Ang Boyfriend Kong Artista (43 page)

BOOK: Ang Boyfriend Kong Artista
11.81Mb size Format: txt, pdf, ePub

abnoy na monster nàto! =_=

"Seryoso kasi!"

Di siya nagsalita tapos dinala niya ako sa... Topshop?

"Teka, dinala mo ba ako dito... dahil, kelangan ko magbihis ng matino?"
Nag-nod siya.

"Kahit fake girlfriend lang kita, ayokong magmukha kang basura."
Tss. >_< Nahurt ako ng onti sa sinabi niya pero di ko pinahalata.

Ang astig naman ni Winnie the Pooh ha?

"Paano yan? Naiwan ko wallet ko."

"Ako na magbabayad. Kelangan ko rin naman magpalit. I'll buy na lang sa Topman."

"Nakakahiya!"
Tumawa siya bigla.

"Okay lang yun, girlfriend naman kita."

"Eeeeeh..."

"Dali na, basta, kumuha ka ng semi-formal pero casual ha?"

"Sige na nga."
Umalis na siya at pumuntang Topman. Kabila lang naman e.

Grabe, napatingin ako sa wall ng Topshop, andun si Bryan! Model pala siya nito. Tss. Well, whatever. =_=

Tumingin-tingin na lang ako sa mga teen's section. Ang cucute! ^____^

Sa wakas, nakakita na rin ako ng susuotin ko. Dress siya na blue na floral pero casual lang. Pero cute. Tapos may kapartner na siya na shoes. Ang cute talaga.

Hinintay ko si Bryan, syempre. Siya magbabayad eh.

"Nakahanap ka na ng susuotin mo?"

"Oo. Ikaw?"

"Yup. Bayaran ko na. Akin na."
Binigay ko sa kanya yung damit at medyo nagulat siya.

"Blue rin sayo? Ganun rin akin."
Nakita ko yung binili niya, v-neck na blue tapos maong pants. Ang cute.

Siguro ang hot niya kapag sinuot niya na yun...

UGH EYA MAGTIGIL KA! ERASE ERASE ERASE! =_______=

Tinititigan ako ni Bryan na para bang nababaliw na ako o ano. Tss. Epal kasi ng hotness este ng ugali niya eh! >_< Nung nabayaran niya na in cash, dahil ayaw niya mag-card dahil mahahalata na siya si Bryan Lim, e pumunta naman kami sa salon sa first floor. Wala pa naman daw customer at kilala daw niya yung may-ari nun kaya kahit hindi na kami magdisguise, isa pa, malapit na yung parking lot dun kaya walang hassle sa part namin, kung sakaling habulin daw siya ng
"fans"
niya. Fans niya mukha niya!

Pagkapasok namin ng salon, biglang may lumapit samin.
"Goodmorning! Wait, Bryan is that you?"
Tinanggal na namin yung disguise at niyakap ni Bryan yung babae. She looks like 45 or something, pero maganda.

"Ang gwapo mo na!"
Nagsmile lang si Bryan sa kanya.

"Tita, this is Eya, my girlfriend. Eya, this is my Tita Jeanie."

"Nice to meet you po."
Nagshake hands kami pero niyakap niya ako pagkatapos.

"You're very pretty, iha."
Nagsnort lang si Bryan. Tae siya. >_<

"Thanks po."

"So, I assume na kaya kayo andito dahil sa interview niyo later?"

"Yup. Paano mo nalaman Tita?"

"Well, your Mom called me kasi."

"Ah."
Biglang sumimangot si Bryan. Problema neto?

"So, Eya, ikaw lang ba magpapaayos?"

"Uh. Opo."
Di ko alam kung anong gagawin. =_=

"Ikaw na bahala sa kanya Tita, babalik ako after an hour, may kukunin lang ako sa house."

"Okay Bryan, how about her clothes?"

"Ah. Tita, may clothes na po ako."
Nagsmile lang siya sakin.

"So, let's not waste time. Ako na mismo mag-aayos ng hair mo, tapos papamake-up ka na rin

mamaya. Anong color ng clothes mo?"

"Well, blue po siya."

"Sure thing. Sige, Bryan? Ingat ka."

"Bye tita. Bye Wifey."
Ugh. The wifey thing. >_<

"Bye hubby."
Tapos umalis na siya ng salon.

"Ang sweet niyo naman! Naalala ko yung kabataan ko sainyo."
Nagfake-smile na lang ako. Eh kasi naman e.

Nakakailang. =_=

"Hehe."

"Ikaw ang first girlfriend niya diba?"
Nagnod lang ako.

"Oh well, I'm happy for you both. Alam na din `to ni Bart at Elise. Yung mom and dad nila. And I'm

sure, masaya rin si Bettina kung nasaan man siya."
Wait, Bettina? Yun yung sa facebook diba?

"Ano niya po ba yun?"

"Hindi pa ba niya nakwento sayo?"

"Hindi pa po eh."
Okay, I'm getting curious.

"Osige, kkwento ko sayo. Pero upo ka na Eya, I'll fix your hair."
Umupo nako at hinayaan si Tita J na ayusin yung hair ko.

"Half-sister niya yun. Anak ni Bart, yung dad niya, sa ibang babae. Well, nung namatay yung nanay ni

Bettina, napunta siya sa poder ni Bart. Nung una nga, di matanggap-tanggap ni Elise e. Pero

syempre, dahil mabait na bata si Bettina, tinanggap nila. Pero syempre, tinago nila yun sa lahat."

"Paano pong tinago?"

"Kunwari inampon na lang si Bettina, dahil gustong magkaroon ng anak na babae si Elise. Ganun na

lie, atsaka, takot kasi silang makakaaffect yun sa career ni Bryan. At syempre, sa company nila Bart

at Elise."

Okay. Clinose ko yung bibig ko kasi napanganga ako sa nalaman ko.
"Ah. Uhm... Tanggap po ba ni Bryan si
Bettina?"

"Alam ko, nung una, hindi. Pero kalaunan, natanggap naman niya si Bettina. Mabait na bata kasi si

Bettina. 2 years younger siya kay Bryan. Pero alam mo, parang magkapatid talaga yung dalawang

yun."

"A-ah. Pwede pa po ba magtanong?"
Tumawa lang siya ng mahina.

"Oo naman, Eya."

"P-paano po ba siya, n-namatay?"

"Paano namatay si Bettina? Hm. Nakakalungkot yung nangyari. Ang alam ko nun, September 24 yun,

birthday ni Bryan. Nagkaroon ng party sa 2nd house nilang mga Lim, tapos. Ang alam ko, nagkaroon

ng after-party si Bryan sa bahay din na yun. Basta, ang alam ko lang, ang daming nalasing, tapos

alam mo na, yung mga usual parties sa States. Tapos..."

"Tapos po?"

Bigla niyang kinuha yung hair curler ko saka sinimulan yung pagkukulot sa buhok ko. Pero naaninag ko sa mirror na malungkot si Tita J.
"Biglang nasunog yung house nila. Di ko alam kung saan nanggaling yung smoke,

basta, kinwento lang sakin nila Bart."

"Hala. Ano pong nangyari sa mga guests nila? Pati kay Bryan?"

"Ayun, nakalabas naman sila bago pa lumakas yung apoy. Kaso, si Bettina. Natutulog nun sa kwarto

niya. Hindi siya naligtas. At ang masama pa, nasama pa yung firefighter na magliligtas kay Bettina.

Namatay rin. Kaya galit na galit sa kanya yung dad niya sa kanya kasi, anak pa rin yun ni Bart."

"Atsaka, napamahal na kasi si Bettina sa family nila. Pero syempre, mas masakit yun sa part ni Bart.

Sinisi niya si Bryan. Nakakaawa nga si Bryan. Kaya nag-decide si Elise na papuntahin na muna rito si

Bryan sa Philippines, para maiwasan yung away."

Natahimik naman ako nun. Kaya pala, kaya pala parang malungkot pa rin si Bryan.

Bakit ganun? Naaawa tuloy ako sa kanya. Natahimik na lang ako nun. Habang inaayos ni Tita yung buhok ko, di ko mapigilang maawa kay Bettina.

After ilang minutes, minake-upan na rin ako, tapos pinagbihis na rin ako ng clothes na binili ko.

Dumating na rin si Bryan.

"Hey. Okay ka na?"
Tapos tinignan niya ako from head to toe. At nagsmile.
"Ganda mo ah."
Hindi ako nagsmile, sa halip, lumapit ako sa kanya at niyakap siya.

"Bakit?"

"Wala. Gusto lang kita yakapin."
Sincere ako sa yakap ko sa kanya. Di dahil nagpapanggap siya or anything, basta, yun. I feel his pain.

Namatayan rin kasi ako.

"Okay ka lang ba?"

"Oo."
Bumitaw naman siya sa yakap ko at kinurot yung pisngi ko.

"Seriously, I'm not joking. You are really beautiful today, Eya."
Nagblush naman ako nun at tinignan siya, parang magkaterno yung damit namin ngayon. Blue rin kasi sa kanya na v-neck eh.

At ang hot niya. Kagaya ng naiimagine ko kanina. Oops. Erase!

"Lika na? Kain na lang tayo sa may venue ng interview."
Um-oo na lang ako at nagbbye na rin kay Tita Jeanie.

Habang nasa kotse kami, napaisip ako bigla.

Yung papa ko kasi, namatay rin diba? September 24 pa. Grabeng coincidence.

31.

Bryan's POV

Kumain muna kami sa Conti's, sabi ko kay Eya na madami dapat siyang kainin dahil alam mo na, baka mamaya dahil sa gutom niya, makalimutan niya yung mga sasabihin namin sa interview.

Ang ganda niya talaga sa soot niya. Seryoso ako. Ang cute niya. Haha.

"Kain ka pa Eya."

"Baka mamaya, tumaba ako nito!"
PInisil ko lang yung pisngi niya.

I'm enjoying Eya's company. She's really nice to be with. Kahit lagi kaming nag-aaway. Nagiging jelly tuloy ako.

Err.

Bakit pala ako niyakap nito kanina?

"Bakit mo pala ako niyakap kanina? May problema ka ba?"
Bigla siyang nagstop kumain. Tapos iniwasan ako ng tingin.

"O-oy. Ano ba kasi problema mo?"
Di pa rin ako pinapansin.

"Oy Eyaaaaaa."
Di pa rin kumikibo.

Bigla siyang tumingin sakin at nagsmile.
"Hehe. Wala lang yun."
Pero alam ko na she's lying. Alam ko kung paano malalaman kung nagsisinungaling siya eh.

Tumitingin siya sa left niya. Napansin ko lang nun last week. Basta, nabasa ko rin kasi na isa yun sa psychological

factors ng isang tao.

"Ano nga kasi yun? Don't lie to me. I'll understand."
Tumingin siya sakin at biglang hinawakan yung kamay ko.

Dugdug. Dugdug.

Wha-whaaat? Anong nangyari? Bakit ganito yung heartbeat ko?

"Bryan..."
Tapos nagsigh siya bigla.
"Sorry."

"Bakit?"

Nilagay niya yung dalawang kamay niya sa pisngi niya.

"Nakwento kasi ni Tita Jeanie yung nangyari sayo... pati sa kapatid mo."

Bigla naman akong nainis nun. Daldal talaga ni Tita Jeanie. =____=

Pero naisip ko na kaya lang siguro sinabi ni Tita yun sa kanya dahil girlfriend ko siya diba?

Other books

The Woman from Bratislava by Leif Davidsen
The Nutcracker Bleeds by Lani Lenore
Where Courage Calls: A When Calls the Heart Novel by Janette Oke, Laurel Oke Logan
Breene, K F - Growing Pains 01 by Lost (and) Found (v5.0)
Dying Embers by Robert E. Bailey
Faery Worlds - Six Complete Novels by Tara Maya, Elle Casey, J L Bryan, Anthea Sharp, Jenna Elizabeth Johnson, Alexia Purdy
cat stories by Herriot, James