak ng. badtrip.

Pumunta ako sa may park para makapag isip. Masyado na akong naguguluhan simula nung nakilala ko si Athena, palagi akong nasstress eh. Nagsindi ako ng yosi at umupo sa may bench.

Si Lucas.. Bakit niya kasama si Athena? Meron ba akong hinde nalalaman? Siguro gusto lang bumawi ni Lucas dahil sinampal ni Bee si Athena. Pero taena. Eto na naman siya! Si MR GOOD GUY. Gaya nga ng

sabi ni Athena, PSH.

Nakaka 4 na yosi na ako, 39 minutes na rin akong nandito sa park. Minsan lang ako mapagisa ng ganito.

Nung hinde pa namin kilala sila Athena lagi lang kaming nasa gimikan nila Jigs at Kerb. Pero simula ng nakilala namin yung magkaibigan, hinde na kami madalas umalis. Siguro tama lang yun, bumabait kami ng konti, nababawasan yung away na napapasukan namin, at nababawasan rin yung gastos. Simula nung

dumating yung dalawa, medyo naging ok na rin yung kambal. Dati hinde talaga sila nag papansinan, pero napansin ko ngayon na hinde na sila madalas mag sigawan, siguro twice a week na lang. Ewan ko lang pag dating nila sa bahay. Siguro every 2 hours nagsisigawan yun!

*bzzzzt*

From: Jigs

Babes! Pnta ka d2 kela Sara! Si Athena.. Inaatake nnman ng asthma.. Namumutla ulit eh..

Tumakbo kaagad ako papunta kela Athena pagkabasa ko ng message ni Jigs. Ano na naman bang pinag

gagagawa ni Athena at inatake na naman siya ng asthma niya!? Nag tatatakbo ba yun!?

Nagdoorbell ako, hinde ko tinigilan yung pag pindot sa doorbell hanggang hinde nila binubuksan yung gate. Lumabas si Jigs at agad binuksan yung gate.

“Nandun siya sa loob, puntahan mo na!” seryoso yung mukha niya. Anak ng tipaklong ka naman

Athena oh! Bakit mo ba ako pinag-aalala!?

Pagpasok ko sa loob, nakita ko sila Kerb, Grace at Sara nakaupo, seryoso yung mukha at mukhang

kinakabahan..

“Asan si Athena!?” tinuro ni Sara yung may kitchen

Nilapag ko yung bag ko sa may upuan at nagmadaling maglakad sa may kitchen

Nakita ko si Athena, nakatayo.. Nakapatong yung kamay niya sa may lababo, namumutla yung labi.

Hinawakan ko siya sa may balikat niya

“Ok ka lang ba?? Nakainom ka na ng gamot?? Bakit ba lagi ka na lang namumutla???” napatingin siya

sa akin, parang nag tataka sa mga sinabi ko.

“Ano bang pinag gagagawa mo?? Bakit ang putla mo??”

Tinaas niya yung right hand niya tapos pinakita niya yung hawak niya sa akin

“Ano yan!? Bumara ba yan sa lalamunan mo?? Ok ka lang?” umiling siya

“Kumakain ako nito.. Sabi nila normal lang daw maging ganito yung lips pag kumakain ka ng butong

pakwan eh..”

Kumakain lang siya ng butong pakwan?!!? “JIGS!!!!!!!!!!!!!” tumakbo ako papunta sa may living room para mabatukan si Jigs, pero pag dating ko dun, wala na silang apat.

“Potek. Plinano nila to.” tiningnan ko si Athena, umiinom ng tubig. Siguro gusto lang nilang magkaayos kami. Nagsasawa na siguro sila na nakikita kaming hinde nagpapansinan.

Pumunta siya sa may living room at umupo sa may sofa. Binuksan niya yung tv, at nag simula na naman kumain ng butong pakwan.

“Bakit nandito ka? Niloko ka nila noh? Psh. Ok lang ako. Sige, pwede ka ng makaalis. Kung hinde ka pa rin maniniwala na ok ako, edi kaw bahala.”

Umupo ako sa may tabi niya, “Alam ko na yung totoo. Sorry..” napatingin siya sa akin, “Oo alam ko, kasalanan ko naman yun eh, hinde ako naniwala sayo.. Napaniwala niya akong sinampal mo siya. Pero

ang totoo ikaw sinampal niya..” Sinabi ko sa kanya habang nakatingin kami pareho sa tv.

nagkatinginan kaming dalawa at hinawakan yung mga pisngi niya, “Masakit pa ba?” nakatitig lang siya sa akin, “Hinde kita naprotektahan nung sinaktan ka niya..”

Tinanggal niya yung kamay ko sa mukha niya.

“Hinde mo kasi akong kayang protektahan pag dating kay Abigail. Hindi ko narin kelangan yung

pagprotekta mo sa akin. Kaya kong protektahan sarili ko.”

Galit parin siya hinde ko alam kung anong pwede kong gawin para mabawasan yung galit niya sa akin.

Hinde ako sanay ng ganito.. Yung magsosorry ka kasi alam mong mali ka, alam mong masyadong masakit yung nagawa mong kasalanan sa kanya..

Hinde rin ako sanay mag sabi ng ka-cheesihan kasi hinde ako ganun eh. Siguro akala ng iba sweet ako, pero ang totoo hinde.

“Wag ka na magalit! Ha?” ngumuso ako. Dun kasi siya magaling eh, ang ngumuso.

“Ganun na lang ba kadali yun? Chi. Bigyan mo nga ako ng dahilan para patawarin kita! Eh palagi mo

akong sinasabihan ng tang@, bading, TINAPAY, sinungaling, alila mo! Sige nga! Ano sa mga yun ang mag foforgive sayo? Anong pang nakalimutan ko sa mga sinabi ko?? Ah.. FLATSCREEN!!” humarap ulit siya sa tv tapos ngumuso.

“Tss. May bago ka ng expression ha! Chi.” tapos natawa ako. Iniipon niya pala yung pangaasar ko sa kanya.

[a/n: Chi, parang Tss, psh.. pero Chi spelling. CH yung pag sabi.]

Humarap ulit siya sa akin, “Anong nakakatawa dun??? Nag joke ba ko para matawa ka??”

Hininto ko pag tawa ko tapos nag smile sa kanya, “May nakalimutan ka kasi.”

“Ano?”

Kinuha ko yung bag ko tapos binuksan ito. Kinuha ko yung box at inabot kay Athena, “Eto oh” nakatitig lang siya sa box na inaabot ko

“Ano to?”

“Buksan mo.” kinuha niya yung box at binuksan niya. Na-surprise ata siya sa nakita niya kasi medyo nag smile siya ng konti

“SL? Ano kaya yun..” mahina niyang sinabi.

[a/n: read as S L / ES EL]

“Mag-date tayo. Hinde ko mapropromise na hinde kita masasaktan pero susubukan kong hinde. Kilala

mo naman ako eh.. Hinde ako sweet na tao. Kaya nga binansagan mo akong GANGSTER eh, dahil sa ugali ko. Let’s date again.. Wala ng deal.. Date lang naman eh.”

Nakatingin lang siya sa akin. Hinde siya nag sasalita hinde siya sumesenyas. Nakatitig lang. Hinde niya sigurong ineexpect na sasabihin ko yun sa kanya. Kahit rin naman ako eh, hinde ko ineexpect na

magiging ganito.

Nagsmile ako sa kanya, “Halika nga dito..” hinawakan ko kamay niya tapos hinila papalapit sakin. I hugged her.

“Iniintay ko sagot mo huy.. Ano?” tinanong ko siya habang nakahug ako sa kanya.

“Pero natatakot ako..”

“Nanun jin jja jo-a hae..”

Athena’s POV

“Na neun jin jja jo-a hae..”

“Ano raw? Hinde ko naintindihan! Sara anong sabi ni Kenji?” napatingin ako sa may window, nakita ko silang apat nakasilip, pero nung nakita nila akong nakatingin sa kanila biglang nag tago. Psh. Huli na nga nag tago pa bigla!

“Kenji.. Nasa labas lang sila Sara.. Nakikinig.” biglang bumitaw si Kenji sa pagka hug niya sa akin.

“LUMABAS NA NGA KAYO. TAPOS NA YUNG PALABAS.” hinde parin sila nagpapakita. “LABAS!!!!!!”

hinampas ko si Kenji

“ANO BA!!! PATI AKO NAGUGULAT EH!! BAKIT BA KELANGAN MONG SUMIGAW?”

Tumakbo papasok silang apat. Aba narinig lang nilang nagtatalo kami. Nakasmile silang apat sa amin, lalo na si Sara. Naintindihan niya kasi yung sinabi ni Kenji.

BOOK: She's Dating the Gangster
4.93Mb size Format: txt, pdf, ePub
ads

Other books

Without Scars by Jones, Ayla
The Wolves of London by Mark Morris
Love Condemned: Beginnings by Stephanie Brown
Typhoon by Charles Cumming
Fordlandia by Greg Grandin
Throw Away Teen by Shannon Kennedy
Incoming Freshman by Carol Lynne