Read She's Dating the Gangster Online

Authors: Bianca Bernardino

She's Dating the Gangster (22 page)

BOOK: She's Dating the Gangster
4.74Mb size Format: txt, pdf, ePub
ads

dalawa eh! Teka.. kapatid ko si Kendi ah!?

“Let’s go inside. I made a reservation here two days ago.”

Planado pala to. Itutuloy niya pa ba yung prinomise niya kay Athena? Hinde niya ako pinakilala bilang boyfriend niya..

Nakaupo na kaming tatlo, tahimik lang sila. ang awkward, parang lumabas na epal ako. tss. I don’t care.

Hinde ko hahayaan si Athena maiwan mag isa sa isang buwaya!

“You look pretty today. I told you, you should tie your hair more often.” Tapos ngumiti siya kay Athena Badtrip to ha. “Talaga? Mas bagay sayo naka lugay. Mag clip ka na lang.” nag pout siya sa akin,

“Mag.lugay.ka.” tinanggal niya sa pagkatali yung buhok niya. medyo kumulot yung buhok niya pero

maganda pa rin. kinuha niya yung clip niya sa bag at sinuot ito. Good girl.

Dumating na yung inorder namin, si Tae Sung kinuha yung plate ni Athena, tapos nag smile. Siya na nag hiwa sa steak ni Athena. Kumunot lang yung noo ko, hinde ko na lang pinansin yun kaya pinag patuloy ko na lang pag kain ko.

Nag usap silang dalawa na parang magkaibigan lang sila. si Athena napapansin kong medyo naiilang.

Natapos na kaming tatlo kumain, nag order pa si Tae Sung ng dessert.

“Athena tatawagan ko lang si Kirby.” Tumayo na ko tapso pumunta sa may cr.

Alam ko naman na gusto nilang mag solo eh. bibigyan ko sila ng panahon para magusap.

‘Pano pag susuma si Athena kay Tae Sung, papayag ba ako?’

*imagination*

“Kenji, oppa needs me now. I’m going back to Korea with him.”

“Thank you for taking care of Athena. We’ll invite you to our wedding. Have a good life.”

ANO BA TO! AMP! Nag hilamos ako, para naman mahimasmasan ako kahit papaano. Hinde! Walang

time time! lumabas ako ng cr at nag lakad na pabalik sa table namin.

“..wag ka ng mag Korean. Maiintindihan ka rin naman ni Kenji eh.” napahindo ako sa pag lalakad at nag tago sa may pabilog na wall-na-ewan.

“Is he Korean?”

“Oo. Half-korean. Parang ikaw.”

“Ya. Respect me. I’m your oppa.”

“Bakit ka ba nandito?”

“Do you still remember what I’ve promised you?” hinde nag salita si Athena, “I know I’ve been an

@ass.. but I’ve changed. Can we start again?” eto na nga ba yung kinatatakutan kong tanong..

“You know what? I really appreciate this dinner and your visit.” Huminto siya sa pag sasalita, “Sure. We can start again..” TA&%#$@!!! Ano to!? Potek naman. Eto masama pag nakikinig ka sa usapan ng ibang tao eh.

“Really??”

“Yep. As friends.”

“WHAT? that’s not what I’m asking.. I want you to be my--

“Actually now, I’m glad that you cheated on me. Because if it wasn’t for you.. I would have never met him.”

“Who? Kenji?”

“I thought being his girlfriend was a mistake, but I was wrong. I guess this is where I’m supposed to be, right? With him..” narinig ko siyang tumawa, “Cheesy huh? So please.. don’t screw everything up.”

Siguro naman time na umepal ng isang gangster diba? Kaya nag pakita na ako sa kanila, pero siyempre kunwari wala akong narinig.

Tumayo si Tae Sung, “I won’t.” tapos nag smile siya kay Athena. Humarap siya sa akin, “I have to go. I paid already so you don’t have to worry about the bill. Nice meeting you Kenji. Take care of Athena.”

Nag smile siya tapos tinap niya ko sa may balikat.

CHAPTER TWENTY SEVEN

“Athena, pupunta kami ng canteen ni Kirby. May gusto ka bang ipabili?”

I shook my head. Tumalikod na sila tapos lumabas ng clasroom.

Simula nung Sunday, hirap na akong kausapin pa si Grace. Sa MSN hinde ko siya nirereplyan, pag

nagtetext naman siya late ako mag reply, sa landline iniiwasan ko pa rin siya. natatakot kasi ako na baka bigla kong masabi sa kanya yung mga nakita ko. I don’t want to hurt her.

Lumabas ako ng classroom para mag lakad lakad sa hallway, sa pag lalakad ko nagkasalubong kami ni

Abigail. Napatigil kami pareho sa pag lalakad. Parang tumigil pareho yung mundo namin.. nagtitinginan lang kaming dalawa.

Naglakad na ako pabalik ng classroom at may biglang humawak ng kamay ko tapos hinila ako sa may

mga lockers

“Kenji..” I greeted him as he hugged me

“Sorry lovebabe.. Kung gusto mo talagang sabihin kay Grace ok lang.. kung gusto mo tayong dalawa pa magsabi para hinde ka mag panic sa mangyayari. Basta wag mo ng gagawin yung ginawa mo sakin

kahapon, pati wag mo na akong iiwasan.. hinde ko kaya.”

Sino ba naman kasing hinde maggalit sa ginawa niya diba? Dapat sinabi niya pa rin sakin na alam na niya na niloloko nung Gino si Grace, hinde niya ba ko pinagkakatiwalaan? Girlfriend niya ko diba? Dapat sinasabi niya sakin lahat.. Tapos bigla ko na lang malalaman na alam niya yung mga kalokohan na

nangyayari? psh.

“Hinde ko na sasabihin. Tama ka.. Mas masakit pag sakin niya pa nalaman yun. Haay.. ewan ko. pati

ako naapektuhan.” Binitawan na niya ako tapos hinawakan yung kamay ko

“SEE!! Sabi na sayo eh! Kulit mo kasi!” napanganga na lang ako sa sinabi niya, ano ba to! Nag sosorry siya tapos biglang hihirit ng hinde tama!!

“Wag mo na lang masyadong isipin yun, ok? Tara na, si Carlo dumaan sa classroom hinahanap ka may

dalang pagkain.” Nag nod ako tapos hinawakan niya yung kamay ko at naglakad na kami pabalik ng

classroom

Habang nag lalakad kami sa hallway nagtitinginan samin yung ibang students. Sino ba namang hinde

magugulat, hawak ni Kenji yung kamay ko. Samantalang dati sabay lang talaga kaming mag lakad.

Sinubukan kong bumitaw sa pagkahawak niya pero hinihigpitan niya yung hawak niya. “Kenji, let go of my hand. Ang weird ng feeling, pinag titinginan nila tayo.”

Huminto siya sa pag lalakad niya,kaya pati ako napahinto rin.

“Mas weird pag ginawa ko to” hinawakan niya yung dalawang kamay ko tapos he kissed me on the lips.

Halos lahat ng nanonood nagulat. Kahit ako hinde nakagalaw dahil nagulat ako sa ginawa niya. bigla na lang nag sigawan yung mga taong nakakita. Ano ba to! Kung ano na lang ang maisipan niya ginagawa

niya! ibang klase..

Pagpasok namin sa classroom nag palakpakan yung mga kaklase namin

“HOY KAYONG DALAWA!! WAG NAMAN SA MAY CORRIDOR DIBA??”

Tiningnan ni Kenji yung lalaking sumigaw

“Asan na ba yung dalawang yun? Nag tatakbuhan kanina sa may corridor yun eh..” napakamot siya ng

ulo tapos lumabas ng classroom. Wow. Biglang bawi. Natawa na lang ako sa gnawa nung classmate

namin. Pumunta na ko sa may upuan ko pero napatingin ako sa may backdoor. Wow sinasayang nila

yung lamig ng room, lumalabas yung lamig ng aircon eh. Hinahayaan lang nilang nakabukas.

Tumayo ako para isara yung pinto pero nakita ko si Grace sa may veranda, magisa. Nilapitan ko siya para itanong kung may problema siya pero pag lapit ko tumingin kaagad siya sa akin tapos ngumiti, “Wag na tayong pumasok! Samahan mo ko.. kelangan ko mag vent.” Nagulat ako sa sinabi niya, pero pumayag

ako.

Hinde sa kinukunsinti ko yung plan niya pero alam ko kasi yung ibig niyang sabihin. Alam kong nasasktan siya ngayon at kelangan niya ng kaibigan.

Kinuha namin yung mga gamit namin tapos tumakbo na kami pababa sa may side stairs. Pagkalabas

namin sa may back gate bigla siya umiyak

“Niloko niya ako..”

“Hinde kita maintindihan Grace..” I lied.

“Si Gino.. Niloko niya ako..” I hugged her, “Athena habang kami pa, sila rin ni Abigail.. hinde ko alam kung saan ako nagkamali.. hinde ko alam..”

“Tama na.. Wala kang ginawang mali.. Hayaan mo na lang muna siya.. Baka--”

“SAAN AKO NAGKULANG?? Binigay ko naman lahat ng kelangan niya eh.. Lahat ng ayaw at gusto niya

sinunod ko.. Ano pa bang kulang??”

Sa totoo lang, hinde ko alam kung anong sasabihin ko kay Grace, wala akong experience sa ganitong

situation..

“Alam na ba ni Jigs to?” umiling siya, “gusto mo bang ako na lang magsabi sa kanya? Baka siya pa

makapag bigay sayo ng advice..”

“WAG!! Magagalit siya pag nalaman niya to.. Hinde mo lang alam kung paano siya magalit.. Kung yung nakikita niyo sa kanya yung cute side, sobrang kabaligtaran yun pag nagalit siya, nakakatakot..”

Hinde ko pa nakikita kung pano magalit si Jigs pero sa pagkasabi at reaction pa lang ni Grace, parang nakakatakot nga. Dinala ko si Grace sa bahay, since wala na rin kaming mapuntahan. Pagdating namin sa bahay nakita namin si Sang Min oppa, nanonood ng tv

“Ya, oppa! This is my friend Grace.” tapos humarap ako kay Grace, “He’s my brother, Nathan. Oppa

means older brother.”

“Yo.” sabi niya kay Grace. Si grace naman nag smile lang. ‘Yo’?! ano kayang bati yun?

“Hinde kayo pumasok??” umiling kami pareho. “YA!!!!”

“WAE?! I TOLD YOU NOT TO SHOUT AT ME INFRONT OF MY FRIENDS!!!”

Nagsmile bigla si Kuya Nathan, “Mi an..” *Sorry+

“ANYWAY, she just got dumped by her boyfriend. She asked me to play hooky with her!” bigla akong

hinampas ni Grace sa may braso

“Hoy gag0 ka! Hinde ako na dump noh!! Niloko niya kaya ako!” sabay natawa kami ni Kuya Nathan

dahil sa pagiging defensive ni Grace.

Nagstay lang kaming dalawa sa bahay, siyempre mabilis na nakalimutan ni Grace na kelangan niya

magmourn dahil sa namatay nilang love ni Gino. Oppa’s her medicine huh? Kung magusap silang dalawa akala mo matagal ng magkakilala eh! Nagkwentuhan pa about sa lovelife nila pareho!

Speaking of lovelife.. The reason why oppa left qc was because he got dumped by this chick from his school..

“YA!! I HEARD THAT BABO! She didn’t dump me!” *babo = stupid+

Ganun ba kalakas pagkasabi ko?? wasn’t I talking to myself? Weird..

“Then why did YOU let HER go?”

“I didn’t let.. Her.. Go..”

“STOP PAUSING! YOU’RE RUINING THE MOMENT!”

“SHE’S MARRIED, OK?? Bianca‘s married!”

Napatingin kami bigla ni Grace kay kuya Nathan, pareho pa kaming napa nganga! What a loser! Sa babae mistress siya! Pero kung unisex isa siyang KABIT! LEECH! SABIT! SINGIT! THIRD WHEEL! PANIRA!

MANGAAGAW! SNAKE! Need I say more?

Natawa si Grace bigla.. What?? Was she thinking the same way too??

“YA! Wala akong ginawa noh!! I didn’t make a move!!! Shut up!” tumayo siya bigla “Kayong dalawa!

Hinde ako kabit, snake, third wheel, panira.. etcetera! Manahimik na nga kayo!” tapos pumunta sa

kwarto niya

“Bakit hinde mo sinabing may kuya kang gwapo?!!”

“Ngayon pa lang ba kayo nag kakilala?? Alam ko pinakilala ko na siya sayo noon ha??”

“NGAYON PA LANG KAYA! Ikaw!! Makakalimutin ka talaga! Buti hinde mo nakakalimutan yung

boyfriend mo noh?”

I scratched my head. Bakit ko kaya makakalimutan? Eh boyfriend ko nga yun? Eto ba epekto ng naloko?

Nagiging weird? Oppa went out to buy something, Kenji arrived around 2:30 pm.

Lumabas ako para salubungin si Kenji sa may gate “Hey babe!” tapos hinug ko siya. Nagulat ata si Kenji sa bati ko kasi medyo weird yung facial expression niya nung pag tanggal ko ng hug sa kanya. Nilapitan ko siya tapos bumulong, “Ayan oh! Kanina tatawa tawa na yan sa harap ni oppa pero ngayon

nalulungkot na naman! Pag sabihan mo nga! Hinde ko na alam sasabihin ko eh..”

Nag nod si Kenji. Pumasok na kami sa loob ng bahay tapos umupo kami sa may living room kung nasaan si Grace.

“Bakit kayong mga lalaki ganyan.. Binibigay naman naming mga babae lahat ng kelangan niyo ah,

sinusunod namin kayo.. Pero bakit sa bandang huli.. Parang hinde pa rin sapat yung mga ginawa

namin?”

“Hinde naman lahat ng lalaki ganun Grace eh.” nag grin si Grace

“Alam niyo, ang hirap kasi sa inyo, hinde kayo nag sasalita pag ayaw niyo na yung nangyayari. Ayaw niyo umamin na fed up na kayo sa mga away, sa gulo, sa amin.. Hinde niyo ba naiisip na hinde lang kayo yung may pakiramdam?” she sighed, “Napapagod din naman kami.. Nagagalit.. Nahihirapan..

Nasasaktan…..”

I really don’t know what to say. Para lang akong mannequin sa gitna ni Grace at Kenji, titingin sa left kung turn na ni Kenji mag salita, titingin sa right kung si Grace naman babanat.

Halos 25 minutes na silang nag uusap tungkol sa mga ‘lalaki’ halos parang debate na yung nangyayari pero puro feelings. Siyempre si Kenji hinde masyadong pinapatulan yung mga masakit na words ni

Grace. Although hinde naman siya masakit, parang realization na lang for the guys yun.

“Grace, may mga bagay lang na hinde talaga maiiwasan. Gaya nga ng sabi mo, ibang klase kaming mga

lalaki. Pero hinde ibig sabihin nun na pare-pareho kami ng ugali. Siyempre merong malala at meron rin namang nasa tamang isip pa.”

Malala? Tamang isip? May mga stages pala yun? Parang normal, mild, moderate and severe? Parang

sakit lang pala mga lalaki eh!

Inakbayan ako ni Kenji, “Kung wala kang ibang masabi, wag mo ng isama yang normal, mild, moderate at severe mo. Ikuha mo na lang kami ng maiinom.” tapos nag smile siya sa akin. Nag pout lang ako.

“Nabasa mo yung naiisip ko??”

Umiling siya. “Malakas ka bumulong eh. Tapong ngumingiti ka pa magisa. Sige na, kumuha ka na muna

ng maiinom namin, please?” argh! I hate it when he smiles!! Tumayo ako para kumuha ng juice, medyo maririnig ko pa naman pinaguusapan nila kahi nasa may kusina ako eh. And to think na malakas boses ni Kenji, rinig na ring ko yun!!

“Sakin ba gumaganti si Abigail? Wala naman akong ginawang masama sa kanya ha! Alam rin niya na

kami ni Gino, kaya bakit sia papayag na maging sila?! Kenj, sabihin mo nga sakin, ano ba pinaguusapan niyong dalawa sa school tuwing mag kakasalubong kayo? Tuwing nakatalikod si Athena, ano

pinagkkwentuhan niyo?”

Naguusap pa sila ni Abigail…? Tuwing nakatalikod ako? Tuwing magkakasalubong? Bakit hinde niya

sinasabi sa akin yung mga yun? Kelangan ba talaga niyang itago sakin yung pag uusap nila ng patago?

“Naguusap ng patago? Anong pinagsasabi mo?”

“Wala sa tapat natin si Athena, Kenji bata pa lang tayo magkaibigan na tayo. Alam kong hinde pa rin nawawala si Athena Abigail mo diyan sa puso mo. Kahit na sabihin mong mahal mo si Athena, hinde mo maitatanggi sa sarili mo na may parte dun na kaya mo siya minahal dahil magkapangalan sila. Diba nga Athena pinapatawag mo samin kay Abigail?”

Ayoko na sanang makinig. Pero hinde gumagalaw yung katawan ko. Ayaw mag lakad ng mga paa ko.

Totoo kaya yun? May part na kaya lang niya ako love because of my name? weird.. Ganun ba niya ka-

mahal yung name ni Abigail? Kaya pati kapangalan papatulan niya?

“Grace, tama na.. wag mo naman I-damay si Bee at Athena..” Bee.. Tinawag na naman niyang Bee si

Abigail.. Ano ba yun? Pag kaharap lang ba niya ako tatawaging Abigail tapos pag nakatalikod na ko, Bee na ulit? Ang labo. Ang gulo. Kenji ano ba talaga..

“Hinde ko siya dinadamay. Kanina ko pa talagang gusto sabihin na siya yung naging dahilan kung bakit nagkagulo kami ni Gino. Alam niyang may girlfirend yung tao, bakit pa siya pumatol? Pati.. Alam kong alam mo yung mga nang yayari noon pa lang, bakit hinde mo ako sinabihan? Nung nangyari naman to

sayo nood ako unang nagalit diba? Pinagtanggol kita. Ginawa ko lahat para lang hinde kayo maging

magkaklase ulit. Bakit ikaw hinde mo ako magawang ipagtanggol?”

Nilagyan ko na ng juice yung baso at bumalik na sa may living room. Nagkakainitan na silang dalawa, masyado na rin akong maraming nalalaman. Hinde ko na kayang makinig pa sa usapan nila.

“Hinde ka na mahal nung tao. Hayaan mo na lang siya..” sabi ni Kenji. Ang cold nung pagkasabi niya lalo na galing pa sa isang lalaki.

Napatingin kami kay Kenji, “Oo. Naguusap pa kami ni Bee. Pinagsabihan ko siya. Pero Grace, si Gino rin ang may kasalanan. Kung mahal ka talaga nung lalaking yun hinde siya mag hahanap ng iba.”

“Sa bagay. Tama ka rin sa sinabi mo.. Ok lang.. tanggap ko na rin naman eh..”

OMG! Nababaliw na ata tong dalawa! Kanina ag seryoso ng pag uusap nila tapos biglang dadating sa ‘OK

LANG’? wtf?! Mababaliw na ko sa mga taong to eh. Alam niyo yun? Ang seryoseryoso masyado.. Tapos

ako rin nadadala kasi hinahalungkat yung past.. Tapos biglang BOOM! Tanggap na nila pareho. Dahil lang ba sa nakaharap ako kaya biglang nag bago yung mood? Hinde naman siguro..

“GIIIRRRLLSS!! IM HOOOME!!!”

Napatayo bigla si Grace, “SI NATHAN!!!” sabi niya habang pumapalakpak tapos tumatalon talon pa!

“AKO MAG BUBUKAS SA KANYA NG GATE!!” nagmadaling lumabas si Grace para buksan yung gate

Tinuro ni Kenji si Grace, “crush niya si Nathan?”

“Ewan ko dyan.. Sabi niya gwapo eh, pag ganun ba crush na?”

Nag smile siya tapos kinurot yung pisngi ko, “you’re so naïve, babe.”

Narinig na namin si kuya Nathan at Grace papasok sa loob ng bahay, nagtatalo pa ata sila!

“Lumayo layo ka nga sakin!! Pagkatapos mo kong sabihan ng kabit didikit dikit ka ngayon sakin!

Hmph!” tumalikod si kuya Nathan kay Grace

“Bati na tayo! Ano ba! Heartbroken ako! Dapat inaalagaan mo ko!”

“Kanina lang kita nakilala! Hinde pa tayo friends!” nag pout si Grace kay kuya Nathan. Uh-oh. Mag

babago na si kuya niyan.

“Im just kidding! I bought you an ice cream!! Let’s go to the kitchen!!”

Nagmadaling pumunta yung dalawa sa kitchen at iniwan kami ni Kenji sa may living room.

“Kanina pa kita tinatawagan, bakit hinde mo sinasagot yung phone mo? Nag-alala ako nung bigla

kayong tumakbo ni Grace palabas ng classroom eh.. Hinde ko na kayo nahabol kasi sakto dumating yung teacher natin.”

BOOK: She's Dating the Gangster
4.74Mb size Format: txt, pdf, ePub
ads

Other books

Me vs. Me by Sarah Mlynowski
The Circle of Eight by J. Robert Kennedy
Sueños del desierto by Laura Kinsale
Riptide by Michael Prescott
Problems by Jade Sharma